3- THE CHAOS HAS ARRIVED.

Start from the beginning
                                    

"Chat niyo nga si Iz, tell her na siya na ang sunod." Rinig kong usapan nila.

"Dito na po ako, Sir." Sabat ko. "Regarding po sa file, okay na po. Andoon na po kay Dean."

"Thank you again, Iz." He said.

"Welcome po." I smiled.

"Ano, perform na or pahinga ka muna?"

"Wala nang hinga-hinga, diretso na agad ta naghihingalo na yong patient. Chariz!" Sagot ko na ikinatawa nila.

"We're laughing but it actually happens in real-life setting. Darating din kayo dyan." He said at pumasok na sa area. "Magpipigil ng ihi, magtitiis ng gutom, mag-ko-kontrol ng galit at emosyon. Papunta na kayo do'n."

Kinuha ko na gamit ko at bumaling sa mga ka-grupo, "Uyy sino patient ko today?"

"Meron na d'on, sige na." Sabi ng mga nasa labas.

And here I am, thinking na si Zelle ang patient ko tapos iba madadatnan ko sa loob.

"Labas na kayo, only Iz and the time keeper can stay." Sabi ni Sir.

"Uy, Lexie.." Kalabit ko sa kakatapos lang na mag-perform na si Lexie.

"Ano? Wala kang penlight? Andyan na lahat ng kailangan, pati na din yong neuro hammer and opthalmoscope." Sagot nito. "Sige na, kayang-kaya mo 'yan."

"Uy teka.." Pigil ko at saka hinila siya palapit.

"Ano?"

"Ba't may import?" Pabulong kong tanong na agad naman sinagot ng tawa ni Lexie at Rissa.

"Bakit kayo tumatawa?" Biglang tanong ni Sir.

"Ay bakit? Bawal ba?" Bulong ko uli na mas ikinatawa nong dalawa, pagkatapos ay bumaling sa CI. "Wala po, Sir."

"Ano kayo mga baliw? Nagtatawanan ng walang dahilan? What is it, Lexie?" Baling nito sa katabi ko. "Share niyo naman sa'min para matawa din kami."

"Sir, pinapatanong po kasi ni Ate Iz kung bakit daw po may import?" Panglalaglag saakin ng ka-grupo.

Napa-buntong hininga na lang ako ng magtawanan sila.

Dami ko talagang fans.

"Import? Ano yan, PBA?" Natatawang banat ni Sir. "Anyway, I asked Carl to act as the patient so that all group 3 will be pressured. Let's see your ability to work under pressure."

"Ay sosyal." Tango ko.

"Time is running. Labas na 'yong hindi dito kailangan. Iz, mag-prepare na." Serious mode na si Sir.

"Bye Ate Iz, goodluck!" Paalam ni Rissa.

At lumabas na nga sila. Tanging kaming apat na lang ang natira sa silid na 'yon.

"Iz, asikasuhin mo na 'yang patient mo. Lagyan mo na ng c-collar." He said. 

"Hindi niya kaya?" Biro ko.

"He's a patient." He answered.

"Ay ako po talaga ang maglalagay, sir?" Hirit ko ulit habang inaayos yong mga gamit.

"Alangan namang ako. Sino ba ang mag-re-retdem?" Pambabara nito. "Diba sabi ko, act as if you're in the actual setting."

Lumapit na ako at saka kinuha 'yong c-collar.

Dopamine RushWhere stories live. Discover now