Chapter 6

221 12 0
                                    

Chapter 6

A Misunderstanding

"Oh my! It's really you, Kee! You're also here! How have you been?" A girl excitedly talked to Keegan.

Kaya tuloy naiwan ako roon sa likod lang nila habang busy pa silang mag-usap na dalawa. Humalukipkip na lang ako ng mga braso ko habang naghihintay sa kanilang matapos.

"Nga pala, this is Shirley. She's also a friend of mine." At may pinakilala pang bagong babae kay Keegan.

There were group of girls na bagong dating lang sa isla at mukhang kakilala nila si Keegan. We were just having fun earlier just the two of us, Keegan and I, when these girls arrived here...

Ngayon ay naging abala na si Keegan sa kanila.

Pagbaling niya sa akin ay nagtagal ang tingin niya. Umalis na rin sa harapan niya iyong mga babae na kausap niya kanina.

"Hey..."

Tumalikod na ako at nagpatiuna sa paglalakad. Nakasunod naman siya sa akin.

"Those were acquaintances from my past university." He said while also walking beside me now.

"I will also introduce you, but you were standing a little farther away from me..." He said.

Nagpatuloy lang din ako sa paglalakad. Babalik na siguro ako ng hotel ko. "Ayos lang. They were not interested with me, anyway." I said.

"Hey, that isn't the way." Bahagya akong hinila ni Keegan. "The restaurant's this way, remember?"

Tumingin ako sa kaniya at naalala na oo nga pala at kakain pa kami ng lunch sa restaurant ngayon. Tumango na lang ako at sumama.

Pero papunta pa lang sa restaurant ay may nakasalubong na naman kaming isa pang babae na kilala rin si Keegan... Umatras na lang ako at hinayaan siyang kumausap na naman ng isang babae.

"Sino 'yon?" I can't help it but ask after.

"Nakilala ko lang din dito sa resort. Guest din ng Villa Martinez." He answered.

At papasok ng restaurant ay nagngingitian na agad ang mga staff at waitresses doon nang makita nila si Keegan. I haven't noticed this before. But Keegan Eleazar seems to be famous with girls...

At ngayong naisip ko na ito ay naisip ko rin ang sitwasyon naming dalawa. He was also friendly with me... And I even realized that he might just be friendly with everyone else, especially with the girls.

Tsk... tsk...

Tiningnan ko si Keegan.

Nakaupo na kami ngayon at sa harap namin ang mesa rito sa restaurant ng resort. Ngiting-ngiti pa kay Keegan ang staff na kumuha ng order namin. Halos magbuntong-hininga na lang ako sa isang tabi.

Tumingin din sa akin si Keegan. "Why..."

Nag-angat ang mga kilay ko sa kaniya.

"Why do I feel like you are shooting daggers at me with the way of your stare at me now..." He said.

And my eyebrows arced even more at him. "I'm not." I defensively said...

Sa huli ay ngumiti na lang si Keegan sa akin at may pakiramdam pa ako na mukhang parang nagpipigil lang din siya ng tawa niya...

"What?"

Umiling lang naman siya sa akin at may ngiti pa rin sa mga labi niya. Na para bang natutuwa pa siya...

I just sighed and tried to ignore him. Especially when the food was served. Kumain na nga lang ako at mabubusog pa ako. I also ordered more than of what I usually have today. Si Keegan pa rin naman ang magbabayad kaya bahala siya...

"Hey... are you perhaps angry...?" He asked when we're already out of the restaurant and done eating.

Mabilis naman akong bumaling sa kaniya agad. I was ready to defend myself. "Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit? Bakit, may ginawa ka bang masama? O ginagawang hindi maganda?" I randomly throw questions at him.

Kumunot naman ang noo niya sa akin. "What... do you mean?" Mukha pa siyang nalito.

Nagbuntong-hininga na lang ako.

I'm thinking that Keegan's maybe a playboy... or a womanizer... Just because of the different and many women I've seen who greeted him today? Because I noticed that he seemed friendly with other girls, too...

I don't know... I just feel like... I sighed. I just still really don't know Keegan...

"Wala. I'm sorry. Tara na?" Niyaya ko na siya.

Nakatingin pa rin siya sa akin at tumango naman.

"Can you tell me your thoughts?" Keegan asked me while we were walking again. Kakatapos lang kumain.

Bumaling ako sa kaniya. At habang tinitingnan ko siya na mukhang inosente, I felt guilty. And I'm embarrassed of my thoughts about him earlier. I shouldn't judge him because he's been good to me all this time here in the island. After all and no matter what I shouldn't forget that he was good to me... Ano ba ang iniisip ko.

Umiling ako. "Nothing... I... I think I misjudged you today..." I told him honestly.

His lips parted. "What do you mean..."

Nahihiya naman akong umamin pa. But I know that it would just bother me later... so... "I thought that you're a playboy." I said.

Nagkatinginan kaming dalawa at umawang pa ang labi niya. "Really..." Mukhang hindi niya alam kung magagalit ba siya siguro o itatawa na lang...

Siguro ay singpula na ako ngayon ng kamatis sa kahihiyan... Nakagat ko na lang ang labi ko.

"What —Why would you think that?" He asked rather smiling now.

I sighed. "Kasi ang dami mong kakilalang mga babae... You're friendly." I said and it's petty...

"And is that bad?" He asked me.

Umiling ako. "Hindi naman..."

"I just happened to know those girls. Mga nakilala ko na sa university ko dati, diba sabi ko sa'yo kanina? At iyong isa naman kanina dito lang din nakilala ko sila ng boyfriend niya na nagbabakasyon din dito sa isla." He even had to explain.

Gusto ko na lang pumikit sa kahihiyan...

"Well, I think we just have a misunderstanding here..." he said, looking at me.

And I apologetically looked at him. He smiled.

"I'm not a playboy, Kaia. And I was never one..." He sighed.

Mabilis naman na akong tumango. At gusto ko na lang din na maiba na ang usapan dahil sa kahihiyan ko na talaga. "Okay, okay. I get it now. You're not... I'm sorry." I sighed.

Nakangiti pa rin naman sa akin si Keegan. That I feel like he finds me amusing instead...

Umiling siya sa'kin. "It's all right. I'm not mad or anything. It's fine. We're okay." He reassured me with his words.

Until I found myself smiling a little and then I also feel okay again after that.

Author's Note: Hello, readers! I'm now accepting new members to my Facebook VIP group! Membership is 150/month. Kindly message my Facebook account Rej Martinez to join and learn how to avail our membership promos as well! And save your money as you pay less for the membership. Thank you very much for your love and support for Rej Martinez's stories!

A Week Of Romance (Villa Martinez Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon