Chapter 9

4 1 1
                                    

CALIX POV

"Oh my gosh! It's you!!" Saad ng bagong boss namin na ipinagtaka namin lahat ang biglaang pag babago ng ugali nya.



Nag katinginan pa kami ni Felix at Noah, pero parehas lang silang nag kibit balikat. Maging ako ay nag kibit balikat nalang din dahil wala ni isa samin ang nakakaalam sa sinasabi ng bagong boss namin.



"It's you right?!. "  may excite sa boses na saad nya.



Tumingin ako ng deretso sa kanya iniisip kong ako or sa gawi ba namin ito nakaturo, mas lalo akong nag taka at maging ang ibang mga tao sa loob ng conference room ay nag taka na nakatingin na din samin, mag kasabay pang umiling si Noah at Felix na parang sinasabi na wala silang alam.



"Hey, do you remember me?. "  may tanong nyang saad na nag lakad palapit sa gawi ko hanggang sa tumigil sya sa harap ko mismo.



Naiilang akong umiling sa tanong nya sakin, kinalkalkal ko ang utak ko kung nag kakilala na ba kami ng taong nasa harap ko or naging customer ko ba sya sa pinag tatrabahohan ko sa bar noon.



"I'm sorry sir, but I don't know what you're talking about. "  pag sasabi ko ng totoo.



Biglang nalungkot ito sa sinabi ko, kaya mabilis akong nag tanong sa kanya para hindi ito madismasya sakin, dahil ayoko din masira sa magangdang imahe ko dito sa trabaho ko.



"Have we met before sir, because I can't remember."  Saad ko.



"Oh! I'm sorry maybe I act too much, I'm sorry everyone. "  saad nito na iniwas na sakin ang tingin at mabilis na humingi ng paumanhin sa lahat at nag bow pa.


Muli syang bumalik sa puwesto nya kanina, pinag masdan ko ang mukha nya masyadong maamo at nakakaakit ang pangungusap ng mga magagandang mata nya parang ang daming gustong sabihin.



Paulit-ulit kong kinalkal ang laman ng utak ko kung saan ko ba sya nakilala at kung sino nga ba sya, dahil pakiramdam ko biglang uminit kahit na malamig naman sa loob ng conference room, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pants ko pero sa hindi inaasahan may nalaglag na maliit na papel, pasimple kong dinampot ang papel, pero bigla akong natigilan ng biglang pumasok sa utak ko ang calling card.



"Shit.. "  mahinang napamura ako ng tuluyan ko nang inalala ang taong nakabangga sakin noon.


"Naalala ko na sya. "  wala sa sariling saad ko.


"Huh? Anong sinasabi mong na aalala mo na sya? Wait don't tell me kilala mo nga ang bagong boss natin Cal?..mahinang pag tatanong ni Felix.


Tumango ako sa sinabi nya at muling binaling ang tingin ko sa bagong boss namin, mabilis naman nitong iniwas ang tingin sakin ng mag tama ang mga tingin namin.


"Sila ang mga Hr natin dito sir." Pag papakilaka samin ng secretary ng boss namin.


Dahil sa hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko napahiya ko ang boss namin sa unang araw nya dahil sa ginawang pag sagot ko kanina nag isip ako ng paraan kung paano ako makakatiyempo na makausap sya.


"That's it, thank you everyone."  Saad ng boss namin.



Nag lakad na ito palabas at isa-isa naman kaming sumunod, bahagyang nag pahuli ako at inantay na tuluyan ng makalabas ang iba, pag labas ko ng conference room, inikot ko ang paningin ko para hanapin sya, saktong pag tingin ko sa kaliwa ko napansin ko silang mag kasabay ng secretary nya, nag madali akong sundan sila.



I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now