Bago dumiretso sa classroom, ipinakita ni Kwangmin kay Ahra ang kagagawa lang na school garden. Para daw kasing mini paradise ang itsura nito ngayon. Nagulat pa si Ahra nang magrequest si Kwangmin na magselca daw sila sa garden dahil maganda talaga ang lugar. Ayaw niyang maging assuming na gustong magpapicture talaga ni Kwangmin sa kanya pero hindi niya maalis sa sarili niya ang kiligin. Paano naman kase, madaming estudyante na mag-on ang nagpapapicture ng sweet doon at nagmukha din tuloy silang mag-on ni Kwangmin...pero sa isip niya kang yon dahil parang wala namang malisya kay Kwangmin kung magpapicture sila.

"Sali ako!" May tumawag sa knila pagkatapos maiclick ni Kwangmin ang camera ng cellphone niya.

Paglingon nila, naglalakad na papunta sa kanila si Youngmin. Tumabi ito kay Ahra at itinaas ang cellphone niya para sa selca. Napilitan naman magpose ulit si Ahra.

"Ahra, ang dami mong tagos sa likod, may pamalit ka ba?" Bulong ni Youngmin sa kanya.

Biglang nawala ang magandang ngiti ni Ahra at napalitan nang pag-aalala at pagkataranta. Napamulagat ang mga mata niya na parang nakakita ng multo. Napanganga din siya at bago pa siya lumingon para icheck ang likod niya, narinig niyang nagsalita ulit si Youngmin.

"Joke lang! Smile!" Sabi nito sabay click ng camera. Saktong sakto ang kuha nito sa gulat na gulat na mukha ni Ahra.

"Yun oh! Ganda lang!" Tumawa pa ito sabay tago ng cellphone sa bulsa niya.

"Ang lakas mo talaga mangtrip! Dyan ka na nga!" Dahil sa inis, nagwalk-out si Ahra. Wala na siyang pakialam kung maiwan din niya si Kwangmin. Para sa kanya nakakaoffend ang ginawa ni Youngmin.

Tahimik siya buong klase. Kahit si Kwangmin hindi na muna siya kinausap dahil alam nitong napikon na siya kay Youngmin. Hindi niya kinausap ang dalawa hanggang sa makauwi na siya.

Pagtingin niya sa facebook niya, parang binura naman ang inis niya ng mapansin niya na nagpalit ng cover photo si Kwangmin at inilagay nito ang picture nila kanina. Kung assuming lang talaga siya, iisipin niya na may gusto din sa kanya si Kwangmin pero pag naman magkasama sila, parang wala naman, parang kaibigan lang at walang malisya ang pakitungo nito sa kanya.

Nilike niya ang coverphoto ni Kwangmin at sinave na din niya sa laptop niya. Nakita rin niya na nagmessage si Kwangmin sa kanya.

Kwangmin: Ahra.. Galit ka pa ba?

"Pano ko magagalit sayo eh patay na patay ako sayo?" Malakas na sagot niya na parang kinakausap si Kwangmin sa screen pero syempre hindi ito ang irereply niya.

"Ayos na ko." Matipid niyang sagot para magmukhang cold pa din ang pakikitungo niya.

Kwangmin: wag ka na magalit ha.. Pls?

Youngmin: Pssst! Ang cute mo dito!

Biglang nagpop-out sa message box niya si Youngmin kasama ang picture na kinuha nito kanina. Kuhang kuha sa picture ang gulat na mukha niya.

"Sira ulo ka talaga! Ang pangit nyan! Idelete mo yan!" Mabilis na reply nya.

Youngmin: Ayoko nga! Ang kyut kaya! Papakita ko nga ito kay Kwangmin para may pangprofile picture siya! xD

Gigil na gigil naman si Ahra sa message ni Youngmin. Kung pwede lang makapatay ang pagpindot niya sa keyboard duguan na si Youngmin ngayon!

"Wag kaseeeeeee!" Pakiusap na lang niya sa kabila ng pagkainis. Paano kung ipakita nga nito kay Kwangmin, nakakaturnoff ang itsura niya at wala na siyang mukhang ihaharap kay Kwangmin kung magkataon!

Youngmin: oh bakit? Natatakot ka ba maturnoff si Kwangmin? Di matuturnoff yun! At di mo naman siya crush di ba?

"Subukan mo lang ipakita sa kahit kanino yan sasamain ka talaga!" Banta ni Ahra. Ayaw niya talaga na makita ni Kwangmin ang kahiya hiya niyang picture!

Youngmin: ok. Sabi mo eh. Papanakot ko na lang sa daga namin dito hahaha

"Grrrr! Walanghiya ka talaga!" Reply niya.

Youngmin: umamin ka na kase, type mo si Kwang!

Hindi pa din siya titigilan nito kaya naisip ni Ahra na sagutin na ang tanong nito.

"Oo na! Ano, happy?!" Nakasimangot na reply niya.

Youngmin: ayan! Nagdedeny pa kasi! Ayaw ni Kwang sa nagdedeny!

"Subukan mo lang sabihin kay Kwangmin ipapasalvage kita! Bwiset ka talaga!" Banta na naman ni Ahra.

Youngmin: wag ka mag-alala. Boto naman ako sayo para sa bestfriend ko. Ang tanong.. Type ka ba nya?! Hahaha

Lalong nainis si Ahra sa pang-aasar ni Youngmin. Hindi na niya ito nireplayan at nag log out na lang siya. Sinabi na lang niya kay Kwangmin na biglang sumama ang pakiramdam niya.

~~~*~~~*~~~*~~~

My Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon