Kabanata I

15 0 0
                                    

Ang Casa De Entrada ay bahay tuluyan ng mga multo. Sa loob ng kanyang nababaklas na dilaw na pader at malalapad na bintanang acacia nakatago ang kwento ng magiting na kaluluwa ng rebolusyon.

Ito ang isang tanyag na kasabihan na kinilala ni Christina noong siya pa lamang ay batang paslit na nakatira sa loob ng Casa De Entrada. Ngunit ang ideya ng mga rebolusyonaryong multo na nakikitira sa kanyang hapagkainan ay sadya na lang niyang nakalimutan noong siya ay tumanda. Ang tanging nasa isipan na lang ng dalaga ay magtapos sa kanyang pag aaral sa Vigan, dumayo sa Maynila upang magcolegio sa isang malaking institusyon kagaya ng UP Diliman o sa Unibersidad ng Santo Thomas, basta't makalayo siya sa kanyang bahay kinaroroonan.

Anong silbe naman ng sabi-sabing walang katotohanan? Minsan ani niya. Patapon naman ang kanyang bahay na yari sa kahoy at bato, at simpleng mas maganda pa ang mga modernong bahay ng mga taga-europa at amerikano. At hindi lang iyon, ang tuluyan nila ay walang kompetisyon sa mga naglalakihang hotel kagaya ng Shangri-La o Conrad sa Maynila. Porket nasasakupan ng 'heritage spot' ang kanyang bahay, hindi ibig sabihin na mataas ang kalidad na tinutunguan ng mga turista.

Ang hadlang sa kanyang plano ay ang kanyang lolo na si Ares Crisostomo, isang itinuturi niyang tradisyonal na extremisto. Labis labis ang kanyang pagmamahal sa Casa, na parang ayaw niya na ito bitawan. Ngunit siya'y nagkaroon ng pamumukod; dahil sa paborito niya ang kanyang nagiisang apo, ninanais niyang ipainherita ang Casa sa murang edad na dalawampu't tatlo.

 Hindi alam ni Christina kung ano ang nakita sa kanya ng kanyang lelong. Hindi man lang niya naisip na makakolonial na pala ang dalaga at may ibang ninanais sa buhay. Ah! Ngunit, ang dali pala ng kasagutan! Isang araw itinangka ni Christina. 

Pagkapatay na ang kanyang lolo at nasa kanyang pangalan na ang Casa De Entrada, gagamitin niya itong pambayad sa kanyang pagtungo sa Amerika!

At iyon nga ang nangyari noong humingalo na rin ang matandang Ares ng Casa De Entrada. Mabilis niyang ipinamalas sa kanyang magulang ang kanyang nais na magamerika at ang pagbenta ng makasaysayang bahay na naroon sa Vigan. Tinutulan ito kaagad ng magasawang Crisostomo at simula noon ay nagtangkang maghanap ng paraan upang mabago ang isipan ng kanilang anak.

Si Christina, na iniisip na walang kabuluhan naman ang pinagbibirit ng kanyang magulang, ay bumalik na lang sa kanyang maliit na apartamento sa Maynila at hindi na tinuloy ang usapan. Noong malapit na siya matapos sa kanyang kurso sa Diliman, ang kanyang ambisyon ay biglang napigil noong magsusumite na siya ng kanyang pinal na thesis.

Ngayo'y naghihirap, patampo siyang bumalik sa kanyang magulang upang makahanap ng paksa- salamat na lang na ang diyos ay maawain at hindi lubusan ang kanyang galit sa kanyang mga magulang. Nagdala siya ng ilan sa kanyang mga matalik na kaibigan at dumalo sa bahay na kanyang kinasusuklaman. Sa totoo lang, hindi naman niya talagang ninais na magdala ng tao sa kanyang lakbay sa Vigan; pagkapasok niya sa kanyang kotse, naka impake na ang gamit ng kanyang apat na pasaherong walang bayad o paalam.

"Wow! Ang ganda naman ng bahay mo Christina, parang feeling mestizo ako noong colonial era!" sambit ng kanyang kaibigan na si Janelle. Nakasuot ng pangeuropeo, siya ang ikalawang tao na bumaba sa sasakyan; ang kanyang mukha ay punumpuno ng kolorete na nagmumukhang payaso na siya. Para raw ito sa kanyang mga 'beshie darlings' sa instagram.

Kahit kailan hindi pa rin maintindihan ni Christina kung bakit nagpipilit ang babae na gumamit ng bantot na tagalog para lamang 'magappeal to the madla' kaya't hinahayaan na lang niya ang mga lumalabas sa kanyang bibig.

Ngunit sa araw na iyon, hindi lamang ang pambansang wika ang nais niyang ipahiya, nais niya rin yata iwarak ang reputasyon ng kanyang mga kasama. Mabilis itong tumungo sa entrada ng kanyang bahay nagpapapiktur sa tanod na nakatayo doon. Naawa na lang si Christina kay kuya noong ito ay kanyang tinangkang halikan sa pisngi para sa livestream niya.

"Maawa ka naman kay kuya, Consola. Salamat na lang na pandak ka at hindi mo maabot ang mukha niya!" 

"I'm not pandak, Rudolpho, I'm average height! Wag mo nga ako simulan," sabi ni Janelle. Padabog niyang binitawan ang balikat ng nalilitong ale at iniwan sa ere ang kanyang nakatatandang kapatid. Nagbuntong hininga na lang si Rodolfo ( ang tunay na pangalan niya) na hindi pa nakalalabas ng sasakyan.

Lansang gulay, binuksan niya ang pinto at tinulungan si Audrey, ang kasama nilang may totoong lahi ng europa, at hawak-hawak ang bagahe ng kapatid ay tumungo sa loob upang bantayan ang nakawalan sa corral; Si Audrey, kung ikukumpara kay Janelle, ay anghel sa lupaing banyaga; nagtangka pa siyang tumulong kay Rodolfo sa pamamaraan ng paghahawak ng kanyang mga kahon ng palamuti.

Ang huling lumabas sa kotse ay si Lucio na kagigising lang. Mahinahon itong nagtanong kung nakalayo na sila sa SLEX sapagkat buong biyahe tulog siya. Tinulungan niya si Christina sa paghila ng maleta na nakatali sa bubong ng sasakyan.

"Saan pumunta sina Rolly at Audrey?" 

"Nauna na, alam mo naman si Janelle at ang kanyang 'makagen z' na personalidad." 

Tumango na lang si Lucio. Tutal nakatambay na lang sila sa labas ng Casa De Entrada at sila'y muling napagiwanan, nagpaumanhin si Christina sa ale at sinundan sila.

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now