#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned

31.4K 478 83
                                    

ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned

Belle's POV

The first time that I witness a dying person, is way back when I was little.

Mga five years old lang ata ako noon, wala pang malay sa mundo. I didn't even have any idea what dying means. Pero nandoon ako sa tabi ng tita ko na pinsan ni mama, naka-abang...naghihintay na mawalan na siya ng hininga.

Tita Evelyn, was never been good to me. I have a sharp memory kaya hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa kung paano niya ako palaging pinapagalitan sa tuwing may house party at nagkakalat ako doon sa may chocolate fountain. She always nags me, she always saw my mistakes. If I remember it right, nobody liked her, because like me, she was a b-itch.

Matalas ang dila, at kung makapagsalita ay akala mo siya ang Diyos na kailangang sambahin. My mom always reminded me na kailangan ko siyang pagpasensyahan. Because you see, she never had a family of her own. Sabi nila mommy wala daw nagkamaling manligaw kay Tita dahil lahat na lang tinatarayan niya. To my future self, that's okay. Dahil may karapatan naman siya to deny her suitors, but to my five year old self, I saw her as a witch.

But being a dutiful niece, sinamahan ko sila mommy na magbantay doon sa hospital. Tita Evelyn, was diagnosed with stage 4 breast cancer. Nasa lahi daw namin iyon. At dahil wala siyang ibang family, aside from us, nag stay kami hanggang sa last days niya.

I don't know what death meant, until I saw my auntie draw her last breath. Hindi ko nga sigurado kung gusto na niyang mamatay noong mga panahong 'yun. I remembered that she's still fighting for her life when my parents decided to shut down the machines that helped her live for one more day.

Hindi siya nabigyan ng chance lumaban para mabuhay. Nang patayin nila ang life support na tumutulong sa kanya, para na ding pinatay siya ng mga magulang ko.

And I don't want that to happen with Kendrick.

Gusto ko siya mismo ang sumuko. I want to give him the chance to fight.

A chance to live.

I want to see his smile again and I want...

I want to hear him call my name again.

"Belle, halika na. Matulog ka muna. You've been for three days. Kailangan mo ng matulog at kumain."

"I ate already,"

"But..."

"I said, I ate already! Leave me alone!"

Sabi ng mga doctor. Hopeless case na daw si Ken. Hindi na nila kaya pa siyang i-revive. At kahit na nakuha na nila ang balang bumaon sa kanyang ulo, ay mananatili na daw siyang brain dead.

Sa madaling salita....He's already good as dead.

They already told me, to stop hoping. Tumigil na daw ako sa kahibangan ko at sumuko na. Wala naman daw magagawa, kaya bakit pa daw ako lalaban? Patay na siya, pero bakit pa daw ako umaasa?

I want to hurt them all. Lahat ng doctor, lahat ng kaibigan ko na nagsabi nang sumuko na ako. All I want is to hurt them all.

Paano nila nasabing sumuko na ako, kung nakita ng mga mata kong gumalaw noong isang araw ang mga daliri ni papabebe? Paano ako susuko kung alam kong pumipintig pa ang puso niya?

Paano ako susuko kung humihinga pa siya?

They told me that, it's the machines. Sabi nila ang mga machine lang daw na nakakabit sa kanya ang tanging bumubuhay kay Ken. They told me to just give-up.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon