Chapter 12

4 1 0
                                    

CALIX POV

May ngiting pinapanood ko ang paglayo ng kotse ni Aki, kahit na ngayon pa lang kami nag kausap pero masyadong panatag ang loob ko sa kanya, gustong-gusto kong pisilin ang pisngi nya kanina sa mga expression na nakikita ko, pero ang mas lalong nakakakuha ng attention ko at ang mga iba't-ibang expression ng mga mata nya.

Nag lakad na ako patungong sakayan, hindi pa ako nakakalayo ng may taxi akong nakita, pinada agad ko ito, tumigil naman ang taxi, pag sakay ko sinabi ko ang lokasyon ng bahay, kinuha ko ang phone ko para mag send ng message kay Aki.

"Ingat sa pag drive, nakasakay na ako. "  message ko.

Muli kong binalik ang phone ko at sinandal ang ulo ko sa headrest ng sasakyan, hindi mawala wala sa isip ko ang magandang mukha ni Aki, hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit si Aki ang laman at kahit anong gawin ko ay ayaw mawala.

dahil malalim na ang gabi naging mabilis lang ang byahe ko pauwi ng bahay, pag bigay ko ng bayad ay bumaba na din ako ng taxi, bukas pa ang ilaw sa sala mukhang may gising pa. Pag pasok ko ng bahay naabutan ko ang kapatid kong nakaupo sa sofa habang hawak ang smartphone nya.

"Good evening kuya, kumain kana ba?"  Bungad na tanong ni Althea.

"Good evening din, tapos na akong kumain, anyway bakit gising ka pa wala ka bang pasok bukas, sila mae tulog na ba?. "  tanong ko sa kanya at tinabihan sya ng upo.

"Meron naman pero 2pm pa pasok ko, sila mae naman kanina pa tulog."  saad nya.

"Ganun ba, ito baon mo bukas wag kanang humingi kay mae. "  saad ko at saka sya binigyan ng perang pangbaon nya.

"Thank you kuya, the best ka talagang kuya. " masayang saad nya.

"Papasok na ako ng kwarto ko, ikaw wag kanang mag pakapuyat pa dyan matulog kana din. " bilin kong saad at tumayo na at nag tungo sa kwarto ko.

Pag lapag ko ng bag ko hinanap ko agad ang cellphone ko para makita kung may message ba si Aki sakin.

"Take care Calix, nakauwi na ako, see you tomorrow. " 

Napangiti ako sa message ni Aki, nag reply ako sa kanya para ipaalam na na sa bahay na ako.

"Kararating ko lang ng bahay namin. "  saad ko.

Walang isang minuto ang lumipas nag reply agad sya.

"That's good, have a good rest and goodnight. " saad ni Aki sa reply nya.

"Goodnight Aki. "  reply ko at nilapag na ang cellphone ko sa ibabaw na maliit na drawer.

Nag tungo muna ako ng banyo ko para mag half bath, ito ang parating routine ko sa tuwing uuwi ako, pag tapos ko lang gawin ang routine ko at humiga na agad ako ng kama, dala na din siguro ng pagod ko nakatulov agad ako.

AKIRA POV

May ngiting hindi mawala-wala sa labi ko habang nakatingin sa phone ko, kahit na hindi ko naman nakikita ang mukha ni Calix pero para akong nababaliw na nakatitig sa screen.

Walang mapag lagyan ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na ito dahil sa saya, kahit na sa maikling oras lang kaming nag kasama ni Calix, may kakaibang impact sya para sakin, masaya sayang kausap at sobra akong curious sa buhay nya. Mataimtim ko lang na pinagsabay darasal na sana masundan pa ang pag labas naming dalawa, para mas makilala namin ang isa't-isa.

Nilapag ko ang smartphone ko sa ibabaw ng cabinet mo, saka naman nag lakad papuntang bathroom para maligo, nakakalimang hakbabg palamang ako ng tumunog ang phone ko. Nag mamadaling nag tungo ako sa cabinet para tignan kung sino ang tumatawag.

I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now