NAGTATAWANAN at nagbibiruan pa rin sila nang pumasok ng bahay. Nahinto lamang ang dalawa nang mapunang may kasama si Donya Ramona na ngumiti ng matamis pagkakita kay Brad.
Maganda ito at matangkad but very dark na parang bombay. Marahil ay bata lang ng isang taon kay Brad.
"Heto na pala ang dalawa, eh," anang matandang babae. "Kanina ka pa hinihintay ni Faye, Brad. Inimbitahan ko siyang dito na rin mananghalian. Gutom na nga kami, eh."
"Hello, Brad," bati ng babae na tumayo at
sumalubong sa kanila. Ikinawit ang dalawang braso sa leeg ng binata at hinagkan ito sa mga labi.Umiwas ng tingin si Mariel. Ngayon niya gustong sagutin si Brad sa tanong nito kung jealous type ang babaeng nagpapawis ang dulo ng ilong.
At ano 'ng karapatan mong magselos, you nuts! aniya sa sarili. Bahagya niyang ipinilig ang ulo upang gisingin ang sarili sa kahibangan.
Mayamaya'y bumitaw ang babae at tinitigan si
Mariel. "So, this is Adrian's wife.""Si Mariel, Faye. Mariel, si Faye. Kaibigan nina
Adrian at Brad," pakilala ni Donya Ramona.Inabot ni Faye ang kamay sa kanya na tinanggap niya naman at nginitian ito. "Pleased to meet you, Faye..."
Ngumiti ang babae at nilingon si Brad na ang mukha ay hindi kababakasan ni Mariel ng anumang damdamin. "Ang buong akala ko ay hindi na mag-aasawa si Adrian, Brad. Gusto na tuloy mabuo ng hinala ko noon na-"
"Nag-aasawa ang tao sa panahong gusto nito,
Faye," agap ni Brad sa anumang sasabihin ni Faye. "Hindi dahil idinidikta ng ibang tao."Nagkibit ng balikat ang babae. "Siguro nga. At
marahil ay gusto na ring magkaanak ni Adrian. If he married me then, siguro ay apat o limang taon na ang...""Faye!" ani Donya Ramona.
"Oh, surely my past and brief affair with Adrian ay hindi makakasira ng pagsasama ninyo, Mariel, di ba?"
"Tama ka," walang emosyong sagot niya. "Ang
nakaraan ni Adrian ay nakaraan niya." May kaugnan ba ang babaeng ito kay Adrian? sa sarili'y naitanong niya.Inilahad ni Faye ang dalawang kamay. "See?
Mariel won't make an issue out of it," anitong kay Brad nakatuon ang mga mata."Magsa-shower na muna ako, tiya at magbibihis paalam ni Mariel at lumakad patungo sa hagdan,
"Pawis na pawis ka nga, hija. Sige at ipahahanda ko na ang mesa at nang makapananghali na tayo. Natagalan kayo sa plantasyon."
Doon ngumiti si Brad. "Hindi pa nga gustong
umuwi ni Mariel, Mama. Nanananghali na ang mga tao ay marami pang gustong makita at itanong. She's very adept and knowledgeable."Humakbang papanhik si Mariel. Hindi niya gustong makita ni Brad ang kasiyahan niya sa papuri nito.
"Hindi ko sasabihin sa iyong I told you so', Brad," sagot ni Donya Ramona na nakangiting sinundan ng tanaw si Mariel na nasa itaas na.
"Magpapalit na rin ako ng damit, Mama, Faye,"
bahagya na nitong nilingon ang dalagang nagkibit ng mga balikat at naupo sa tabi ni Donya Ramona.Alam ni Brad na nasa banyo si Mariel kaya sa isang banyo sa may pasilyo sya naligo. Magkapanabay pang lumabas ng silid ang dalawa na pareho ng naka-shower at nakabihis makalipas ang ilang minuto.
"Okey lang sa iyo kung may bisita ang Mama?" si Brad habang ipinapaloob ang polo shirt sa maong.
"Of course. Hindi ba at bisita rin naman ako dito?
"You're Adrian's wife..."
"By some unfortunate circumstances," hindi niya gustong sabihin iyon at baka mawala ang truce nilang dalawa pero naiinis siya. Kung bakit hindi niya gustong aminin sa sarili na dahil sa presensiya ni Faye.
YOU ARE READING
ALL-TIME FAVORITE: Forbidden Love
RomanceIpinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong buhay niya'y noon lamang niya nakita ang lalaki. Nang matapos ang kasal ay pinauwi siya ni Adrian sa Pilipinas sa pamilya nito. Nakilala niya...