End of Flashback...

Bumalik sa katinuan si Liam ng batukan siya ni Aliya...

"Aray!!!" inda ni Liam sa ulo nya

"Anong ngiti yang ginagawa mo patawa tawa ka pa kanina?" tanong ni Aliya kay Liam matapos nyang batukan si Liam

"Wala may naalala lang ako nung nakita kita" sambit ni Liam kay Aliya

"Sino? Yung babaeng pinipilit mong ako?" sambit ni Aliya kay Liam

"Eh paano kung sabihin ko sayong ikaw talaga yun babaeng yun?" sabay tingin ng mata mata si Liam at Aliya

Ilang sigundo rin silang nagkatitigan at bigla na lang natauhan si Aliya..

"Tigilan mo nga ako sa iyong mga kahibangan!" sabay tulak ni Aliya kay Liam para makaiwas sa tingin nito sa kanya, ngumisi naman si Liam sa kanya

"Aliya, tara na nga!" sabay hila ni Liam kay Aliya

"Teka nga!! Saan mo ako dadalhin ha!?" pagpupumiglas ni Aliya sa hawak ni Liam

"Di ba gusto mong makita ang ganda ng Santa Cecilia,  edi dadalhin kita sa lugar kung saan makikita mo ang tunay na ganta nito!" sambit ni Liam habang hila hila si Aliya

Sa Bahay ng mga Abelino...

Bumalik si Elena sa komedor kung saan naghihintay si Mateo..

"Nasaan na si Aliya?" tanong ni Mateo

"Senyor ayaw pong magpagambala ni Senyorita Aliya kahit sino man!" pagsisinungaling ni Elena

"Bakit ba nagkakaganyan ang mujer na yan!?" sinuntok ni Mateo ang mesa kung kaya't nagyanigan ang mga nakapatong roon

"Gusto ko syang makausap!" nagmamadaling naglakad si Mateo papunta sa kwarto ni Aliya, lingid sa kaalaman ng lahat kinandado ni Elena ang sarahan sa loob para hindi ito mabuksan ninuman maging si Mateo

Kinakalampag ni Mateo ang silid ni Aliya...

"Aliya!! Lumabas ka dyan!! Mag-usap tayo!!" sigaw ni Mateo habang kinakalampag ang pinto ng silid

"Senyor kaghunus dili po kayo, ayaw po talaga magpagambala ni Aliya!" pagpigil ni Elena kay Mateo

Matapos ang ilang kalampag pa ay tumigil na si Mateo

"Patricio!!" sigaw ni Mateo at agad agad lumapit si Patricio sa senyor

"Ano po yun senyor?" tanong ni Patricio kay Mateo

"Ipahanda ang karuwahe, may pupuntahan ako!" utos ni Mateo

"Masusunod po senyor!" at nagmamadaling lumabas si Patricio

"Elena, kung talagang ayaw nyang lumabas dyan sa silid na yan!! Hayaan mo siya!! Wag mo rin siyang bibigyan ng makakain, tignan natin kung makatagal siya ng walang kakainin at iinumin!!" sambit ni Mateo kay Elena at naglakad na ito palabas ng bahay

"Muli na naman nagbabalik ang pagiging mabangis ng senyor, naway nasa maayos na kalagayan si Aliya at naway hindi siya mahuli ng senyor sa labas, mag-iingat ka Aliya! Hindi ko na kakayanin pa ang makitang may isang inosenteng babae na naman ang mamaalam dahil sa senyor na walang pinipiling saktan!" sambit ni Elena sa kanyang isipan..

Sa kagubatan ng Santa Cecilia..m

Patuloy pa rin sa paglalakad si Liam habang hila hila si Aliya at mukhang napagod na rin sa kakapumiglas at hinayaan na lang si Liam na dalhin siya kung saan...

"Malayo pa ba!?" reklamo ni Aliya dahil hindi siya sanay sa ganoong lakaran

"Malapit na, konting tiis na lang ginusto mong maglamiyerda edi sulitin mo na!!" sambit ni Liam kay Aliya

"Hoy!! Hindi kasama sa plano ko tong mahabang lakaran, ang gusto ko lang naman makatakas sa impiyernong bahay na yun na may mabangis na amo!!" pagtataray ni Aliya, napahinto sila sa paglalakad

"Bakit tayo huminto?" takang tanong ni Aliya kay Liam

"Pero babalik ka pa rin mamaya? Ganun ba?" tanong sa kanya ni Liam, tumingin sa malayo si Aliya

"Wala naman akong ibang mapupuntahan kaya babalik pa rin ako don!" turan ni Aliya, nababakas sa mukha ni Aliya na nagdadalawang isip na siya kung babalik pa ba siya doon o hindi

"Teka ka nga? Bakit ba ako nagkukwento ng buhay ko sayo? Ano ba kita?" biglang bawi ni Aliya sa mga sinasabi nya kay Liam, tinawanan lang siya ni Liam

"Alam mo Aliya! Bangag ka ba? O sadyang nauntog lang yang ulo mo kaya nawala lahat ng alaala mo?" banat sa kanya ni Liam

"Ewan ko sayong epal ka!!" nagmamadaling naglakad si Aliya para unahan si Liam

"Tignan mo pati yang mga salita mo ay sadyang kakaiba, di ka ba nagtataka sa sarili mo Aliya!" pahabol na sabi ni Liam dahil nauuna na si Aliya maglakad

"Bahala ka dyan!!" sagot pabalik ni Aliya at bigla na lang ito natapilok

"Aray!!" napaupo si Aliya sa lupa dahil masakit ang kaliwang paa nya dala ng pagkakatapilok

"Tignan mo yan! Sa kakamadali mong umiwas sa akin, tignan mo nangyari sayo! Tsk!" sambit ni Liam sabay check sa paa ni Aliya

"Aray!!! Ano ba!!? Masakit!!" inda ni Aliya ng hawakan ito ni Liam

"Lampa ka talaga Aliya! Sinasabi ko sayo!" sermon ni Liam sa kanya

"Pwedeng tulungan mo na lang akong tumayo kaysa subuan mo ako ng sermon mo!!" reklamo ni Aliya kay Liam

"Wala kang choice Aliya, sampa na!!" inoffer ni Liam ang likod nya kay Aliya

"Anong gagawin ko dyan sa likod mo?" angal ni Aliya

"Sampa na, papasanin kita hanggang sa makarating tayo sa munting bahay ng lolo Generoso ko para mahilot niya yang tapilok mo!" say ni Liam habang naka upo nakaharap ang likod niya kay Aliya

"Ayaw ko nga!! Tsaka kaya ko naman tumayo eh!! Salamat na lang!" sinubukang tumayo ni Aliya ngunit ito natumba, mabuti nalang at nandun ang likod ni Liam at nasalo agad ito, ngumisi na lang si Liam sa kaartehan ni Aliya

"Umaarte ka pa kase ayan napala mo, kaya wag kang magreklamo nahulog ka na sa likod ko kaya kumapit ka lang!!" sabay tayo ni Liam habang nakaalalay sa mga binti ni Aliya habang pasan pasan sya paakyat ng matarik na kagubatan ng Santa Cecilia

Tumahimik na lang si Aliya habang kapit na kapit sa leeg ni Liam habang siya ay pasan pasan nito..

"Bakit ganto ang nararamdaman ko sayo? Pakiramdam ko di mo ako pababayaan? Ano ba ito? Tila isang malamig na hangin ang dumapo sa akin at pakiramdam ko nasa ligtas akong kamay kapag kasama ka?" sobrang daming katanungan ang gumugulo sa isipan ni Aliya habang komportable syang nakahawak sa leeg ni Liam at nakapatong ang kanyang mukha sa balikat nito habang siya ay pasan pasan nito

===================================

Next: Chapter 23







Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now