"Sigurado ka ba na ang elemental stones ang pinag-aalala mo? Baka naman ayaw mo lang talaga na mamatay ang dalawang bata na 'yon? Alam mo Heiro, mamatay man ang elemental stones ay magiging ligtas pa rin ang elemental world. Kami ang magtatago sa mga iyon at hindi iyon makukuha ni Valgemon. May problema ka pa ba? Kasi kung wala na at kung hindi mo kayang dalhin dito ang dalawang bata, ako mismo ang kukuha sa kanila," Brizto said. Talagang binara niya ang dahilan na sinabi ni Heiro sa kaniya. Lumapit si Zeira kay Heiro at saka niya ito hinawakan sa braso na tila sinasabi niyang tumigil na ito dahil hindi na magbabago ang desisyon ng Elemental Ministry.

"Pero Brizto, baka naman may iba pang paraan?" tanong ulit ni Heiro na hindi nawawalan ng pag-asa na baka sakaling pwede pang malusutan ang sitwasyon na 'to.

"Alam mo kung ano ang kaparusahan sa paglabag sa batas, hindi ba? Kailangan nilang mamatay!" galit na asik ni Brizto. Napupuno na kasi siya sa pagiging mapilit ni Heiro.

"That's enough. Heiro, sumusunod lang kami sa kung ano ang dapat na gawin. They need to die," Detero said.

Hindi na nagsalita pa si Heiro. Para silang binagsakan ng langit na bumalik sa Yoso Academy. Sa kanilang lima ay siya lang at si Ferno ang pinaka-apektado dahil nga air person si Aria at fire person naman si Fire. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na may lihim na pagtingin itong si Ferno kay Maui, 'di ba? Iniisip niya ngayon na labis na masasaktan si Maui kapag namatay si Fire.

Biglang umalis si Hera nang hindi nagpapaalam kina Heiro. Dumaan siya sa isang tagong lagusan sa loob ng black forest. Isa itong mahabang deretchong lagusan na para bang papunta sa ilalim ng lupa. Palinga-linga pa si Hera habang naglalakad na para bang sinisigurado niyang walang sumusunod sa kaniya. Pagdating niya sa isang pinto ay kumatok siya dito.

"Sino 'yan?" tanong ng isang boses.

"Ako ito. Si Hera," sagot naman ni Hera at agad na bumukas ang bilog na bakal na pintuan ng isang sagradong lagusan. Ang creepy ng lugar. Nakadagdag pa sa creepiness chorvaness ang paggit-git ng pinto habang dahan-dahan itong bumubukas.

Sa pagbukas ng pinto ay may dalawang malalaking ahas na bumungad kay Hera. Agad naman siyang napahinto sa kaniyang pwesto. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya dito pero ito ang unang beses na sinalubong siya ng dalawang naglalakihang ahas na 'to. Napalunok siya at halos hindi makahinga sa nakikita niya. Kinakabahan siya na isang maling galaw lang niya ay tuklawin o kaya naman ay lunukin na lang siya bigla ng mga ahas na 'to.

"Hayaan ninyo siyang lumapit," sabi ulit ng isang boses. Hinayaan ng dalawang ahas na magpatuloy si Hera sa pagpasok. Isang makitid na daanan lang ang pwedeng lakaran ni Hera. Habang naglalakad siya ay makikita sa ibabang bahagi ng daanan ang sandamukal na ahas na tila nag-aabang ng kanilang makakain. Halos hindi maihakbang ni Hera ang kaniyang mga paa dahil sa kaba na nararamdaman niya sa bawat tunog na dulot ng ahas sa ibaba ng dinaraanan niya. Huminto si Hera sa tapat ng isang estatwa na ang itsura rin ay ahas. Agad na naging kulay pula ang mata ng ahas at may lumalabas pa talagang dila ng ahas mula rito.

"Ano na ang balita?" tanong ng boses na 'yon. Hindi agad nakapagsalita si Hera dahil kinakalma niya pa ang sarili niya. Ayaw niyang may masabing mali dahil baka ito na ang maging katapusan niya.

"Nagtagumpay ang plano natin. Nagdesisyon na silang patayin sina Aria at Fire," sagot ni Hera habang nakangisi. Alam niya kasi na isang magandang balita ang inihatid niya.

"Magaling, Hera," sabi naman ng boses na 'yon. Nakakapangilabot ang boses na 'yon. Parang may ahas na sumasabay sa pagsasalita nito.

"Ang susunod mong gagawin ay dapat nandoon ka sa oras na patayin nila ang mga bata nang sa gayon ay makukuha mo ang elemental stones," dagdag pa nito.

"Masusunod, Lord Valgemon," sabi naman ni Hera. And right then, alam na natin kung sino ang traydor sa Yoso Academy at sa Elemental World.

"Bumalik ka na sa Yoso. Baka magtaka sila na bigla ka na lang nawala. Kailangan magawa mo ang ipinapagawa ko sa'yo dahil kung hindi ay alam mo na ang mangyayari." Biglang kinilabutan si Hera noong umikot sa kaniya ang dalawang ahas at dinilaan pa ang kaniyang magkabilang pisngi.

"Alam ko po, Lord Valgemon," sagot niya. Agad siyang lumabas sa lagusan na 'yon dahil pakiramdam niya ay mamamatay na siya kapag hindi pa siya lumabas doon. Paglabas niya sa black forest ay nakahinga siya ng maluwag noong wala siyang nadatnan na ibang tao.

Naglakad siya na para bang wala siyang ginawang kakaiba. Kunwari ay lutang din siya katulad nina Heiro para walang makahalata na may masama siyang binabalak.

"Hera, nasaan si Heiro?" tanong ni Shebah. Hindi agad nakapagsalita si Hera dahil nagulat siya sa biglang pagsulpot nito sa harapan niya. Ang akala niya ay kanina pa nakamasid sa kaniya si Shebah. Kinabahan siya na baka alam nito na galing siya sa loob ng black forest.

"Baka nasa Elemental Head's Office," she replied. Nagtaka naman si Shebah kung bakit parang kinakabahan yata si Hera. Hindi niya kasi madalas makita na parang balisa si Hera pero inisip na lang niya na baka apektado rin siya sa kung ano man ang naganap sa Elemental Hall.

"Okay, salamat," Shebah said bago siya nagteleport papunta sa Elemental Head's Office. Nadatnan niya si Heiro na nakapikit at tila malalim ang iniisip habang nakatungo ito sa kaniyang kinauupuan. Tinabihan siya ni Shebah na sa mga oras na 'to ay talagang hindi na maitatago ang kaba na nararamdaman niya.

"Heiro, ano'ng nangyari?!" Nag-aalalang tanong ni Shebah. Napamulat ng mata si Heiro noong marinig niya ang boses ni Shebah.

"May masama ba'ng nangyari? Bakit parang problemado ka?" tanong ulit ni Shebah.

Panandalian munang napatitig si Heiro kay Shebah bago niya ito biglang niyakap. Aba naman! PBB teens ang peg!

"They have decided already," sabi ni Heiro na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Shebah. Hindi naman katulad ni Aria si Shebah na halos tumambling kapag may ganitong eksena. Kalmado lang si Shebah. Mas nangingibabaw sa kaniya ang pag-aalala.

"What happened? Ano ang naging desisyon nila?" kalmadong tanong ni Shebah habang niyayakap niya na rin pabalik si Heiro. Doon pa lang ay alam na niyang hindi naging maganda ang pag-uusap na naganap sa Elemental Hall at kahit hindi niya pa alam ang nangyari ay nakakaramdam na siya ng takot.

"Papatayin sina Fire at Aria." Sa sinabing 'yon ni Heiro ay halos nanigas si Shebah sa kaniyang pwesto. Papatayin?! It can't be! Isip-isip ni Shebah kaya agad siyang kumalas sa pagkakayakap ni Heiro.

"Hindi 'yon pwede! You have at least stopped them!" sigaw ni Shebah. Hindi niya matanggap ang nalaman niya mula kay Heiro. Hindi naman kasi talaga masamang tao si Shebah. Mukha lang siyang masama dahil sa masamang aura na dala ng kaniyang itim na damit pero may itinatago siyang kabaitan. Nakilala lang talaga siya ni Aria bilang isang istrikto at mataray na professor pero malambot ang puso ni Shebah pagdating sa ganitong sitwasyon.

"I did!" sigaw naman ni Heiro na halatang frustrated na sa nangyayari.

"I did, Shebah. Ginawa ko ang lahat para lang mabago nila ang desisyon nila but they are determined to kill Fire and Aria! Mahirap sa akin na ako pa ang kailangan na magdala sa kanila doon sa Elemental Hall kung saan sila papatayin. Mahirap dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Nakikita ko sa kanila kung ano tayong dalawa noon!" sigaw niya ulit. Hindi naman makapagsalita si Shebah. Hindi niya kasi naisip na pareho pala sila ng naiisip ni Heiro. Ang akala niya kasi ay talagang concerned lang si Heiro kina Aria pero hindi niya naisip na nakikita rin pala ni Heiro kina Fire ang pinagdaanan nila noon.

"Hindi sila dapat mamatay, Heiro. Hindi dapat!" Bigla na lang umiyak si Shebah sa harapan ni Heiro. Ang bigat kasi sa loob ng isang tulad niya na mamamatay sina Aria nang dahil lang sa nagmamahalan sila ni Fire.

"They are too young to die, Heiro. Nagmahal lang naman silang dalawa, 'di ba? Bakit ba hindi nila 'yon maintindihan?!" sabi ni Shebah na patuloy pa rin sa pag-iyak. Bigla ulit siyang niyakap ni Heiro para patahanin.

"'Wag ka nang umiyak, Shebah. Hindi sila mamamatay," sagot naman ni Heiro. Biglang natigil sa pag-iyak si Shebah at napatitig na lang siya kay Heiro habang hinihintay niya ang susunod nitong sasabihin. Ilang minuto munang nabalot ng katahimikan ang loob ng Elemental Head's Office at halos mapanganga si Shebah noong sinabi ni Heiro na...

"Dadalhin natin sa mundo ng mga tao sina Aria at Fire."


Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon