Hug of my First Love

0 1 0
                                    

To someone who had ran away from God and now misses His love, yet don't know how to go back again. This one's for you :)

***

Tulala lang ako habang nakahiga sa may kwarto ko. Bukas pa ang ilaw ngunit huni na lang ng mga kuliglig mula sa madilim na gabi ang naririnig ko.

Hays.

*titit-titit*

Napatingin ako sa may phone ko na nakalapag sa may table ng biglang tumunog ito.

It's already 9pm. At oras na ng night devotion ko.

Mabilis ko itong kinuha at ini-off rin agad saka bored na muling tumitig sa may kisame.

I heaved a sigh nong maramdaman kong bumabalik na naman yung weird na pakiramdam na akin ng nakasanayan.

'May, kaya mo 'to. Isang chapter lang naman eh.' bulong ko sa sarili ko.

Sa totoo lang, wala talaga 'ko sa mood magbasa ng Bible ngayon. I don't know, pero hindi naman ako dating ganon eh. Punong-puno pa nga ng sulat yung devotional notebook ko last year, tapos halos maging coloring book na yung Bible ko sa dami ng colored marker na ginamit ko.

Pero as the days passed by, unti-unti na lang naglalaho yung saya at excitement ko para gawin ang mga dating bagay na ginagawa ko. I've changed, and I hated it, honestly.

Kahit napipilitan, inabot ko yung Bible ko na nakapatong sa may lamesa. Medyo maalikabok na ito dahil last week pa ata nong huli kong mabuklat ito. Hays. I'm sorry, Lord.

Kinuha ko na rin yung devo notebook ko at saka yung pencil case ko. Nag-indian seat ako sa may higaan habang nagdadalawang-isip kung magpepray ba 'ko or magsasarili na lang.

Actually, naging habit ko na rin na hindi humingi ng tulong Kay Lord sa ano mang gagawin ko. I know it's not right, pero.. kasi.. sa totoo lang, nahihiya ako eh.

Sa sobrang lukewarm ko na this past few days, nahihiya na'kong lumapit at makipag-usap pa sa Kanya. Feeling ko kasi I don't deserve His help, and His love. I don't deserve to be back and to be forgiven..  kasi . . . ang dumi dumi ko na.

Kaya yun, I choose to not pray na lang. At inaamin ko na religious na lang rin ang pagdedevotion ko. Hindi na galing sa puso kundi nakasanayan ko na lang.

Habang naka-indian sit, biglang may alaala na pumasok sa isipan ko, na syang tumapos sa pagdadalawang isip ko. Naalala ko bigla yung sinabi ng Youth Pastor namin sa church nong nakaraang linggo..

"𝘠𝘰𝘶𝘵𝘩𝘴, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘐𝘯 𝘧𝘢𝘤𝘵, 𝘏𝘦 𝘪𝘴 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘰𝘯𝘦 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘢𝘸𝘢𝘺. 𝘕𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢'𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘏𝘦 𝘪𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘏𝘦𝘭𝘱𝘦𝘳... 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘦𝘯𝘴𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘸𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘢𝘴𝘬 𝘏𝘪𝘮 𝘧𝘰𝘳 𝘏𝘪𝘴 𝘩𝘦𝘭𝘱? 𝘖𝘶𝘳 𝘧𝘭𝘦𝘴𝘩 𝘩𝘢𝘵𝘦𝘴 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘢𝘺. 𝘈𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘳𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘵𝘢𝘺𝘰. 𝘈𝘵 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘴 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘧𝘭𝘦𝘴𝘩 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢'𝘵𝘰. 𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘧 𝘸𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘏𝘰𝘭𝘺 𝘚𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵 𝘵𝘰 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘶𝘴, 𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘕𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘪𝘵𝘰. 𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘰 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘢𝘤𝘬𝘯𝘰𝘸𝘭𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘏𝘰𝘭𝘺 𝘚𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘩? 𝘏𝘦 𝘪𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘬𝘦𝘺."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hug of my First LoveWhere stories live. Discover now