Kabanata 2

96 12 6
                                    


•••

"Anong nangyari sa'yo Zoe? Bakit ang ikli na ng buhok mo? Naging red pa?" Gulat na gulat na tanong ni Insan Kriella sa akin.

Kakagaling ko lang kasing parlor at doon pinaputulan ang hanggang bewang kong buhok na ngayon ay hangang leeg nalang at kulay pula na.

Minsan talaga umaatake ang katangahan ni Insan. Haay.

"Nagpagupit at nagpakulay malamang. Tss." Sabi ko at tuluyan na siyang nilagpasan.

"Tss. Alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit mo naman ginawang magpagupit at magpakulay?"

"Trip ko lang insan." Sabi ko at sinarado ang pinto na kwarto ko para wala nang istorbo. Kukulitin lang ako ni Kriella e.

Nag-dial ako ng number sa phone. Tatawagan ko sila mama. Kung napapansin niyo kasi, wala ang parents namin ni Kuya. Well, nasa abroad silang pareho.

"Hello, darling?" Narinig kong sagot ni Mommy sa phone.

"Hello Mommy, may gusto sana akong sabihin.."

"Then what is it my darling?"

•••

Monday. May pasok na ngayon. Bumaba na ako para sa almusal. Pagkababa ko, naabutan kong kumakain na sila kuya at insan.

"Zoe, kain na. Malelate na tayo. Monday pa naman may flag ceremony!" Sabi ni Insan na hindi tumitingin sa direksyon ko.

"Okay lang naman kung ma-late ako e."

Nag-angat na siya nag tingin. "Anong okay-- BAKIT IBA YANG SOUT MONG UNIFORM?!" Sigaw ni Kriella sa'kin. Pati si Kuya tinignan na ako.

Tiningnan ko muna silang dalawa bago ako nagsalita. "Lumipat ako ng school."

"WHAT??!!"

Tumango nalang ako sa kanila.

Ito lang kasi ang alam kong paraan para madaling maka-move on. Pag kasi sa school, lagi ko lang sila makikita ni Selena.

At alam kong magiging masakit yun para sa akin. Kaya hiniling ko kay mommy na i-transfer ako sa ibang school.

Buti at pinayagan ako.

Alam kong magiging mahirap na hindi ko na makikita si Levi pero para rin naman ito sa ika bubuti ko.

•••

Ilang linggo na ako dito sa bago kong school. At aaminin ko, sobrang boring.

Tapos kapag uuwi naman ako sinasadya kong gabi na. Kasi tumatambay pa kasi minsan yung mga kabarkada ni kuya sa bahay. At sigurado akong nandun si Levi.

Kaya hangga't maaari, gabi na ako uuwi.

Ayokong mauwi sa wala ang pagmo-move on ko. Ang hirap na nga tapos mauuwi pa sa wala? Edi quotang quota diba?

Sinara ko na ang libro ko. Nandito ako ngayon sa library. Sa library ko na kasi ginagawa ang mga assignments ko. Kasi nga diba? Gabi na ako umuuwi? Kaya ayon wala nang time gumawa sa bahay.

Destined To Love (Short Story)Where stories live. Discover now