Ang Bio Student

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yes, pero hindi ka dapat buhay!"

Nagsalubong agad ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong hindi ako dapat buhay?"

Natahimik siya kaya lalo akong nagduda.

Ang huling naaalala ko, lumabas ako sa building para kitain si Tonying tapos may bumangga sa akin—

May bumangga sa akin!

Lumingon-lingon ako sa paligid para maghanap ng magagamit. Nakakita agad ako ng kutsilyo sa gilid na hindi pa nga hugas at itinutok sa kanya.

"Sinasagaan mo 'ko!" sigaw ko, nakatutok ang kutsilyo sa kanya habang papalapit siya sa 'kin.

"Binangga mo ang kotse ko!" sigaw rin niya.

"Hoy! Bobo ka ba? Pedestrian ako!"

"Then you should have seen my car!"

"No, you should have seen me! Ikaw yung may headlights sa ating dalawa, di ba? Ang bobo talaga, puro ka lang mukha!"

"Hey! Offensive ka, ha. Kakasuhan kita ng slander!"

"Kakasuhan din kita ng frustrated homicide, attempted murder, saka illegal deten—!"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang may biglang bumalot sa aking itim na plastik mula sa harapan.

"Hoy, putang ina!"


♥♥♥


"You know, we can talk in peace."

"Huwag mo 'kong tinatarantado."

"Bakit ang lutong mong magmura? You're too pretty to talk like that, miss. I mean . . . you're pretty to talk like that, not you're pretty na you're pretty lang. You get me?"

"Alisin mo 'tong packaging tape na ibinalot mo sa 'kin bago pa kita isumbong sa dean n'yo."

"You're being hostile, okay? And since hindi kita puwedeng turukan ng kung anong chemicals to shut you up, kailangan nating mag-compromise. You talk to me in peace, we can work this situation out, you can go."

Lumapit pa ako para lang ipamukha sa kanya kung ano ang ginawa niya sa 'kin. "Sinagasaan mo na 'ko, binalot mo pa 'ko ng garbage bag, binalutan mo pa 'ko ng packaging tape sa braso at binti. Psycho ka ba?" mahinang paisa-isa ko sa kanya.

Ngumuya lang siya ng pizza at tinitigan ako. "May hawak kang kutsilyo. That's self-defense on my end."

"Sinagasaan mo 'ko! Bobo ka ba!"

"How many times do you have to call me bobo, miss? Nakakarami ka na, ha?"

"Tatawagin kitang bobo hangga't hindi mo inaalis 'tong mga tape na 'to sa katawan ko!"

"Puwede mo 'kong patayin kapag inalis ko 'yan."

"At talagang papatayin kita! Dudurugin ko ang kaluluwa mo! Isusumpa ko hanggang huling existing atom ng physical composition mo!"

"Wow, that's impressive! Chemistry student ka ba?"

"Ferdz!"

Sabay pa kaming napalingon sa direksiyon ng pinto. Hawak ng isang lalaki ang door knob at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa nitong bobo na 'to na iginapos ako ng packaging tape. Nakaupo pa naman kami sa sahig habang kumakain lang 'tong bobo na 'to ng pizza pang-almusal.

"Uhm . . ."

"She's a specimen," pakilala sa akin nitong bobo na 'to.

"Specimen? 'Tang ina ka ba?" tanong ko sa kanya.

The Better HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon