Chapter 9: Lockdown

Start from the beginning
                                    

Sahee's POV

"HUMSS, tumulong kayo!"

"Ayaw namin!"

Maraming umaangal sa mga pinag-uutos ko sa kanila. Tinalikuran na nila ako. Masusunog na ang HUMSS building pero mas inatupag pa nila ang kaartehan nila. Kumalat-kalat na ang sunog sa bawat building. Marami pang na-stranded sa kalagitnaan ng sunog. Paano ko ba sila mapapasunod? Wala naman silang alam kundi...

Alam ko na.

"Okay. Ganito na lang."

Humarap ako sa kanila.

"Kapag napatay niyo ang lahat ng sunog, SASABIHIN KO SA INYONG LAHAT KUNG SINO ANG GIRLFRIEND NGAYON NI SIR RAMIL!"

Umalingangaw iyon sa buong paligid. Napaharap ang lahat ng mga tao sa akin at pati na sa second floor. Nagkagulo ang mga tao nang marinig nila iyon at ang sama ng kanilang mga matang ipinupukol sa akin. Did I say something wrong?

"WHAAAAT?!!!"

"Did I hear it right? Girlfriend ni Sir Ramil?"

"MAY GIRLFRIEND SI SIR?!"

"Sabihin mo nga sa akin, bitch, kung sinong kumakalantari sa asawa ko?!"
Sabi ni Lando sa akin na tila sinasaniban ng masamang espirito habang sinasakal ako. Tinampal ko ang laspag niyang mukha.

"Bahala nga kayo riyan!"

Tinalikuran ko na sila. Kukunin ko na sana 'yung balde sa tapat ko pero may unang humamblot niyaon. Nakita ko na lang na sumugod na pala ang mga HUMSS sa sunog na walang pasubali. Nalipol na nila agad ang naglalagablab na apoy. Nailikas na rin nila ang mga nastranded sa loob. Lahat ay napasunod ko sa aking pinag-uutos. Sa HUMSS ko lang iyon sinabi subalit hindi ako makapaniwalang lahat ng strands ay nagpauto sa sinabi ko. Marami palang nagkakandarapa kay sir Ramil. Wala pang limang minuto ay natapos na nila ang pagresponde sa lahat ng mga buildings sa campus na parang walang naganap na sunog kanina. How fascinating!

"Sino 'yung girlfriend ni Sir Ramil?!" Baling nila agad sa akin kasama pati ng mga ibang strand. They were so furious and intimidating, likely wanted to kill someone.

Napaatras ako.

"Wala na 'yung sunog kaya magsalita ka na. Tell me who's that freak!" Sabi ni Thelmy.

"Halos bahain ko ng tubig ang mga building dahil hindi ko matanggap na may girlfriend si sir!" Sabi nung babae nung humamblot ng balde ko.

"Sino ba kasing malanding babaeng iyon?! Ako lang dapat kasi ang mamahalin ni sir eh."

"Hindi ikaw, ako!"

"Ako nga sabi eh!"

I cleared my throat.

"Sige. Sasabihin ko na sa ikatatahimik ng kalandian ninyo."

Nakatutok na silang lahat sa akin sa susunod na sasabihin ko. Wala akong maisip kung sino ba 'yung babae na tinutukoy ko. Manghula ba ako ng name o magturo na lang? Niloloko ko lang sila eh.

"Sino 'yung babae?!" Sigaw nila.

"Wala na. Patay na. Nasunog na sa building. Sayang, ang bagal niyo eh." Pagdadahilan ko kunyari.

"Ano ba 'yan!"

"Sayang 'di ko siya nakita!"

"Sana hindi na natin pinatay 'yung apoy para mawala siya nang tuluyan!"

"At least single pa si sir."

"'Buti na lang."

Nilubayan na nila ako matapos nun. I saw Yshie with the STEM guy na nag-uusap kasama ang mga kaibigan niya na nailikas mula sa sunog sa STEM building. Tuwang-tuwa sila at mukhang close na rin. I can't help myself to walk near at them para marinig ang usapan nila.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now