Chapter 8

4 1 1
                                    

3 YEAR PASSED

CALIX POV

"Calix anak kumain ka na muna maaga pa naman. "  saad ni mae ng mapansin nya akong kalalabas lang ng kwarto ko para umalis na patungong trabaho.

Naging matagumpay ang pag susumikap ko at parehas kaming nakapag trabaho nila Noah, Felix at ako sa isa sa malaki at kilalang hotel na pinangarap namin, ang Five star hotel ng Tameer  Daven hotel.

Mahigit dadalawang taon na akong nag tatrabaho doon, unti unti ko na din na nabibili ang mga pangarap ko para sa pamilya ko, nakalipat na din kami, sa dalawang taon kong pag tatrabaho doon, inuna ko ang pag bili ng lupa at makapag patayo ng bahay namin, pero kahit na naging maayos na ang pamumuhay namin, wala pa din naging pag babago sa pakikitungo sakin ni phaw. Parati pa din na mainit ang ulo nya sakin, siguro nga tama ang mga kaibigan ko na hindi na mag babago ang pagtingin sakin ni phaw, at iyon nalang ang dapat kong tanggapin, si Thea ay pa graduating na ng college.

Sa loob ng tatlong taong marami man ang nag bago pero ang gap pa din samin ni phaw ang hindi na talaga mag babago.

"Mae nakita mo ba yung kwintas ko?. "  tanong ko, ng mapansin kong wala sa leeg ko.

"Ako kuya nakita ko, nilagay ko sa loob ng drawer mo, napansin ko kasi nung nag linis ako ng kwarto mo nasa banyo mo naiwan mo siguro, kaya tinago ko."  Saad ni Thea na kalalabas lang din ng kwarto.

"Ganun ba salamat maasahan talaga kita. "  proud kong saad sa kapatid ko.

"Syempre ako pa ba kuya. "  pag mamalaking salita ni Thea.

"Kumain na nga kayong dalawa, maagang umalis ang ama nyo kaya hindi nyo makakasabay kumain yun. "  saad ni Mae.

"Mae maaga po ako ngayon, kasi ngayon po namin makikilala ang bagong boss namin, anak po ng may-ari ng hotel. "  saad ko.

"Talaga kuya, maganda kaya sya or gwapo?. "  may pag ka excitement na tanonv ni Thea.

"Hindi ko alam, mamaya pa lang namin malalaman, kaya aalis na muna ako, hindi ako puwede ma-late ngayon. "  saad ko saka bkinuha ang bag ko.

"O'sya sige mag iingat ka, balitaan mo nalang kami sa pag uwi mo anak. "  saad ni Mae.

"Bye kuya ingat! "  kumakaway na saaf ni Thea.

"Bye Mae! bye Thea! "  saad ko at tuluyan nang umalis.


Saktong nag lalakad ako may taxi akong nakita kaya pinara ko na agad, balak kong bumili ng second hand na kotse kapag nakapag ipon na ako, para sa susunod hindi na may sarili na akong sasakyan, hindi importante sakin kung brand new or mamahalin ba ang sasakyan na ginagamit ko ang importante ay may nagagamit akong sasakyan lalo na kapag naabutan ako ng ulan or ng gabi.


Tulad nga ng hula ko medyo matraffic na mabuti nalang at inagahan ko, inabot ng lang ng halos ten minutes akong na stuck sa traffic at umasad na din, inabot ng mahigit trenta minuto ang byahe ko ng makarating ako ng trabaho ko.

"Bro! Naks ang gwapo natin ah.. Mukhang pinag handaan mo talaga para mapansin ka ng anak ng boss natin. "  pang aasar na bungad ni Felix.

Siniko ko sya sa dibdib para magising ito sa mga pinag sasabi nya.


"Crazy man, hindi ako nag handa para mag papansin lang sa boss natin, at isa pa paano ka naman nakakasiguro na babae nga ang boss natin?!. "  masungit kong saad sa kanya.

I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now