"Sir, excuse me may I talk to you.. "  habol kong saad ng medyo maabutan ko sila.



Parehas silang lumingon sakin ng secretary nya, na si Hannah.



"Do you have something important to say Mr. Peirce?. " seryosong tanong sakin ni secretary Hannah.




"Uhmm.. Pwede ko bang makausap ka kahit sa sandaling oras lang sir, about sa kanina. " saad ko na deretsong nakatingin sa mga mata nya.



Hindi ko pinansin ang pag taas ng kilay ni secretary Hannah, dahil sa ginawa kong hindi pag pansin sa tanong nya.



"About earlier, I may have made a mistake, I'm sorry. "  seryosong saad nya.



"No sir, I made a mistake, I'm sorry for what I did earlier, it happened so long ago that I forgot but now I remember you. " mabilis kong paliwanag.




AKIRA POV



Parang tumigil ang takbo ng oras ng sabihin nyang naalala na nya ako.


"Sa office ko nalang tayo mag usap. " saad ko at nag lakad na.


Matinding pag piligil ang ginawa ko sa sarili ko para hindi nila mapansin ang excitement na nararamdaman ko.


"Thank you secretary Hannah, pwede kanang bumalik sa trabaho mo"  Pag papasalamat ko ng makarating kami sa tapat ng office ko.

Magalang na nag bow sya sakin at nag lakad na patungo sa table nya.


"Please follow me. "  saad ko sa lalaking nasa harap ko.


Pumasok na ako ng office ko na nakasunod lang sya sakin, mariin kong kinagat ang ilalim ng labi ko para maalis ang kabang nararamdaman ko, umupo ako ng sofa na pang isahan lang.



"Have a seat. "  pag papanggap na seryosong saad ko.


"Thank you sir." Magalang nasaad nya at saka umupo sa mahabang sofa.


Pinag mamasdan ko lamang sya habang hinihintay itong mag salita, mahigpit kong pinigilan ang sarili ko na wag ngumiti dahil sa nakikitang kong kaba sa kanya. Ilang beses nyang sinubukan na mag salita pero muli din nyang ititikom, dahil hindi na ako nakatiis pa inunahan ko na syang mag salita.


"So paano mo ako natandaan?. " lakas loob kong tanong sa kanya.

Bahagyang nagulat pa ako ng tumingin sa sakin.


"Paper.. "  saad nya.

Napakunot ako sa sagot nya. " Huh?.. " nag tatakang response ko.


Nag clear sya ng throat nya at saka may kinuha sa likod ng bulsa nya.


"This.. "  saad nya na may inilabas sa wallet nya at inabot sakin.

Kahit nag tataka ay kinuha ko ang maliit na papel na inabot nya sakin, binasa ko ang nasa papel at nagulat ng makita ko ang nakasulat, iyon ang calling card na ibinigay ko sa kanya noon. Kahit lumang luma na tignan at halos medyo malabo na din ang mga ink ng mga letters at number sa calling ay mababasa pa din.


"This is the calling card I gave you more than three years ago. "  hindi makapaniwalang saad ko na napahawak pa ako sa bibig ko gamit ang isang kamay ko. " You still have my calling card, and you hid it for a long time, but why didn't you call me?" Nag tatakang tanong ko.



"About that sir, as I said before, there is no need to take me to the hospital because my injury was not serious. "  paliwanag sa sagot nya.

"Even though!."  Mabilis kong saad sa kanya.

"Hindi na importante pa yan sir, ang mahalaga ay ang ngayon."  May ngiting saad nya.

Tumaas ang balahibo ko sa batok at parang may mga butterfly na nag liliparan sa tiyan ko, dahil sa ngiti nya.

"Y....yeah.. You're right. "  nautal kong sagot sa sinabi nya.


"I know what I'm going to say is a little thick, sir, but may I ask for your calling card. "  nahihiyang saad nya.


Napangiti nalang ako sa sinabi nya at tumango bilang sagot, pero imbis na ang calling card ko ang ibigay ko, tumayo ako para mag punta ng office table ko at kumuha ng ballpen at ng maliit na papel para isulat ang personal number ko. Pag tapos kong isulat ay muli akong bumalik at may ngiting inabot ko ang papel na may number ko.


"I hope this time tatawagan mo na ako, hindi para lang muling itago yan ng matagal sa wallet mo. "  saad ko at nag biro pa sa huling sinabi ko.

Natawa ito sa biro ko sa kanya at hindi inaasahan ang sundo na sinabi nya.


"Can I invite you after our work hour to eat dinner and I can make it up to you sir." Saad nya sa buong-buo na boses.


Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nya sakin.


"Uhmm, s-sure."  Nauutal ko pang pag payag.

"I'll call you later sir. "  saad nya at tumayo.


"Sure, I'll see you later Mr. Peirce. "  may ngiting saad ko.


"You can call me Calix sir. "

"Then kung wala naman tayo sa work, you can call me Akira or Aki. "  saad ko naman.


"Sure, I gotta go sir, baka hinahanap na ako, have a good day sir. "  saad nya at tuluyan nang syang nag paalam para umalis.


Nang makaalis na sya at ako nalang ang naiiwan sa opisina ko, halos mag wala ang puso ko sa tuwa na nararamdaman ko, ngayon gusto kong mag pasalamat sa parents ko sa pag lipat nila sakin dito para mag trabaho. Hindi ko akalain na dito lang pala kami ulit magkikita, kahit sa sandaling oras lang na pag uusap namin nakalimutan ko ang mga pangambang nararamdaman ko. Parang wala akong iniisip na problema.

"Calix, cute name. " saad ko at hindi mapigilan ang kiligin.


Dahil sa excitement ko para sa dinner namin mamaya ay nag punta na ako ng table ko para kabisadohin ang lahat ng dapat kabisadohin sa hotel. Hindi ko na din nagawang makapag lunch dahil sa naging busy ang buong araw ko.





I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now