Nagkibit siya ng mga balikat. "Inisip ko lang ang anyo mo noong walong taon ka pa lang at kung ano ang inisip ni Adrian habang tinitingnan ang... ang..."

Napapikit ang binata. "Gusto mo bang malaman ang totoong pangyayari o iiwanan kita rito?" amused nitong tanong.

Pumormal siya. "Go on."

"Adrian is bisexual, Mariel. Walang nakakaalam
sa tunay niyang pagkatao maliban sa akin. Pero nalaman ko lang iyon noong pangyayaring nahuli ko sila ni Faye sa silid niya. Later, may palagay akong intensiyon niya talagang mahuli ko sila dahil alam naman niyang hahanapin ko si Faye at saka hindi niya ini-lock ang silid. Anu't anuman ay mapapalabas niya si Faye sa veranda."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ang
kinalaman noon?"

"Iniisip ni Adrian na mahal na mahal ko si Fave and I will be devastated na makita ang kataksilan ng girlfiend ko. I really was. Hindi ako makapaniwalang gagawin ni Faye iyon. Pinaalis niya si Faye noong mismong oras na iyon sa panggigilalas nito. Hindi niya ako pinalabas ng silid and sweet talked me into telling me na walang kuwenta ang mga babae. Na pag nakakakita ng ibang guwapong lalaki ay nangangaliwa. Then he started stripping me..."

"Brad!"

Hindi siya pinansin ng binata. "Gulung-gulo ang isip ko noon, Mariel. Ang kataksilan ni Faye at sa mismong stepbrother ko pa na malaki ang paghanga at paggalang ko. At ang biglang pagkatuklas ko sa tunay na pagkatao ni Adrian. Sinamantala ni Adrian iyon and almost... Mariel, almost.." Nagtagis ang mga bagang nito na tumingin sa kanya. "...made it with me. But I got to my right senses in the nick of time at lumabas ng silid sa pamamagitan ng connecting door sa banyo namin. Pinalampas ni Adrian ang pagkakataong iyon pero hindí siya huminto. Many times ay nagigisnan ko siya sa silid ko begging and telling me that he loved me..." Napapailing ang binata, in disgust.

"When he became persistent, tinakot ko siyang
isusumbong sa Tiyo Enrique. Doon siya tumigil dahil aalisan siya nito ng mana, Maliban pa sa ang perang minana niya sa ina niya na ang Tiyo Enrique ang administrador ay hindi mapupunta sa kanya kung hindi gugustuhin nito. Nang mamatay ang Tiyo Enrique, muli niya akong nilapitan. Promised to give me everything I want. Mayaman ang asawa mo Mariel. Halos doble ng halaga ng plantasyon ang perang minana niya sa mother side, I was probably his first and only frustration so far because he hated me after that."

"At.. si Vince, Brad... ano ang...?"

"Nakakulong sa bisyo ang kapatid mo, Mariel.
Ipinagtapat sa akin ni Vincent ang lahat-lahat. At si Adrian ang tumutustos ng lahat ng mga kailangan níya. Mula sa casino at drugs at hanggang sa mga luho sa ibang bansa.?"

"Kapalit ng sarili niya..." nanlumo si Mariel sa sinabi. "N-nasaan si Adrian ngayon?"

"Bumalik sila ng Maynila ni Vincent. Mananatili
sila roon hanggang sa matapos ang bilihan ng lupa. At muling babalik ng Nevada."

"Nang hindi man lang ako nakakausap ni Vincent?" Naiiyak niyang tanong.

"Patawarin mo ang kapatid mo, Mariel. Wala
siyang lakas ng loob na harapin ka pagkatapos ng nangyarí."

"Iniwan niya ako rito." parang batang napahikbi
si Mariel. Ang kaisa-isang pamilya niya ay iniwan siya Sa mga taong hindi níya kaanu-ano maliban sa kamag-anak ng lalaking pinakasalan niya. Na tulad ng mga ito ay estranghero din sa kanya.

Mula sa pagkakahiga ay ibinangon siya ni Brad. "Sa akin ka iniwan ni Vincent. Hindi kita pababayaan. Kami ng Mama. And I won't even let you go, alam mo ba iyon?" hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha niya. "1 love you, Mariel."

Siniil siya nito ng halik sa mga labi. At sa pagkakataong iyan ay gumanti siya ng halik sa binata.

She kissed him as he kissed her. With equal passion and fire.

"Love me, Brad..." bulong niya sa pagitan ng mga halik nito.

Sukat doon ay kumawala ang binata na tila nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tinitigan siya.

"B-bakit?"

"Kahit na ano pa ang nangyari, sa mata ng lahat ay may-asawa ka pa rin, Mariel. Hindi natin matatakpan ang mali sa pamamagitan ng paggawa ng panibagong kamalian."

Nanlaki ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi dahil sa pagkapahiya kundi sa galit.

"Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo iyan, Brad Martinez. My marriage with Adrian was a sham, alam mo iyan ngayon. And you told me you want me, ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan. Now, inaalok ko sa İyo ang sarili ko just like some cheap women and you're preaching me with what is right and wrong! Bakit, Brad? Katulad ka rin ba ni Adrian?"

Tumiim ang anyo ng binata. "Iisipin kong hindi mo sinabi iyon. You're just upset, Mariel. You didn't mean that," mahinahon pa rin nitong sinabi. "And yes, I love you and I want you, Mariel. I still want you and will never stop wanting you. Maliban sa ayokong dungisan
ang pag-ibig na iyon sa paggawa ng mga bagay na pareho nating pagsisisihan sa bandang huli ay ayokong bigyan si Adrian ng dahilan para balikan tayo. I am not preaching and I do not claim to be righteous. I am not. Hindi natin maitutuwid ang pagkakamali sa mundong ito but we can at least contribute to what is right."

"Oh, Brad..."

"Sa paningin ng lahat ay asawa ka pa rin ni Adrian. Ayokong pagdating ng panahon ay may accusing finger na ituturo sa atin tainting our love. Hindi ko gustong isugal ang dangal mo at ng magiging anak ko sa iyo."

Hinawakan nito ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa mga labi. "Maaayos din ang lahat ng ito, Mariel. Kasama mo ako sa pagtutuwid ng problema kay Adrian every step ofthe way. At pagkatapos noon, I'll marry you."

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat