Chapter 28

75 11 0
                                    

Chase's POV

“So that's why I felt a little irritated at you, you're that punk's younger sister,” bulalas ni Venisse.

Hmm, ngayon na natitigan ko s'ya nang matagal ay mag kamukha nga sila ng lalaking sinasabi ni Venisse. Maliban sa mata dahil magkaiba ito ng kulay, isa ata sa mga magulang nila ay may taglay na grey na mga mata.

“Pardon?” napataas na naman si Christina ng kilay n'ya.

“Wala,” Venisse shook her head and stayed quiet.

“Kilala namin ang taong binanggit mo,” sabat ni Rhian. Kumislap ang mga mata ni Christina, mukang masaya s'ya sa narinig n'ya.

“I knew it! My brother is really famous, even you guys know him, you must've heard his name because of the citizens of West Steel City,” she giggled. Medyo natawa ako, pero hindi ko pinahalata.

She's really cute even though she was being arrogant awhile ago. Siguro dahil bata pa s'ya, sa edad n'ya ay normal lang ang ganong akto. Natutuwa ako sakanya, ang nakakasalumuha ko lang kasi na kaidaran n'ya ay si Ivan, dumagdag pa si Noelani. Isang cold na hindi palakaibigan at isang egocentric. The both of them always gives me a headache, seriously.

Kamusta na kaya sila?

“Hindi, hindi dahil sikat ang kuya mo kaya namin s'ya nakilala, kundi dahil s'ya ang taong hinahanap namin,” pagtatama ko. Napatigil s'ya sa sinabi ko, at sandaling nag-isip.

“Kung ganon ay dadalhin ko kayo sakanya! since you all helped my friend, I want to at least give back the favor,” she offered.

We didn't think twice and accepted it immediately. We only have one more day to stay here and it looks like that guy is not gonna come out any sooner, so we need to go straight to him. Bago umalis ay inayos muna namin ang gamit sa hotel at binilinan ang doctor na dumalaw muli para matignan ang dalawang pasyente. Bayad na rin ang lahat ng bills kaya walang problema kung umalis kami at hindi na bumalik. They're going to be alright, Christina already volunteered to come back here to take care of them until they recover. She may look like a spoiled, arrogant and boastful kid but she's quite knowledgeable, to the point that you can entrust her with important stuffs.

Ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa lugar na kinaroroonan ng kuya ni Christina. Tinignan din ni Sage ang lugar at meron nga ditong nakatira na Christopher ang pangalan. She's also honest, huh?

“Oh, you two live in a condominium,” sambit ni Rhian nang makita ang loob.

“Yes, pero si kuya lang ang totoong nakatira dito. Bumibisita lang ako mismo. He usually live alone,” she corrected.

We rode the elevator up to the 34th floor. Ang taas din pala ng building na'to, maganda rin ang disenyo, pang mayaman.

“Talagang dinala mo kami kung saan ang kuya mo ah, hindi ka ba nagdududa samin? Malay mo nandito pala kami para gawan s'ya ng masama,” biro ni Rhian. Pero hindi s'ya natinag o nagdalawang isip man lang sa sinabi ni Rhian.

Sino nga naman ang magtitiwala agad sa apat na taong kakakilala mo lang? nasaksihan n'ya rin ang mga ginawa namin sa arena, yet, she didn't doubt us.

“Kuya can still defeat four opponents, but that's not why I agreed, I just think that you guys won't harm him. That's what my instincts tells me, hehe,” ngumiti s'ya pagtapos sagutin si Rhian.

“Well you're right, we just have personal business with him,” Venisse spoke behind.

Nang tumunog ang elevator agad kaming lumabas, mukang masigla rin si Christina dahil ata makikita n'ya ulit ang kuya n'ya.

Chasing Daylight (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon