UNLABELED ASSURANCE

31 3 0
                                    

RIONDYL's POV

“Kung kailan nahulog ka na ng sobra, dun ka pa piniling bitawan”

Dati di ako makarelate sa pahayag na ito sapagkat di ko pa naman nasubukan at di ko gusto o nais na masubukan sa buhay lo dahil masyado akong fragile na babae kong sasabihin. Masyado kong dinidibdib ang lahat ng sakit—sabayan pa ng mga malalang what ifs sa isipan ko. Pero, naniniwala ako at may tiwala ako kay Levi na di niya ako sasaktan.

“Are you sure enough that his love assurance will assure that he will never hurt you?”

Maraming tao na ang sumubok na tanungin ako ng mga katagang yan subalit naninindigan akong he likes me very much na di niya kaya ako kayang saktan. Di niya ako sasaktan.

Pinanghahawakan ko rin ang pinagsamahan naming dal'wa.

Maybe ang pinakamalaking factor na rason kung bakit nila ako ini-interrogate about us is wala kaming label. He has been pursuing me for about nearly a year now and we chose the “no label status, but lovers” because we started as a friends and we don't want to ruin this friendship. In addition, we have various things to prioritize first. Mukha mang alibi, however, that's a fact.

“Insan, ang clingy naman na ni Levi sayo these days?” Huge teased.

Oo, napansin ko rin yun at ibang kilig ang hatid nung mga actions niya towards. Actually, we're living in a same roof, just the wall ang pagitan namin at ayon ang masakit sapagkat lagi ko siyang makikita after niya akong lokohin. Ipagpalit sa kaklase niya sa isang subject at mas piniling saktan ako.

“Dyl, may sasabihin ako.” Nikka seriously said.

“A-Ano yun?” I got curious.

“I caught, Levi cheating on you.” Saad niya that caught me off guard. Di ko mapricess at ayaw kong iprocess.

“P-Paano?” pilit tinitibayan ang loob para malaman ang katotohanan. Katotohanang hinhiniling kong maging isang kasinungalingan na lamang.

At ayon nga, ikuweninto niya ang lahat ng nalalaman na di nagpatulog sa akin ng matiwasay. Magdamag akong humahagulgol sa sakit kahit alam kong naiistorbo ko na ang pahinga ng iba pero thankful ako dahil di nila ako sinaway, kundi pinapakalma at sinasabing di mo siya deserve iyakan.

“Nagi-guilty na tuloy ako kung bakit ko pa sinabi sayo.” saad ni Nikka.

“Okay lang beng, at least ginawa mo lang yung tama kaysa naman bulag ako sa katotohanang ginagawa niya lang akong tanga para magpatanga sa kaniya.”

“Kung kailan sure ka na—na siya na talaga pero di pala sure sayo all this time” Yan na lang ang nasabi ko sa sarili at damang-dama ko ang pait na namutawi sa mga binitawan.

“Levi, magkuwento ka nga” si Huge.

“About sa alin ba?” Levi.

“Kahit ano.” sumbat ni Deym.

“Oo, kasalanan ko na. Kahit saan tignan na anggulo kasalan ko.” biglang ani ni Levi.

Hinihintay ko siyang magpaliwanag at sabihin ang nasa isipan at bakit nagawa niya sakin yun pero ang pinarating niya lang ay ang mga salitang pinagtagpi-tagpi na una sa pinakaayaw kong marinig.

“Di ko na siya gusto.”

Pero, kahit di niya na ako gusto, umaasa pa rin ako kahit sabihin ko sa mga taong nasa paligid ko na di ko na rin gusto na gustuhin siya dahil magmumukha lang akong tanga at magpapakatanga.

Sinasabi ko rin sa sarili ko na baka may rason siya kung bakit niya ginawa yun at kung reasonable naman ay intindihin ko siya. Iintindihin ko siya kahit masakit na nagawa niya sakin yun. Ngunit, gusto ko siyang intindihin.

“Tumigil ka na. Tigilan mo na siya, insan. Ang ganda-ganda mo tapos magpapalugmok ka lang sa isang kagaya niya. You deserve someone else, much better than him.” Si Huge na wala sana akong balak ipaalam sa kaniya ang nangyari pati kay ate Joyce dahil alam ko magiging reaksyon nila.

“Ang gago talaga ni Levi. Kabwisit niya! Akala niya kinaguwapo niya yung ginawa niyang yun!” si Ate Joyce.

Maraming nagbago at ang laking ng pagbabagong nangyari sa buhay ko. Nakita ko kung paano ako pahalagahan ng mga kaibigan ko. Lagi silang nariyan para antabayan at samahan ako. Di ko alam kung magiging thankful ba ako sa nangyari or hindi.

“Anak, okay lang yan. Maganda ka. Mas magpokus ka na lang muna sa pag-aaral mo. Makakahanap ka rin diyan ng iba.” si Mama ko. Inopen ko sa kaniya ang tungkol sa nangyari at need niya kasing malaman dahil kilala niya rin si Levi at kahit di niya sabihin, botong-boto siya ng mga panahong may namamagitan pa sa aming dalawa.

Maraming sumubok na ligawan ako pero siya lang ang napagbigyan kong ientertain hanggang mahulog na nga ako ng tuluyan sa mga matatamis niya salita at kilos sa akin.

Siya ang nagsimula, siya rin pala ang tatapos. Iniwan niya lang akong parang wala lang sa kaniya without proper explanation. Is he really committed nung panahon naming dalawa or matagal niya na talaga akong niloloko ng pasekreto.

He cheated on me, but it feels like I still want to continue what we have started—he started.

Gusto kong balikan ang katanungang, sapat na ba ang assurance para di ka niya saktan kahit na walang label? Well, it depends sa taong yun kung committed ba talaga siya sayo na kahit mawala na ang spark or kilig ay mag-iistay siya sapagkat that is how love works.

When I thought that he is belong with me, he let go and find another woman to fulfill the role that I thought it was mine like he was into me.

This is Riondyl De Vera, still hoping to have him even if it's too vague to happen kasi ganito siguro kung mahal mo na ang isang tao ng sobra-sobra na halos makalimutan na magtira para sa sarili. Masakit pala talaga ang magmahal ng sobra. Ikaw na naiwan lang ang makakawawa at magmumukhang tanga sa huli.

Totoo nga ang sabi nila na matalino ka mang tao, pero pag-umibig ka, kaya monh magpakatanga para lang sa taong mahal natin na akala natin na siya na ang una't huling taong mamahalin natin. Hindi pala.

The end.

#WattpadAThonChallenge2023
#WattpadAprilEntry

@hyujinzz

UNLABELED ASSURANCEWhere stories live. Discover now