"..isa lang ang totoo sa mga sinabi sa iyo ng
mama mo, Meredith. Na mahal kO si Andrea..
noon at hanggang ngayon...at mamahalin
magpakailanman.. "

That was so romantic and sad at the same
time. Her father had loved one woman and
married another. May bahagi ng dibdib niya ang nagnanais na alamin ang kasaysayan ng ama niya at ni Andrea.

Hindi kailangang aminin ng daddy niya
sa kanya ang pag-ibig nito kay Andrea dahil
magsisilbi lang iyong justification sa plano nitong ipawalang-bisa ang kasal nito kay Agatha.

Subalit pagkatap0S ng nalaman niyang mga
kasalanan ni Agatha, may bahagi ng puso ni
Meredith na naghahangad na sana ay malagyan ng tuldok ang pag-ibig ng daddy niya sa babaeng iniibig.

Ang kayamanan ba ng mga magulang ni Andrea ang dahilan kaya hindi natuloy ang pag-ibigan ng dalawa? Hindi ba itinuring ng mga magulang ni Andrea na karapat-dapat ang ama niya sa anak nila?

Alam niyang galing sa hirap ang ama. Scholarship ang tumulong upang makatapos ng pag-aaral si Danilo. Nang kumuha ng Bar exam ay isa sa mga topnotchers ang daddy niya. At sa pagkakaalam niya, Danilo married Agatha a month after he passed the Bar exam. At hindi naman iglap ang pag-angat ng buhay nila. Unti-unti at mga taon ang binilang bago sila naging maalwan sa buhay.

Bakit pinakasalan ng daddy niya ang mama
niya kung kung wala itong pag-ibig kay Agatha? A million-dollar question. Humugot siya ng hininga at bumaba ng sasakyan. Hanging-dagat na humalo sa eksotikong samyo ng mga bulaklak ang nalanghap niya. She softly filled her lungs with air.

"Meredith!"

Mula sa loob ng mansiyon ay nakatawang lumabas si Andrea. Very pretty in a printed
Summer dress.

"Bakit hindi ka man lang tumawag na ngayon
kayo darating? laabiso agad sa akin iyan sa
kabisera kung tumawag kayo." Lumipat ang mga mata nito sandali sa mga kaibigan niya at
nginitian sina Margie at Alana. Pagkatapos a
ibinalik sa kanya ang paningin. "Nang huli kong makausap ang daddy mo ay bukas pa kayo dapat na narito."

"We decided to come earlier," aniya. "Darating
ang mommy ni Alana bukas from the States
Baka biglang i-override ang pagpayag ng daddy niya. I hope we haven't inconvenienced you."

"Oh, no. Not at all. Lamang sana'y napasalubong ko man lang kayo sa bukana ng rancho." Lumapit ito sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.

"It's okay, Tita Andrea." Itinago ng ngiti niya
ang panginginig ng tinig nang biglang maisip ang hanging bridge at ang ginawa niyang pagtawid doon. "Natunton namin ang daan sa ibaba..."

"And we made it through the hanging bridge.
mahinang sabi ni Alana.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andrea.
"Sa llaya kayo nagdaan?"

"M-may ibang daan ba?" Meredith asked stupidly. Nahinuha na niya kaninang may ibang daan. But then she had to ask.

"Of course," sagot ni Andrea na alanganing
ngumiti. "likot nga lang kayo pabalik. Mula sa
llaya ay isang oras pa uli ang biyahe patungo
sa daan sa ibaba. Nalampasan ninyo ang main
road patungo rito. Anyway, ang importante ay
narito na kayo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Andrea nang
mapuna ang bahid ng mga natuyong putik sa
mukha at panga ni Meredith. Hinawakan nito ang mukha niya at sinipat. "Ano'ng nangyari? Bakit may putik ka sa mukha at..." Bumaba ang tingin nito sa braso niya, "at pati sa braso?"

"We met this-" Hindi naituloy ni Margie ang
sasabihin dahil sa matalim na sulyap na ibinigay ni Meredith dito.

"Oh, it's nothing. Inakala kong malambot
ang gulong namin at..." Her voice trailed away.
Kaswal na nagkibit. "... you know..."

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now