FOUR

4.3K 99 7
                                    

KINABUKASAN ay nagising si Brad sa tunog ng shower sa banyo. Naliligo si Mariel. Napaungol siya at idinapa ang mukha sa unan. Sharing his bathroom with a beautiful and sexy woman ay sapat-sapat na para gumana nang husto ang imahinasyon niya.

"Damn!" pagalit niyang usal.

Bumangon siya at nag-push up sa sahig, in the nude. Trying hard to erase from his mind the woman inside his own bath. Naked, habang naglalaro ang tubig sa magandang katawan nito.

Morning arousal is normal pero ang malaman mong ang dahilan nito ay ang babaeng nasa shower, is definitely kiling him. And to think that he already tasted the softness of her lips. Isa sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buhay niya was kissing her impulsively yesterday. He couldn't resist the urge. She looked so tempting and delicious habang nakatingala sa kanya kahapon.

At hindi niya inaasahan ang reaksiyon ni Mariel sa halik niya. Nakita niya ang shock sa mukha nito bagaman mahusay na naitago. Ang mga babaeng tulad ni Mariel ay hindi nara-rattle pag hinahalikan. Hindi siya mayabang pero alam niya ang atraksiyon niya sa opposite sex. Pleasure ang ipinakikita ng mga babae sa halik niya, hindi shock na para bang noon lang may nakahalik dito.

Natitiyak niyang hndi arte iyon or else she wouldn't have tried to hide her feelings. And the memory of that brief kiss at ang paggana ng imahinasyon niya sa anyo nito sa ilalim ng shower is driving him mad. At isiping tuwing umaga ay ganito. Huwag nang idagdag pa ang susunod na mga araw na magkakasama silang
dalawa.

Why, that little-devil-of-a-sister-in-law is wrecking all his senses mula pa nang makita niya ito sa restaurant kahapon.

Nakita niya ang marahang pag-iyak nito kagabi sa madilim na veranda sa pag- aakalang walang nakakakita. She really melted his heart and wanted to put his arms around her which is very crazy. Asawa si Mariel ng stepbrother niya! And he is supposed to hate her not desire her considering the reason of her marriage to Adrian.

Kinasusuklaman niya ang mga uri ng babaeng tulad ni Mariel.. tulad ng ex-girlfriend niya, si Faye.

Tumayo siya at pinatay ang arcon. Kasabay noon ay ang paghinto ng shower at ilang sandali pa'y ano pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang silid.

Mabilis siyang pumasok ng banyo. Pero ang amoy ng pambabaeng sabon at shampoo ni Mariel ay nasa banyo pa, tickling all his senses. Ang amoy nito ay tulad sa isang umaga sa gubat pagkatapos ng isang magdamag na ulan. Sweet and fresh. Making him ached even more.

"This is intolerable!" bulong niya. Tinignan ang
marmol na lababo at ang vanity mirror. Nakalagay doon ang pambabaeng gamit ng hipag. An imported bath soap and shampoo, puro signature. The lady is definitely expensive.

Maingat niyang dinanmpot ang isang Yves Saint Lauren Eau de Toilette. Binuksan ito at sinamyo. Napahugot siya ng hininga, iyon mismo ang amoy ni Mariel na humahalo sa natural na pambabaeng scent nito.

This is ridiculous! Why should he desired his
stepbrother 's wife?

Nasa ganoon siyang ayos nang muling bumukas ang pinto ng banyo. Si Mariel na nakalimutan ang brush ng buhok at nakatapis pa rin ng tuwalya.

"Oh!" bulalas ng babae at iglap na hinagod ng
tingin si Brad sa pagkakatayon g iyon saka muling ibinalik sa mukha ng binata ang mga matang napamulagat.

And like a flash of lightning, lumabas ito at isinarang muli ang pinto na napalakas ang bagsak.

Tumingin sa kisame si Brad at bahagyang napailing. Mangingiti ba siya o mapapahiya?

Oh, well, there 's nothing to be ashamed of, bulong nito sa sarili. And how can she afford to look as if thunderstrucked when the woman is very much married.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWhere stories live. Discover now