CHAPTER 13

8.8K 155 11
                                    

“WHAT ARE you doing here?” mahinang usal ni Thaddeus. Bagama’t hapong-hapo ito ay maayos pa rin nitong nabanggit ang mga salita. Walang bahid nang pagkautal.

Nakaupo na ang binata. Hindi katulad kanina na nakaratay ito sa higaan at balot-balot ng kumot niyang makapal. Ang bimpong nakapatong sa noo nito ay naalis na rin nito at nilagay na lang sa gilid kung saan may lalagyan doon, naroon din ang iba pang bimpo na nagamit niya.

“To give this folder to you. Dad kept on calling you last night but you're not picking up your phone. So he hand over this folder to me and instructed to give this to you.” Iniripan ng dalaga ang binata. “And as what I can see now, kailangan mo nang aalaga sa ’yo. Kung bakit naman kasi nagpaulan ka gayong alam mo naman na bawal kang maulanan?” Pagmamaldita pa rin ng dalaga.

“Manang was already here. She’s taking care of me—”

“She said you're being stubborn. You’re not taking the medicine she was giving to you. Para kang bata. Gurang na pero takot pa sa gamot.” Pamumutol niya sa sasabihin pa sana ng binata.

“Sino ba ang matutuwang uminom ng gamot? If it’s bitter than to a bitter gourd? And stop calling me gurang. I’m just 37 years old,” tugon ni Thaddeus. Umirap lamang ang dalaga rito.

“Ewan ko sa ’yo, Gurang. Here, take this folder. I wanna go home. Just give it to Dad if you’re already okay.” Inilahad niya ang folder sa binata na kaagad naman nitong kinuha at inilagay sa gilid ng kama.

“Aren’t you going to take care of me. I think I need a pretty caregiver. Baka gumaling ako kapag ikaw ang nag-alaga sa ’kin,” Thaddeus said, a playful smile creeped on his handsome face.

“May taga-alaga ka naman na. So, you’re not be needing me anymore. Manang can take care of you. Just stop your stubbornness. Matanda na si Manang, huwag mo nang pahirapan.” She roamed around her eyes on Thaddeus room. It was all black. From the wall, the bedsheet, and his blanket were all black. Even the table that the lampshade was placed.

Tanging ang ceiling lamang ang hindi itim ang kulay na nakita niya doon.

Nang ibaling ni Sheena ang kaniyang tingin sa binata, nahuli niya itong nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit bakas sa mukha nito ang pagsusumamo. Para saan iyon? Gusto ba talaga ng binata na manatili siya?

Nasabi niya naman kanina na aalagaan niya ito, pero bakit ngayon ay nag-aalangan siya? Dahil ba hindi mapakali ang puso niya? Dahil ba sa lalong tumitingkad ang nararamdaman niya para dito sa tuwing malapit ang binata? Paano ang pinanghahawakan niyang paniniwala na hindi siya magkakagusto at papatol sa hindi niya ka-edad?

“Please, Sheena. Even just today, puwede bang manatili ka muna sa tabi ko? Puwede ba akong... magpa-alaga sa ’yo?” ani Thaddeus. Bakas pa rin ang pagsumamo sa mata nito.

Nag-isip muna ang dalaga bago sagutin ang tanong ng binata. Nakapagpaalam naman na siya sa kaniyang ama na hindi siya makakauwi tulad sa inaasahan ng mga ito. Hindi kaya ito mag-aalala na sobrang tagal niya na? Kilala niya ang ama, madali itong ma-pranning tuwing late na siya kung makauwi.

Inside Sheena’s mind, she heaved a deep sighed, as well as close her eyes before she uttered the words that made Thaddeus face glistened.

“Just please, don’t be so stubborn. Lalayasan talaga kita kapag pinairalan mo ako nang katigasan ng ulo.” She rolled her eyes again that made Thaddeus chuckled.









LABIS-LABIS ang tuwang nadarama ngayon ni Thaddeus. Sa wakas ay makakasama niya nang matagal ngayon ang babaeng hindi niya inaasahang sisira sa paniniwala niya. Tanging ang babaeng kasama niya lamang ngayon ang nakabihag sa puso niya na akala niya talaga ay hindi iibig pero heto siya ngayon, minamahal si Sheena. Oo, mahal niya na ito. Mabilis. At wala siyang dahilan pa para i-deny ang kaniyang nararamdaman sa dalaga.

Her Daddy's FriendWhere stories live. Discover now