Chapter 37: The Dead Girl

Start from the beginning
                                    

"Mamaya na." Giit ni Ponzi at mas hinigpitan pa ang yakap dito.

****

Sa pagpasok pa lamang ni Jojo sa library ay agad na niyang inilibot ang kanyang paningin. Pinagtitinginan siya ng karamihan sa mga estudyante dahil sa suot niyang eye-patch at cowboy hat pero hindi niya ito iniinda gaya ng nakagawian.

"May hinahanap ka pre?" Agad na tanong sa kanya ng natatawang si Dexter.

"Oo..." Mahinang sambit ng seryosong si Jojo

"Baka matulungan kita. Ano bang hinahanap mo?" Tanong pa ni Dexter.

Saglit na nilibot ni Jojo ang kanyang paningin na animo'y ayaw na may makarinig sa sasabihin niya.

"Ang mga Dragon Ball..." Walang kaemo-emosyong sambit ni Jojo.

"Ayos, sabog ka rin pala." Tumatawang sambit ni Dexter at tinapik ang balikat nito ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang nalaglag ang artispisyal niyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Jojo nang makita ang kamay na nalaglag sa sahig sa pag-aakalang totoo ito.

"Wala akong kasalanan diyan!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Jojo at bigla na lamang nagtatakbo palayo dahilan para mapatingin lalo ang lahat sa kanya.

****

"Musta ang College Algebra?" Natatawang salubong ni Ponzi kay Serenity nang magkita sila sa cafeteria pagkatapos ng kanilang kanya-kanyang mga klase.

"God is still good kasi atleast buhay pa ako." Biro ni Serenity at naupo na lamang sa tapat nito.

Napatingin si Serenity sa kanyang relo at laking gulat niya nang makitang mag-aalas-singko na ng hapon.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Ponzi.

"Sandali lang, tapusin ko muna tong isang essay ko. Di ko pa natatapos eh." Giit ni Serenity at dali-daling nagsulat kaya natawa na lamang si Ponzi habang pinagmamasdan siya.

"Dude quit staring, nakakailang." Natatawang sambit ni Serenity.

"Dude I won't quit staring." Natatawang sambit naman ni Ponzi habang ginagaya ang pananalita nito.

"Serenity..." Sabi pa ni Ponzi kaya muling natigil sa pagsusulat ang dalaga.

"Ano na naman?" Tanong nito.

"Wala lang, ang haba lang pangalan mo. Ayaw mo ba talagang tawagin kitang Sisa?" Tanong ni Ponzi kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha nito't umiling lamang bilang sagot.

"Wala kayo sa nickname ko, poging-pogi gaya ko!" Nagulat ang dalawa nang bigla na lamang naupo si Jojo sa tabi ni Serenity. Gaya kanina'y suot parin ni Jojo ang kanyang eye-patch at cowboy hat pero ngayon ay bitbit na naman ulit nito ang kanyang mosquito swatter.

"Wow you really really really need Jesus." Mahinang sambit ni Serenity kaya napangiwi lamang ito.

"Samonte pwede ba? Depressed ako ngayon kasi kadugo ko yung Pastor Will. Mahihirapan akong manood ng porn nito ngayong alam kong may banal na dugong nanalantay sa pang romansa kong katawan." Ma-dramang sambit ni Jojo sabay angat ng eyepatch niya.

"Seryoso magkadugo kayo?!" Gulat man, hindi mapigilan ni Serenity ang matawa.

"Oo. Antagal na nilang nagkahiwalay ng lola ko. Ngayon alam ko na ang rason kung bakit kami lumipat dito... Gusto pala nila ng family reunion." Napabuntong-hininga si Jojo at bigla na lamang isinandal ang ulo sa balikat ni Serenity kaya naman dali-daling hinampas ni Ponzi ang noo ni Jojo gamit ang isang kutsara.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now