TRSR 012

8 0 0
                                    

D-day.

SAFIE's POV

Kakatapos lang namin kumain dito sa Chowking sa MOA. Napagod kami kakaikot sa may arena kanina para manguha ng mga freebies. Ang hirap ba naman hanapin nung mga nagbibigay. Inikot na namin buong labas ng arena tapos syempre minsan magsisiksikan pa para makakuha ng freebies. Ito, halos mapuno na nga yung extra bag na dala ko. Buti na lang pinaalala sa akin ni Allie kahapon na magdala.

"OMG!" Nagulat kami bigla nang biglang sumigaw si Klei habang nakatingin sa cellphone niya. Napaalis tuloy kami sa pagkakasandal sa kinauupuan namin.

Nanatili kaming nakatingin sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya. "Nasa labas na ng arena sila Shun! Kasama crush mo!" Masayang sabi niya at hinarap pa sa akin ang cellphone niya. Doon ko nakita ang isang twt ni Shun. Picture nilang tatlo nila Jinx at kitang kita ang arena sa likod nila. Mukhang nasa may Pacific Drive sila. Nakitingin din si Allie sa phone ni Klei.

"Magkikita talaga kayo ni Jinx!" Tuwang-tuwa na saad pa ni Klei. Mas natutuwa pa talaga siya kaysa sa akin nang malaman na malapit lang sa amin si Jinx.

Well, kinakabahan ako kasi first time ko siyang makikita ulit after the day na nag-confess ako. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaction ko kung magkikita nga kami mamaya, e. Babalik pa kasi kami doon kasi syempre, pipili pa 'yang dalawa tapos maghahagilap pa ako dahil baka mamaya may namimigay pa pala ng freebies.

Hindi na ako nakapagsalita at ininom na lang ang natitirang iced tea sa baso ko.

"Halika rito't ire-retouch kita! Para fresh ka pa rin mamaya 'pag nakita mo na si Jinx." Agarang sabi ni Klei at nilabas na naman ang pouch niya na naglalaman ng nga makeup niya.

Hindi na ako umalma dahil wala na naman akong magagawa. Ni-retouch niya ulit ako ng kaonti. Pansin ko naman na habang inaayusan ako ni Klei ay panay ang type naman ni Allie sa phone niya. Ni hindi nga makatingin dito sa amin, e. Sino naman kayang ka-chat nito?

Hindi lang retouch ang ginawa sa akin ni Klei. Tinalian niya rin ang buhok ko para raw hindi ako sobrang pawisan mamaya. Sobrang init pa naman sa labas ngayon. Parang gusto ko na nga lang dumeretso sa pool kung meron lang malapit, e.

"Ayan, ang pretty mo talaga!" Saad ni Klei pagkatapos akong ayusan. Binalik niya na rin ang mga nagamit niyang makeup sa pouch. Ginamit ko namang mirror ang camera ng phone ko para tingnan ang ayos ko.

Parang hindi ako 'to, ah. Hahahahaha. Grabe kung makaayos, akala mo talaga makakapasok ako sa arena at makikitahol, e. Charot.

"Tara na ba?" Tanong sa amin ni Allie habang hawak pa rin ang kanyang cellphone.

"Tara na." Sagot ni Klei.

Tumayo na kaming tatlo at kinuha ang mga bag na dala namin. Sabay kaming naglakad palabas ng Chowking. Pagkalabas nga namin ay marami kaming nakita na ibang fans na mukhang team labas or team concert din. Nakasuot kasi sila ng wrist band na pinamigay kanina kaya alam namin. Halata rin dahil may mga hawak din silang freebies.

Habang naglalakad kami, nag-uusap lang kami ni Klei habang si Allie patuloy pa rin ang pagt-type sa cellphone niya. Buti na nga lang at hindi nababangga ito, e.

"Alliebels, sino ba 'yang ka-chat mo kanina pa at hindi mo kami makausap?" Pansin ni Klei kay Allie kaya napatingin ito sa amin.

"Kaibigan ko lang." Sagot ni Allie at in-off na ang phone niya atsaka nilagay sa bulsa ng pantalon niya.

Nagusap-usap na lang kami habang naglalakad palabas ng MOA para bumalik doon sa arena. Marami na rin ang tao na nakikita namin na aattend talaga ng concert. Minsan nga ay binabati namin ang isa't isa kapag may nakakasalubong kami, e.

Find My TreasureWhere stories live. Discover now