Segu-segundo
Minu-minuto
Naguguluhan ako
Sino nga ba ang gusto ko?
Meron nga ba? O imbento lamang ito?
Sa utak kong gulong gulo
kakalitong mundoIto ba'y paghanga?
Teka, hindi ito nakakatuwa
Kung ikaw ba ang tatanungin
Ano kaya ang iyong iisipin?
Ganito din ba ang ang iyong nararamdaman?
O ako lamang, umaasa't nakikinabangTanggap ko, tatanggapin ko
Dahil naniniwala ako Kung hindi man ikaw,kung hindi man tayo
Marahil ay magkaibigan nga lamang
Marahil ay may mga darating pa at ikaw ay nandyan,
Hiling na sana ay tuparin ng mga bituwin Na ikaw at ako,
ay kayang pagisahin
![](https://img.wattpad.com/cover/339038197-288-k63559.jpg)
YOU ARE READING
100 TULA Para sa KANYA
PoetryAng likhang ito ay hindi isang kwento. Ito ay ang damdamin ko. Ito ang nais ko'y sayo iregalo. Isang Daang Tula ang aking ihahanda. Libo libong salita, aking isasagawa. Bawat araw ay gagawan Bawat linggo ay aking dadagdagan Bawat oras,minuto, ikaw a...