"Ahra, okay lang ba samahan muna natin si Youngmin bago maglunch?" Tanong ni Kwangmin pagkatapos ng huling subject nila sa umaga.

"Saan?" Tanong naman ni Ahra. Baka kasi malayo, gutumin sila at mahuli sa susunod na klase.

"Sa kabilang building lang, may ibibigay lang daw siya kay Chelsea." Sagot ni Kwangmin.

"Sandali lang yun wag ka mag-alala." Sumabad na si Youngmin mula sa likod nila. Nakagayak na itong umalis ng classroom.

Nagpunta silang tatlo sa kabilang building. May dalang bouquet ng bulaklak si Youngmin at mga kinikilig ang nadadaanan nilang babae. Mukhang kilala na nila si Youngmin at alam na nila kung anong pakay nito. Wala namang pakialam si Ahra dahil nakikipagkwentuhan siya kay Kwangmin at lalo silang nagkakakilala.

"Wait lang." Sabi ni Youngmin sa kanila pagdating sa second floor. Dumiretso ito at iniwan sila malapit sa unang room.

"Ano ba kasi drama nun?" Nacurious na din sa wakas si Ahra.

"LQ yata sila ng girlfriend niya kaya ayan susuyuin nya. Siguro may pinagselosan na naman si Chelsea. Selosa kasi yun. Si Youngmin naman kasi lapitin talaga ng babae." Paliwanag ni Kwangmin.

"Parang hindi naman.." Kontra ni Ahra. Napangiti na lang si Kwangmin.

Sa isip ni Ahra, seryoso naman pala itong si Youngmin pagdating sa relasyon dahil nag-eeffort talaga na suyuin ang girlfriend niya. Napatingin siya kay Kwangmin at napaisip kung ganun din kaya si Kwangmin magmahal? Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti.

"Oh, bakit?" Tanong ni Kwangmin nang mapansin na ngingiti ngiti si Ahra.

"Wala... May naalala lang ako." Kaila naman niya.

"Siya nga pala, malapit na birdng kapatid ni Chelsea, nagiinvite yun at pwede kami magsama ng kahit sino kasi close kami dun. Sama ka kaya samin next week, wala din naman kasi ako makakausap dun. Si Youngmin sigurado nakadikit kay Chelsea." Alok ni Kwangmin bigla sa kanya.

Natigilan si Ahra. Tama ba yung narinig niya? Inaaya siya ni Kwangmin? Ibig sabihin siya ang gusto nitong kasama?

"P-pero... Syempre kung hindi ka busy.." Parang napahiya namang sabi ni Kwangmin. Yumuko ito para itago ang pagblulush niya.

"Okay lang, kung after class naman." Mabilis na sagot ni Ahra ng mapansin na natahimik pala siya.

"Talaga? Sabi mo yan ha! Sabihin ko kay Youngmin daanan ka. May sasakyan kasi siya." Natuwa naman si Kwangmin.

'May sasakyan? Bakit nagtaxi kahapon? Ah baka sira yung sasakyan..' Naisip naman ni Ahra.

Itatanong na sana ni Ahra kung bakit nagtaxi lang si Youngmin kahapon pero dumating na si Youngmin na kasama ang isang magandang babae na hawak ang bulaklak na dala ni Youngmin kanina lang.

"Siya nga pala babe, si Ahra, bagong classmate namin." Pakilala agad ni Youngmin.

"Hi Ahra.. Ikaw pala yung kinukwento ni Kwangmin kahapon." Nakipagkamay sa kanya si Chelsea.

Hindi makapaniwala si Ahra na papatol sa isang loko-lokong katulad ni Youngmin ang isang mala dyosang si Chelsea.

'Teka, kinukwento ni Kwangmin?! Ako?!' Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi ni Chelsea.

"Ah- kase, ano.. Nabanggit nga kita nung nag-uusap kami kahapon sa bahay nila Youngmin." Mabilis namang sabi ni Kwangmin na parang hindi mapakali.

"Ah...." Tatango tango na lang si Ahra kahit nalilito siya sa kakaibang kinikilos ni Kwangmin.

"Ininvite ko pala siya sa birthday ng kapatid mo ha, okay lang di ba?" Baling ni Kwangmin kay Chelsea na masaya namang pumayag.

Sabay sabay silang naglunch at nagkwentuhan ng kaunti bago bumalik sa klase. Inihatid ni Youngmin si Chelsea sa building nila bago sumunod kina Kwangmin at Ahra sa classroom. Natuwa naman si Ahra dahil nagkaroon sila ng oras na silang dalawa lang ni Kwangmin at walang epal na sumisira ng moment nila.

My Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon