a few seconds ago


Zack:

Hello. Kamusta ka? Ok ka lang ba?


Aww! Na-touch naman ako sa pagkamusta. Hihi! Chosera!


Me

Okay lang ako. Teka, anong nakain mo at nag friend request ka sa akin?


Zack

Hahaha. You're funny. Bakit? Masama ba?


Me

Ah, hindi naman. Nagulat lang ako talaga ako sa'yo.


Zack

Pwede ba video call na lang? Tinatamad akong mag-type eh.


Me:

Ok wait lang. Buksan ko laptop ko kasi palowbatt na phone ko.


Zack

Ok. I'll wait ha.


Hay! Nangti-trip rin ba yun? Sa tingin ko hindi. Yun nga pinakamabait sa tropa nila eh. So yun, binuksan ko ang laptop ko para makapag video call kami.


Me

Okay na.


Zack

Okay wait.


Tapos maya-maya nga ay tumawag na siya and I accepted the call. I didn't bother fixing my hair or what.


Nagshow na ang mukha niya sa screen."Wow," agad na wika niya matapos akong makita.


"Bakit?"


"Wala."


"Eh ano nga," sabi ko sabay pout.


"Ang cute mo kapag naka-pout," sagot niya sa akin ignoring my question.


"Mag salamin ka nga, baka malabo na ang mga mata mo," sabi ko.


"Teka, nasaan nga pala yung sa iyo?" Tanong niya bigla habang inaayos ng upo.


"Ah yun ba? Hindi ko sinusuot pag nasa bahay lang ako. 'Di ba bagay?" Tanong ko.


"Hindi naman. Hindi ba malabo ang mata mo? Nasanay lang akong may salamin ka eh."


"Hindi. Trip ko lang isuot yun. Basta long story," sabi ko kaya tumango tango siya.


"Ah okay. Pero I prefer your look without glasses. Mas maganda ka kapag walang glasses eh," sabi niya at hindi ko naman maiwasang kiligin. Nag iinig ang mga pisngi ko.


"Bolero."


"No I'm not joking," sabi niya with a serious look. Wow, talaga lang ha.


"By the way, can I get your number? Eto yung akin," sinabi niya ang number niya at sinave ko naman ito sa phone ko and I did the same.


Grabe hingian agad ng number! Bilis!


"Hey, antok na rin ako. Might as well go to sleep na."


"Ah, sige na. Bye! Good night!" Sabi niya sabay end ng call. Kaya naman natulog na ako.


Zack's POV

Ah! Hindi ako makatulog! Hindi ko naman first time na makita siyang walang glasses but ngayon na-shock ako na ganun siya kaganda! Partida hindi man lang ata siya nag ayos ng sarili. Yung first time kasi parang sulyap lang dahil sa pagmamadali ko.


*Flashback*


30 minutes before the time na. Nagmamadali ako at naglakad ng mabilis. May mga nababangga na ako.


Pero sorry na lang ang sabi ko. Pero yung isa, may nabangga akong babae. Napalakas ata yun kaya naman natumba siya at nahulog ang glasses niya. 


"Miss, sorry nagmamadali lang,"sabi ko sabay pulot ng books niya.


Nung tumingala siya nakita kong si Chloe pala. Ang ganda pag walang glasses. Pero dahil nagmamadali ako, ibinigay ko agad ang books niya at tumakbo na.


*End of flashback*


Sayang talaga yun! Hay! Crush ko na ata talaga siya. Hindi lang dahil maganda siya. Kundi,dahil mabait rin siya at may magandang ugali. Sino kaya crush niya?


Hay! Makatulog na nga!

The Mysterious Nerd حيث تعيش القصص. اكتشف الآن