CHAPTER 20

4.8K 108 8
                                    

PUMAPASOK pa lamang siya sa parking area
ng ospital ay natatanaw na niya ang sasakyan
ng mga news team ng iba't ibang radio and
television stations. Reporters and cameramen were everywhere.

May palagay siyang ang lahat ng security force
ay nasa labas upang awatin ang media sa pagpasok sa ospital. Lumakad siya patungo sa main entrance upang pumasok sa ospital. Isang security guard ang agad na humarang sa kanya.

"G-gusto kong dalawin ang... ang... si Charles.
I'm a... friend.."

"Siyempre," sarkastiko at nakangising sabi
ng guwardiya. Umiiling. Tumaas ang tingin sa
mga taong nakaabang. "Mga kaibigan ding lahat ni Mr. Montalban ang mga iyan. I'm sorry, Miss. Walang pinahihintulutang makapanhik sa silid ni Mr. Montalban."

"But-"

"Let her in."

Pareho silang napatingin sa pinanggalingan ng
tinig, Si Perry del Mundo na nasa entrada ng ospital. Nabuhayan siya ng pag-asa at tumakbo patungo rito.

Perry's face was grim as he gazed down at her. "I want to be angry with you. It was you who caused his accident. But I know you are someone special for Charles. Sa anim na taong pinagsamahan namin, wala akong natatandaang babaeng lumigalig
sa kanya."

She was confused. Gusto niyang itanong si Maria Consuelo. Subalit hindi iyon makapangibabaw sa pag-aalalang nararamdaman niya. "W-where is he?
Kumusta na siya?"

Inakay siya nito patungo sa elevator. "He was
out of danger. Nagkamalay na siya three hours agonayon kay Mr. Marcus at inilabas na sa ICU. Akonat ang mga kasama ko ang kumuha sa kanya sa Wreck. It was your name he spoke before he lost consciousness."

Inilagay niya sa bibig niya ang kamay upang
pigilin ang paghikbi. Umusal ng panalangin ng
pasasalamat sa isip. The door opened to his fioor.

May mga security kahit sa coridor.

Huminto sila sa isang nakasarang pinto. "lto
ang silid ng pamilya. Nariyan sila sa loob." Nilingannito ang kabilang silid. "Nasa kabila si Charles. But you can talk to his father first if it is possible to see the patient." Pinihit nito ang seradura at itinulak ang pinto.

Atubiling pumasok si Angeli. Nasa kama si
Robbie at naglalaro katabi ang ina. Si Marcus ay sinalubong siya.

"Angeli, hija... I was about to summon you."

"K-kumusta na siya, Tito Marcus?" Iniwasan
niyang makasalubong ang mga mata ni Maria
Consuelo. She felt so guilty. Sa pagkakaaksidente ni Charles at sa nangyari bago ito maaksidente.

"Pumutok ang balloon na dapat ay magsanggalang sa kanya. Tumama ang ulo niya sa kung saan nang mahulog ang sasakyan. Ayon sa mga doktor ay walang internal damages. Marahil ay napigil ng balloon ang malaking pinsalangnmaaaring mangyari bago tuloyang sumabog iyon.
There are few bruises and fractured ribs. Tumama sa manibela. But the doctors said everything would heal in a couple of weeks' time..."

Relief made her weak. Tuloyan siyang napaiyak. Inabutan siya ni Maria Consuelo ng panyo.nThere was understanding in her lovely face. Nagpapasalamat niyang tinanggap iyon.
She sniffed her guilt and embarrassment.

"I'm sorry..." Now that Charles was out of
danger, walang dahilan upang magtagal siya roon. "G-gusto kong itawag kay Mommy na ligtas na siya."

"Ako na ang tatawag sa kanya, hija," ani
Marcus, a faint smile on his face.

"Nakakahiyang hindi ko kaagad naibalita sa kanya. We were so worried at hindi namin agad naisip na tawagan ang mommy mo."

"But-"

"Nagising si Charles kanina, tinawag niya ang
pangalan mo. Natitiyak kong sa susunod siyangnmagkamalay ay gusto niyang ikaw ang unang makita."

"I'd rather not, Tito Marcus. I-it was my fault
that he... he fell into that cliff and-"

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now