Chapter 8: Humanista

Start from the beginning
                                    

"Sorry, sir. Hindi kami makapagtimpi eh." Pabebe nilang hinaing. Ang sarap nilang kurutin sa singit.

"I'm used to it. I know the distinctive behaviors of each strands. If my class were HUMSS, sigawan talaga ang pambati nila sa akin. HUMSS are exclusively the loudest strand in all academics." He chuckled handsomely.

Naantala ang klase ni sir nang may kumatok sa pintuan. Nag-abalang pinagbuksan ni sir 'yung taong kumatok sa labas. Isinuka ng pinto ang hindi namin inaasahang pamilyar na tao. Mahinhin siyang pumasok sa loob.

"Am I in the right room...or in the right person?" Pagkakasabi niya nang makita si sir Ramil. Napatakip siya sa bibig dahil hindi niya mapigilang lumumbit.

"Anong kabulastugan ang ginagawa mo rito, Lando?!" Tanong ni Ehseng sa baklitang iyon pero in-snob-an lang siya nito.

"Oh, my! Am I late?! How silly of me. Thank you for waiting me, sir." Mayumi niyang paumanhin sa adviser namin na wari mo'y dalaga. Napaka-plastik na tao!

"Ah, yes. Go to your seat."

"Thank you, sir-!"

Hinila ni Ehseng ang buhok ni Lando dahil ayaw niya pang umalis sa tabi ni sir.

"Boynas kang baklita ka! Maninok ka payna."

"Ugh! Your hurting my virgin hair, bitch!" Daing ni Lando.

"Bakit ka nag-shift dito, Lando?! 'Di ba ICT 'yung kinuha mo?" Tanong ni Bhea pagkaupo niya sa tabi namin.

"My dream changes unexpectedly, bitch! Hindi ko na namalayan kung bakit nagbago ang pananaw ko sa buhay at nasa harapan ko na pala ang pinapangarap ko." Maarteng sabi niya habang nakatitig siya kay sir Ramil.

Tinampal namin siya para magising siya sa kahibangan niya. Sinira niya ang future career niya dahil lang sa lalaki.

"Bayuta ka!" Sigaw namin sa kaniya.

"Okay, class. Before we settle everything, we have to formulate first your class officers. Don't worry, I will be dismissing you in an early time because I'm in a hurry."

"Ahhh." Hinaing nila kay Sir Ramil. Nalungkot sila dahil hindi rin magtatagal si sir sa amin.

"Bakit po, sir?"

"I need to help my fellow workers in the faculty by resolving massive incidents happening in our school. So this will be quick, okay?" Wika ni sir at nagsulat siya sa white board. Kaliwete siya magsulat. Halos watak na ang gitna ng board namin at tila mabibitak pa. Mabuti na lang nasusulatan pa ni sir iyon.

"Sir. Paano ninyo masusulusyunan 'yung problema na nakaatang ngayon sa school?" Panayam ko.

Napahinto siya sa pagsulat at napako ang tingin sa sinusulat. May nasabi ba akong mali?

"S-Sir?"

"I don't have the right to say anything about our critical situation in the meantime but I have to assured you were going to be just fine." Pagpapagaan ng loob niya sa amin at pinagpatuloy ang pagsulat sa board. Hindi na ako nagtanong pa baka may masabi pa akong bagay na hindi dapat itanong sa kasalukuyan.

Humarap siya sa amin.

"The position for Class President is now open, any nomination?"

Tinaas ko ang kamay ko habang wala pang nagtataas.

"Yes, miss."

Tumayo ako.

"I nominate myself, sir. Because I had recognize my outstanding potential and excellency that could be suited well for the position." I said confidently making the class in awe.

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now