Umawang ang bibig niya. Nagpigil ako ng tawa. Umiling nalang ako hanggang sa magpasukan ang ilan pang customer na karamihan ay lalaki. May mga babae din pero lamang talaga ang mga lalaking nagpapa-massage sa amin.

Pang-apat na costumer ko na at pansin ko ang paglala ng simangot sa mukha ni Phoenix. Ang mga kaibigan ko namang tsismosa ay may kanya-kanyang costumer din kaya wala na ang mga nagpapatansya sa kanya. Pero ang mga babaeng costumer naman namin ang pumalit. Nagbubulungan ang mga ito habang titig na titig kay Phoenix.

Ano ba kasing ginagawa ng lalaking ito dito? Ang alam ko ay nagtatrabaho siya sa kumpanya nila kaya nakakapagtaka ang pagligaw niya dito!

Pumasok kami sa room ng pang-apat na customer. Habang minamasahe ko siya ay nag-uusap kami. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa tuwing tumatawa si Arnel kapag ang mga kamay ko ay nadadali ang parte ng katawan niyang may mga kiliti.

"Ano Arnel? Ganyan ka na lang? Ang tagal-tagal mo ng magpamassage tapos hanggang ngayon hindi ka pa din sanay?"

"Masarap magpamasahe Millicent. Nakakarelax. Isa pa kahit malaman mo ang kiliti ko ayos lang. Atleast nakikita ko kayo ng mga kaibigan niyo. Ang gaganda niyo kasi!"

I put the pressure on his back. Napailing ako nang tumawa siya. Alam kong dinig sa kabilang rooms at maging sa labas ang ginawa niyang pagtawa. Malapit kasi ang kamay ko sa bewang niya kung saan malakas ang kanyang kiliti.

"Bakla ka ba Arnel? Bakit serbisyo ko ang hinihingi mo?" Tanong ko. "Type mo si Oria diba? Sa kan'ya ka nalang magpamassage. Nananawa na ako sa mukha mo." Biro ko.

Mahina siyang nagmura. Natawa na naman ako.

"I know the reason why you're always here. You want to see Oria, right?"

"Wag mo 'kong english-in Millicent. Alam kong valedictorian ka nung highschool ka."

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray!"

"Wag mong iniiba ang usapan!" Pang-aalaska ko pa.

"Millicent naman, wag mo namang sasabihin kay Oria na gusto ko siya. Baka mawalan na ako ng lakas ng loob na pumunta dito sa susunod. Sige ka mawawalan ka ng poging customer."

Umirap ako. "Jusko, Arnel. Okay lang na mawala ka. Wag kang mag-alala. Mamaya pagkatapos natin ay sasabihin ko na kay Oria. Para hindi ko na makita ang pagmumukha mo!"

Pagkatapos ko siyang i-body massage ay lumabas na kami. Hindi mawala-mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa pang-aasar ko kay Arnel. Nakangiti din naman siya pero agad iyong napawi dahil may kausap na lalaki si Oria at nakikipaghatawan pa ang babae sa balikat.

"Arnel, chillax." Hinatid ko siya sa pinto at nagpasalamat sa malaking tip na ibinigay niya sa akin.

Hindi naman na siya nagsalita. Ramdam kong tinamaan na ng selos si mokong!

Bumalik ako at ganun na lang ang paglunok ko pagkakita sa lalaking kumukuha ng atensyon ng mga babae at maging mga lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa kagwapuhan ng isang Dela Vega?

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

Inirapan niya ako bago tumayo at humawak sa kamay ko. Agad ko naman itong tinanggal at nagpasalamat dahil walang nakapansin sa mga katrabaho ko. Pero sa mga customers ay meron!

Pumasok kami sa kwarto kung saan ako nagmamassage. Tumahimik ako at tinignan siya sa mukha pagkasara ko ng pinto. Umupo naman siya sa massage bed.

"There are lots of customers who want to be massaged by you." Pinisil niya ang ilong at inirapan ako. "Pero sinabi kong sa ibang kasamahan mo na lang sila magpamassage. Kaya 'yung mga lalaking gusto ng service mo, inilibre ko."

SurrenderWhere stories live. Discover now