Chapter 22: HUMSS VS. STEM

Start from the beginning
                                    

Kinilabutan kami.

"At ito si sungit. The kilay pride. I know kilala mo na si Yshie."

Walang reaksyon si Yshie at hindi niya pinapansin si Denver. Feeling ko mananaray ulit ito.

"You also got fancy names, haha. I like it. My name is Denver Kein. Nice meeting you in a second time."

Nakipag-shake hands siya sa mga kaibigan ko pero nang maiharap niya na ang kamay kay Yshie nanatili lang ito sa ere. Nagitla ako nang biglang sinunggaban ni Lando ang kamay ni Denver at nilamos. Natampal ko tuloy ang peslak niya na may suka pa rin. Eww!

"Uy, pogi." Napabaling kami kay Ehseng nang tawagin niya ito. "May i-chi-chika ako sa'yo. Lapit ka." Aya niya kay Denver.

"Hmm? What is it?" Lumapit siya sa puwesto nila. Ano kayang kalokohan ang gagawin ng pusit na ito?

"Totoo ba 'yung tsismis na mayroong namimigay ng pera galing sa strands niyo?" Sabik na tanong ni Ehseng. Mukhang may nakalap na naman itong tsismis na hindi pa namin nababalitaan. She's always updated and informed to all prevailing gossips.

"Giving money? I'm not quite sure. Where did you get that info?" Tanong ni Denver.

"May narinig kasi akong balita na may nagka-camping kanina sa school!"

"Camping?!" Sabay naming tanong at nagkatinginan kaming lahat.

"Camping! Yung ano-! Ah, basta, 'yung nagbibigay ng pera para iboto siya."

"Campaign 'yun, gurl. Bisaya ka talaga." Pagtatama ni Yshie.

"Parehas lang 'yun! Pinaarte mo lang." Durdor niya kay Yshie dahil nambabara na naman ito.

"Ang balita raw may naganap na pangangampanya kanina sa school. Sa paglilibot nila bawat building, may binibigay silang papel sa mga tao. Nakita nila na may nakasuksok na palang ayuda sa loob. Sa pagkakaalam ko, dalawa raw silang estudyante na lumilibot sa buong campus at ang sabi, mga STEM daw sila."

"Really?! They had rendered money through vote buying in the campus?" Interesadong sabi ni Denver.

Yumuko pa siya sa amin at lumapit nang kaunti dahil aligaga siyang makipagkuwentuhan sa kanila. Napanganga ako as I realized na tsismoso rin pala itong lalaking ito. Kalalaking tao, nakikipag-echos sa mga Marites. Nakaka-turn off!

"Oo raw, dzai! Sayang nga eh, hindi namin sila naabutan dahil umuwi na kami ngayon kaagad. Marami silang nabigyan at wala kaming nasulisit ni isa." Tuloy-tuloy na kuda ni Ehseng.

"What's the sense they were doing that? Tell me more."

"Ayon sa narinig ko, nagbibigay sila ng pera dahil may isa sa kanila na may layuning makaupo bilang presidente sa student government."

"That's insane!" Denver exclaimed.

"I think that's enough na, guys." Gusto ko nang hilahin si Denver paalis dahil mukha na siyang timang na uhaw na uhaw sa tsismis at baka maimpluwensiyahan pa siya ng bad behavior ng mga kaibigan ko. Pahamak talaga 'tong si Ehseng eh!

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now