"Hindi ka naman siguro aangal kapag inalalayan kita?" inalalayan ni Liam si Aliya, hinawakan nya ang balikat nito para bigyan ng suporta, di komportable si Aliya sa una ngunit habang natagal nagiging okay na rin sa kanya

Patuloy ang pag-alalay si Liam hanggang sa makarating sila sa may gilid ng kapatagan, nanlaki ang mata ni Aliya...

"Napakaganda!!" masayang sambit ni Aliya, tahimik lang si Liam nakatingin sa kanya habang nakasuporta pa rin kay Aliya baka ito matumba

"Ang tunay na ganda na aking nakikita!" pabulong na sambit ni Liam habang nakatingin kay Aliya na napakalapad ng ngiti sa kanyang nakikita

"Tila pinawi ng ganda ng paligid ang lahat ng kalungkutan ko sa loob ng bahay na iyon, salamat!" sabay tingin ni Aliya kay Liam, nagtagpo ang kanilang mga tingin

"Aiyana, alam kong ikaw yan, bakit di mo magawang makilala ako, mahal ko?" sambit ni Liam sa kanyang isipan

"Ang mga matang parang kay tagal ko ng kilala at pinagmamasdan, di mawari sa akin na tila matagal ko ng nakikita ang singkit na matang ito na tila isang mestizo de sangley na kay tagal ko ng tinititigan, para bang napakahalaga sa akin ng mga ganitong tingin nya, pero bakit parang wala akong maalala, ngunit ang aking puso ay may pinapahiwatig na matagal ko na itong napagmamasdan, hindi inis kung di saya ang akin nakikita sa kanyang mga mata!" sambit ni Aliya sa kanyang isipan

"Liam?" napatigil sa pag-iisip si Liam ng tawagin siya ni Aliya habang nakatitig ito sa kanya

"Bakit?" malambing nito sambit kay Aliya

"Maaaring umupo muna tayo rito?" pahiwatig ni Aliya na kailangan nyang maupo na muna para di gaano mangalay sa kakatayo ang kanyang kanan paa natapilok

Umupo na muna sila sa isang kahoy na papag na nandoon sa tabi nila habang pinagmamasdan ang paligid..

"Tungkol sa sinabi ni Lolo Generoso na di ka talaga taga-rito? Totoo ba iyon?" tanong bigla ni Aliya kay Liam, binigyan lang ni Liam si Aliya ng isang maliit na ngiti

"Siguro Aliya hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo kung taga saan ako.." simpleng sagot ni Liam sabay tingin sa malayo

"Bakit naman?" si Aliya

"Pagnaliwanagan na ang iyong isipan dun mo malalaman kung ano talaga ako at kung saan ako nanggaling at bakit ako nandito!" isang mapaglarong kataga ang binitawan salita ni Liam kag Aliya

Napaisip bigla si Aliya sa sinabi ni Liam...

"Huwag mo na muna masyadong isipin ang mga sinabi ko sayo, wag pilitin isipin, alam kong darating rin ang araw na magiging maliwanag na sa iyo ang lahat!" say ni Liam kay Aliya

"Salamat uli sa pagpapakita sa akin ng lugar na ito! sambit ni Aliya kay Liam

"Aliya, masaya ka ba sa asawa mo?" biglang tanong ni Liam, napatigil si Aliya

"Isang taon na kaming magkasama ni Mateo, pinipilit kong maging masaya kasama sya ngunit pakiramdam kong may mali eh, pilit kong iniisip kung ano yun ngunit walang napasok sa aking isipan, sa tuwing lalapit siya sa akin, hindi pananabik at saya ang aking nadarama, kung di takot at pangamba na baka saktan nya ako kapag di ko mapagbigyan sa kanyang gusto.." kwento ni Aliya kay Liam, seryosong nakikinig si Liam sa kanya, napapansin na ni Liam na naluluha na si Aliya sa pagkukwento tungkol sa kanila ni Mateo

"Pakiramdam na parang di mo talaga siya asawa? Ganun ba?" si Liam

"Parang ganun na nga!" sagot ni Aliya

"Ngunit bakit babalik ka pa don kung ganyan na ang iyong nadarama sa lalaking yun?" pag-aalalang tanong ni Liam kay Aliya

"Hindi makakayang makitang mapahamak sila Elena ng dahil sa akin, si Elena lang ang tangin naging kaibigan sa loob ng pamamahay na iyon kaya di ko kayang pabayaan siya.." sagot ni Aliya, naiintindihan siya ni Liam

"Naiintindihan ko ang kalagayan mo Aliya, tsaka sino ba naman ako para pigilan kang umuwi sa bahay na iyon, isa lang naman akong hamak na lalaking kakakilala mo pa lang kung yan talaga ang tingin mo sa akin di ba?" si Liam naman ngayon ang naluluha dahil alam niyang si Aiyana ang kaharap ngunit di siya nito matandaan napakasakit para kay Liam na ganto ang sitwasyon nilang dalawa ng babaeng pinakamamahal nya

Pinunasan ni Aliya ang luha sa mata ni Liam..

"Isang hamak ka man lalaki na ngayon ko lang nakilala, pero pakiramdam ko ay matagal na kitang kilala, simula nung nakita ko ang iyon wangis Liam, di ko maintindihan ang sarili ko na tila ikaw ay matagal kong ng kilala.." malambing na sabi ni Aliya kay Liam habang hawak hawak nito ang pisngi ng binata

"Aliya, hindi man ngayon maging malinaw pero sana di magtagal maging malinaw na rin sayo ang lahat, pero sana Aliya--" sambit ni Liam

"Ano?" tanong ni Aliya sa kanya

"Nais mo bang mas makilala pa ako kung iyon ay okay lang sa iyo?" tanong ni Liam kay Aliya

"Mukhang magkakasundo tayo.." masayang sambit ni Aliya kay Liam

===================================

Next: Chapter 24








Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now