Chapter 6: Private VS. Public

Start from the beginning
                                    

"Private school ba ito? This is very malala compare to our homeroom sa CIF!" Komento ni Yshie.

"Bakit ito 'yung pinili niyong room?! Ang init-init at hindi ako makahinga." Reklamo ko. Tila nakapriprito ang init sa balat. "Nale-letchon ako!"

"Tanungin mo si Ehseng, bes! Muntik ko nang masampal eh. Nakakagagi. 'Buti first day of class ngayon, kaya shy-type muna ako." Sura ni Bhea na naghuhunos-dili at nagpipigil na ipatikim ang sampal kay Ehseng.

Inintriga namin si Ehseng gamit ang mata.

"May pogi kasi eh." Dahilan niya na nagkakamot ng ulo na akala mo may garapata.

"Nasaan na pala 'yong tinutukoy mong pogi?"

"Ayon...may kinakasama na palang iba."

Nag-make face siya na na-hurt siya. Napabaling kami sa itinuro niya. May dalawang tao na magshota sa likuran at naghaharutan. I can't manage to see the good description of Ehseng to the guy's face. Describing him will lead me to judge him thoroughly. I forgot that Ehseng has a different kind of taste.

"Awit." I uttered sympathetically.

"Dahil sa karupukan mo Ehseng, napunta tayo rito! Wala akong mahagilap ni isang aircon! 'Yon na nga lang ang valid reason ko kung bakit ako nag-private school tapos wala pa?!" Bhea said in annoyance.

Hindi ko lubos maisip nang dahil sa pagmumukhang iyon ng lalaki ay magsa-suffer kami rito sa impiyerno.

"Sorry na, dzai! Pramis. Believe me. Last na. Gagalingan ko na lang next time sa pagpili-"

"Wala kaming mapapala sa kalandian mo!"

Sa kalagitnaan ng bangayan nilang dalawa, dumating ang babaeng staff sa room namin. Akala ko nag-walk out na siya nang tuluyan. Napansin niyang maiingay pa rin ang klase inspite of her intimidating presence. Kinukuha niya kami sa isang tingin. She scanned at us one by one with her fierce eyes.

Tumigil ang tingin niya sa akin. She looked at my figure top and below. Kinabahan ako. Is she going to eliminate me?

"You."

Natahimik ang klase nang magsalita siya. She held my arms upwardly at napasinghap ako.

"A-Aray."

Binigyan niya ako ng band-aid nang makita niya nang mabuti ang sugat ko.

"I'm just checking you guys if you were safe. You have to congratulate yourself because you are lucky. Very lucky indeed being alive and intact. Everyone dies and break their incorruptible bones just to step in this tiny room." Wika niya at nilibot ang klase.

"Here's your paper lists. Write all your names and give it back to the faculty for you to become officially enrolled in this semester. Wait for your adviser to assist you." She said as she swiftly walked out the room.

Napatingin kami sa bintana.

Maraming usok ang bumubulusok sa kalangitan. May sari-saring putukan at ingay na nanggagaling sa wide space area. Marahil ay patuloy pa ring pumapasok at nag-eeskandalo ang mga estudyante. Hindi pa yata natatapos ang labanan.

The Philippine war flag was still waving on us.

__(=_=)__

MAKALIPAS ang ilang oras, wala pang teachers ang pumapasok sa room namin. Marami kaming napag-uusapan habang wala pang klase. May nabanggit silang mga ilang pangalan na namatay sa batch namin. Minsan tinatawagan namin ang number nila pero hindi sila makontak. Nalulungkot kami sa sinapit ng mga namayapa na. Ano na kayang nangyayari sa labas?

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now