009

13 2 0
                                    

Anong hiwaga ang mayroon ka
Na sa akin ay syang nagpatumba
Sabay na naawit sa tugtog nitong musika
Puso ko'y iyong hinarana,ako naman itong sobrang saya

Iyong balintataw, na aking pinagmasdan
Di na kayang ikubli ang damdaming aking nararamdaman
Mga matatamis na wikang iyong tinuran
Ikaw na nga, ang syang paraluman

Mga bagay na di maunawaan
Ikaw ang nagbibigay ng kasagutan
Mga sagot na tunay kong mapakikinabangan
Mga payong araw araw kong pariringgan

Di man tayo ang sadyang pinagtapo
Di man ako ang iyong marahuyo
Pero ikaw ang pipiliin ko ng buong buo
Anong kaysaya, ano't kay silakbo

 100 TULA Para sa KANYAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن