"Kung saan-saan pa hinanap at binili ng anak ko ang mga nakikita mong iyan, Mariel," nakangiting paliwanag ni Donya Ramona na nahulaan ang nasa isip niya. "Itong bahay ay talagang antigo at minana pa ng asawa ko sa mga magulang nito. Pero karaniwan sa mga gamit ay mga bago na. Pero si Brad ay mahilig sa mga antique kaya ganito ang ayos na nakikita mo."

Brad? Ito marahil ang sinasabing Mr. Martinezng hardinero. Bakit hindi sinabi ni Adrian sa kanyang may kapatid ito sa ama? At kung bakit din naman kasi, hindi siya nagtanong ng husto kay Adrian kung sinu-sino ang daratnan niya rito sa Hacienda Ramona.

"Natitiyak kong hindi biro ang pag-ipon ng mga antigong kasangkapan." Naupo siya at hinawakan ang isang matandang lampara na may gaas pa sa lalagyan.

"Ako nga pala si Ramona. Mariel. Tiya ang itawag

"Y-you're very young." puna niyang hindi naitago ang pagkamangha.

Marahang natawa si Donya Ramona. "If you considered fifty one very young, then thank you, hija," nasa mukha nito ang pleasure. "Pareho kaming biyudo ni Enrique, ang Papa ni Adrian, nang magkapangasawahan. Si Adrian ay kinse anyos na binatilyo nang magpakasal kami ni Enrique at ako naman ay may isa ring anak sa unang asawa ko na isang taong gulang noong panahong iyon, si Brad," paliwanag nito.

"Oh!"

"Ang unang asawa ko'y pinsang makalawa ni Enrique na namatay sa isang aksidente sa bus pababa ng Baguio. Kaya ang anak kong si Brad ay Martinez din."

"Sina Adrian at Brad, bukod sa pagiging stepbrothers by marriage ay magpinsang makatlo," patuloy ni Donya Ramona. "Sa nakikita ko'y walang gaanong sinabi sa iyo si Adrian tungkol sa pamilya niya."

"Isang... madaliang pagpapakasal ang nangyari sa amin." Ikinahihiya niyang masabing she practically knew nothing about her husband. "Hindi kami... nagkaroon ng maraming pagkakataong mag-usap."

Iwinasiwas ní Donya Ramona ang isang kamay.
"Naintindihan ko, hija. Whirlwind courtship and the honeymoon at sa isang magandang lugar. Kung ako man ang nasa kalagayan mo'y hindi ko na magagawang ipakipag-usap sa asawa ko ang anumang bagay maliban sa aming dalawa."

Kasama ng pamumula ng pisngi sa gustong
ipahiwatig ng matandang babae ay nakadama ng guilt si Mariel. Paano niya sasabihin sa mabait na matandang ito na ginawa siyang pambayad-utang ng kapatid niya sa stepson nito.

Bagaman hindi pa rin niya maunawaan kung bakit pinakasalan siya ni Adrian. Lahat ng mga iginagawi ni Adrian ay napaka-unusual
para sa isang bagong kasal.

Una, ay ang kawalang interes nito sa kanya bilang babae. Hindi dahil sa inaasam-asam niya iyon. Far from it, at ipinagpapasalamat niya. Pero hindi maiwasang hindi siya magtaka at mag-isip.

Pangalawa, ay ang pagpapaiwan nito sa Nevada at ang pagpapauwi sa kanyang mag-isa after barely one month ofmarriage.

Nagpatuloy si Donya Ramona. "Lamang ay
ikinalulungkot kong sabihing ang anak kong si Brad ay iba ang iniisip tungkol sa... " Hindi natapos ng matandang babae ang sasabihin dahil mula sa likuran ay may nagsalita.

"At ano ang iniisip ko, Mama?"

"Oh, Brad, hijo, halika at nang makilala mo ang
asawa ni Adrian."

Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig at ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makilalang ito ang lalaki sa restaurant.

"Ikaw?" bulalas niya.

Kung nabigla man ang lalaki ay hindi ito nagpahalata maliban sa sandaling paghinto ng mga hakbang. Pagkatapos ay balewalang lumapit sa kanya.

"Magkakilala kayo ng anak ko, Mariel?"

"We've met, Mama... " si Brad ang sumagot sa
pormal na tinig. Ang mga mata ay sumuyod sa anyo ni Mariel.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWhere stories live. Discover now