"Lakas ng topak mo bro!" Napangiti si Kwangmin at kumaway sa bagong dating.

"Bago nating classmate, si Ahra. Ahra, bestfriend ko, si Youngmin. Pasensya ka na ha, ganyan lang talaga yan pero mabait yan." Pakilala ni Kwangmin.

Dahil ayaw naman ni Ahra na isipin ni Kwangmin na masungit siya, ngumiti na lang siya kay Youngmin kahit bwisit na bwisit siya sa ginawa nito. Pumunta naman si Youngmin sa likod niya kung saan talaga ito nakaupo. Nagkwentuhan na silang dalawa ni Kwangmin at naramdaman na naman ni Ahra na out-of-place siya. Buti na lang dumating na ang professor nila at nagsitahimik na ang klase.

"Tulad ng sabi ko last meeting may quiz kayo ngayon kaya close all your notes at kumuha na kayo ng papel. Ms. Yoo, except sayo, bibigyan na lang kita ng special quiz pag nakahabol ka na sa lesson, ok?" Sabi ng professor nila pagpasok nito. Tumango lang si Ahra.

"Kainis naman, ayaw na naman sumulat!" Napansin niyang kinakatok ni Kwangmin ang ballpen niya sa armchair. Isusulat na sana nito ang pangalan niya sa papel pero hindi lumabas ang tinta.

Nagmamadali namang kinuha ni Ahra ang ballpen niya at inoffer kay Kwangmin. Nagulat din siya sa ginawa niya dahil parang atat na atata siyang magpapansin dito.

"Salamat ha." Ngumiti si Kwangmin at kinuha ang ballpen ni Ahra. Para namang high school na kinikilig si Ahra pero pilit niya itong tinago. Syempre ayaw niyang mahalata ni Kwangmin!

Ilang sandali pa, naramdaman niyang may kumalabit sa likod niya. May pagkaconservative siya kaya ayaw niyang basta na lang siya kinakalabit ng kung sinu-sino. Lumingon siya at nakita si Youngmin.

"May papel ka?" Tanong nito.

Naiinis na kinuha niya ang papel at binigyan si Youngmin kahit labag sa kalooban niya. Ayaw niya talaga magsungit at baka matakot sa kanya si Kwangmin.

"May extra ballpen ka pa?" Tanong ulit ni Youngmin pagkatapos mabigyan ng papel.

Ugali na kasi ni Ahra na magdala ng extra ballpen at papel. Ayaw niya sanang pahiramin si Youngmin pero inisip na lang niya na matutuwa si Kwangmin kung mabait din siya sa bestfriend nito kaya pinahiram na rin niya.

"scented pa talaga, sosyal!" Pagkasulat ng pangalan, narinig pa niya si Youngmin na nagsalita sa likod.

Nainis na naman si Ahra. Feeling niya tuloy lahat ng sasabihin ni Youngmin maiinis na siya agad! Allergic na yata siya sa ugali nito!

"Pakopyahin nyo 'ko ha di ako masyado nakapagreview." Sabi pa ni Youngmin sa mga katabi na lalong ikinainis ni Ahra. Sa lahat ng ayaw niya yung nangongopya!

"Ms. yoo, siguro sa labas ka muna habang may quiz." Sabi ng professor nila kaya tumayo na si Ahra.

"Sir, bantayan nyo pong mabuti si Youngmin, pakopya daw sabi sa katabi niya." Dinaan niya sa biro pero gusto niya talagang ipahiya si Youngmin kaya sinabi niya ito bago umalis ng classroom.

Nagtawanan naman ang buong klase pati na rin ang professor nila. Nagtataka tuloy si Ahra pero hinayaan na lang niya. Pagkatpos ng quiz, tinawag na siya ng professor. Nagchecheck na ng papel ang klase pagbalik niya. Nagulat pa siya na si Youngmin ang pinakamataas na nakuha sa quiz.

"Matalino kasi si Youngmin. Last year nga kasama dapat yan sa top five ng klase." Bulong ni Kwangmin sa kanya.

Napangiti na lang si Ahra nang alanganin. Mukhang nahalata ni Kwangmin na di siya makapaniwalang si Youngmin talaga ang nakasagot sa quiz. May duda siya na kinopya lang yon pero hindi pala. Ngayon naintindihan niya bakit pinagtawanan lang siya ng sinabi niya kanina na bantayan mabuti si Youngmin. Napahiya na naman siya at kagagawan na naman ni Youngmin!

My Angel In DisguiseWhere stories live. Discover now