"Really, hija? Hindi nabanggit ni Adrian sa telepono na sa California kayo nagkakilala. Ang pagkaalam nami'y mula dito sa Pilipinas ay sadyang pinapunta ka ni Adrian sa Nevada upang doon magpakasal.." anang matanda na kinakitaan ng kaunting pagkamangha.

"Hindi kami nagkaroonng maraming pagkakataon ni Adrian na mag-usap tungkol sa aming mga sari-sarili. Pero tinitiyak ko sa brother-in-law ko na hindi na bago sa akin ang tanawin at gawain dito sa asyenda. I like farm work. Isa akong Agriculture graduate at student exchange sa Califonia sa loob ng isang taon," sa sulok ng mga mata niya'y nakita niya ang biglang pag-angat ng ulo ni Brad. Itinuon niya ang pansin sa pagkaing nasa pinggan niya at sumubo.

"Oh!" si Donya Ramona na kinakitaan ng galak sa mukha.

"Mahusay pumili si Adrian ng mapapangasawa.
Someone who will be interested with his inheritance at pagyamanin ito. Not to mention very beautiful, too."

"I'm sure na lubhang interesado si Mariel sa mana ni Adrian, Mama," agap ni Brad sa tonong may pailalim na kahulugan.

Bigla siyang nag-angat ng mukha at tumingin dito. Sinalubong ng binata ang kanyang mga mata na naghahamong pasubalian niya ang sinabi nito.

Ano ang sasabihin niya? Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig? Na pumayag siyang pakasal kay Adrian dahil sa mana nito?

Nagbuka siya ng bibig upang sagutin ito subalit muling nagsalita si Donya Ranona.

"Mapapakinabangan mo ng husto sa plantasyon ang kursong tinapos mo, Mariel."

Ngumiti siya. "Natitiyak ko, Tiya Ramona," sabay sulyap kay Brad. "Kung matagal mang hindi napag-ukulan ng panahon ni Adrian ang trabaho niya rito, I'll sure make it up."

Inabot ng binata ang baso ng tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo na.

"Huwag mong pansinin si Brad, hija. Napakaraming trabaho rito sa plantasyon at siya lahat ang namamahala kaya laging mainit ang ulo."

Ipinagkibit lang niya iyon ng balikat bagaman nasa isip na mahihirapan siyang pakitunguhan ang bayaw niyang ito. Na lagi na'y may kahulugan ang mga sinasabi.

ALAS-NUWEBE na ng gabi pero hindi pa rin
makatulog si Mariel. Lumabas siya sa veranda at tinanaw ang madilim na kalangitan, Kahit bituin ay wala.

Hindi niya matiyak kung ang nasa likod ng silid niya ay ang plantasyon. Madilim at kung may nakikita man siyang mga ilaw ay pagkalalayo.

Hindi siya makapaniwalang narito siya sa ganitong kalagayan. Pagkarating niya ng Maynila mula Nevada ay agad niyang kinausap ang Tito Alfonso niya, ang kaibigan at kasosyo ng Daddy niya tungkol sa katayuannng kanilang negosyo.

"Totoo ba ang sinabi sa akin ni Vincent, Tito?" aniya rito matapos na sabihin ang sadya.

Bumuntong-hininga ang matandang lalaki at sumandal sa swivel chair. Naroon ang simpatiya sa mukha nito.

"Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa iyo ito, Mariel, your brother vwould probably kill me..."

"Please, Tito, please. Gusto kong malaman," pakiusap niya.

Tumikhim muna ang matandang executive bago nagsalita. "Your brother is into drugs, Mariel..."

"No!" Namangha siya sa narinig na tinuran nito.

"Yes, Mariel. Ikinalulungkot ko, pero iyon ang
totoo, hija. Matagal nang alam ng Papa at Mama mo iyon but kept it from you. You adored your brother dahil nga sa agwat ng edad ninyo. Well, I know Vincent loved you too, Mariel. Nagkataon nga lamang na nalulong siya sa mga bisyo."

Tuluyan nang napaiyak si Mariel doon. Kaya pala sa tingin niya'y malaki ang ibinawas ng timbang ni Vincent.

"Nang mamatay ang mga magulang mo ay naubos ni Vincent ang bahagi ninyo sa negosyo. Wala akong magagawa, Mariel, karapatan niya iyon bilang panganay na anak. At hindi naman nabago ng mga magulang mo ang testamento nila na pagkakatiwala kay Vincent ng inyong mga ari-arian dahil hindi naman nila inaasahang mawawala sila nang ganoon kaaga sa mundong ito..."

"Yes... they... were still young and... happy..." nagsisikip ang lalamunan niya sa alaala ng mga magulang, Namatay ang mga ito sa loob ng isang hotel sa Japan nang magkaroon ng malakasna lindol. Naroon ang mga ito celebrating their golden anniversary.

"Hindi lang drugs, hija. Alam nating lahat na
nagsusugal si Vincent. Pero hindi lang pagilibang ang nangyari, nalulong siya nang husto."

"Ang... kolehiyo ko... ang trip ko sa abroad taun-taon? Paanong...?"

"Hindi si Vincent ang may kagagawan niyon, hija. May trust fund ka hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral. At ang trip mo taun-taon sa abroad ay naihanda na ng mga magulang mo noon pa mang buhay pa sila. Ang kumpanya ang nangangasiwa nito and I saw to it na magagamit mo. Tanging itong huli mong punta sa Nevada ang gastos ni Vincent..."

Muling napaiyak si Mariel. lt was so unfair na
sa ang magdusa sa ginawa nito sa sariling buhay. Na buong buhay niya ang naging kabayaran sa mga pagkakautang ni Vincent.

Subalit pagkatapos ng mga luha ay binigyang-katwiran niya ang kapatid. Maaaring ganoon nga, pero hindi pa rin niya puwedeng pabayaan ito. He was her beloved brother and her only family.

Isang tikhim ang nagpanumbalik ng isip niya sa kasalukuyan. Nilingon niya ang pinanggalingan nito. Si Brad. Muli siyang lumingon sa kadilimang nasa harap niya at mabilis na pinahid ng likod ng mga palad ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.

"Has my rudeness this afternoon made you cry?" wika nito at tumabi sa kanya sa barandilya.
There was a certain gentleness sa tinig nito na nahihimigan ni Mariel. Pero imposible. The man is rude!

"Don't flatter yourself, Mr. Martinez..." patuya
niyang sagot. "Hindi mo ako mapapaiyak kahit na gaano pang kagaspangan ang ipakita mo sa akin."

"So, ang mga luha'y para saan o para kanino,
Mariel? Tiyak hindi kay Adrian dahil alam kong wala kayong pag-ibig sa isa't isa..." muli ay naroon ang bahagyang himig ng panunuya sa tinig nito.

"Wala kang pakialam. At paano mong natiyak na wala kaming pag-ibig ni Adrian sa isa't isa?" gumagaralgal ang tinig niya.

"Natitiyak ko, Mariel. Hindi mo kailangang
ipagkaila sa akin. Maaaring ang Mama ay mapaniwala ninyo ni Adrian dahil gusto nang magkaapo niyon, pero hindi ako," walang emosyong wika nito.

Naniningkit ang mga matang hinarap niya ang binata, "Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng mga haka-haka, Mr. Martinez. And I won't even dignify it by answering you. Now, please, leave me alone!"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Brad.

"Alright, kalimutan natin ang subject na iyan. Kaya ako narito ay upang humingi ng paumanhin. I guess I owe you one..." marahang wika nito. "I made a mistake twice. Una ay sa restaurant, napagkamalan kitang..."

"Don't apologize, Mr. Martinez, if it kills you!" angil niya.

"God, Mariel!" ulit ng binata. “And I mean my
apology this time. So please, don't get upset..."

"I am not!" pagalit na niyang sinabi. "Hindi mo ba pinahihintulutan ang panauhin sa bahay na ito na magkaroon ng katahimikan?"

"Humihingi lang ako ng paumanhin, Mariel. Hindi mo kailangang maghisterya. At hindi ako nanglilimos ng kapatawaran kung hindi mo gusto. Goodnight..." pagkasabi niyon ay humakbang uli ito patungo sa loob ng silid.

Isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang