Bakit hindi nagpaalam sa kanya si Charles na
aalis? Kung umalis ito, one thing was sure-hindi ito nakipagbalikan kay Cathy para lang iwan din. Unless both agreed on a long distance love affair.

But she would learn later na kahit si Cathy ay hindi alam ang pag-alis nito. Na hindi ito
nakipagbalikan dito.

And what about her? Wala ba silang pinagsa-
mahan? Didn't she deserve to know what his plans were? Kung mali siya sa hinala niya tungkol dito at kay Cathy, surely then, there must be some bond between them?

Subalit sa nangyari, tila wala siyang halaga rito.

Ang pagkasuklam at hinanakit kay Charles ay
matagal din niyang inalagaan. During college days, silang dalawa ni Anne ay tinaguriang The Playgirl Duo. Wala silang ginawa kundi ang magpalit ng boyfriends.

Lalo na si Anne pagkatapos umalis ni Christian-his family migrated to Australia. Sa loob ng ilang buwan ay effective ang long distance love affair. Hanggang sa parehong magkatamarang magsulatan at magtawagan ng long distance.

Nasa ikatlong taon siya sa kolehiyo nang mag-
stick siya sa isang boyfriend, si Sam-Charles
close friend.

Looking back, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nang ligawan siya ni Sam ay sinagot niya ito. Marahil dahil bago siya nito niligawan ay nabanggit sa kanya ni Sam ang isang postcard na ipinadala dito ni Charles.
Magkasintahan na sila nang hingin niya kay
Sam ang return address ni Charles subalit ayon
dito ay walang return address ang postcard.

Right after college graduation Sam had took
over his parents business, a convenience store
in Trinidad. And then he proposed marriage.
Ang ikalawang pagkakataon mula nang maging magkasintahan sila.

At muli ay tumanggi siya. Hindi pa siya handa
roon.

"When are you going to be ready, Angeli?" he
asked bitterly. "Natitiyak mo bang magiging handa kang pakasal sa akin?"

"A-ano ang ibig mong sabihin, Sam?"

"Sa loob ng isa at kalahating taong magkasintahan tayo ay wala akong natatandaang hindi ka nagtanong o bumanggit ng pangalan ni Charles," wika nito, sadness and anger in his eyes. "Hindi ko miminsang inisip kung kaya mo lang ako sinagot dahil iniisip mong baka sa pamamagitan ko ay magkaroon ka ng balita sa kanya..."

Mangha siyang humarap dito. ""What are you
talking about. I don't understand..."

"Ayokong paniwalaan iyon subalit habang
tumatagal ay nakikita kong walang kahihinatnan
ang relasyon natin. All right, itinaas nito sa ere ang dalawang kamay, you said you love me-though I doubt it now if you really do. You let me kissed you, but that was as far as you allowed me to do. Ganoon pa man, sa tuwing hinahagkan kita may pakiramdam akong nagbibigay ka lang. You don't love me, Angeli!"

"Of course I love you, Sam," kunot-noong
sabi niya.

"Si Charles ang mahal mo, hin'di ba?"

Napasinghap si Angeli. Tila may sumuntok
sa sikmura niya sa sinabing iyon ng kasintahan.
Y-you're wrong, Sam. Saan mo kinuha ang ideyang 'yan-"

"Dammit, aminin mo, Angeli!" he snapped.

"Alama si Cathy nang pagselosan ka niya.
pinagtawanan niya ako noon nang sabihin kong
kakamali siya... na para kayong magkapatid ni
Charles." Buong kapaitang humugot ito ng buntong-hininga. "I should have believed her." Tumayo ito at lumakad patungo sa pintuan.

Gusto niya itong pigilan. Sabihing nagkakamali
ito. Subalit walang tinig na namutawi sa mga labi niya. Nasa pintuan na si Sam nang lingonin siya.

"Nang ligawan kita'y naintriga lang ako kung
ano ang mayroon sa iyo at hindi ka mawalan ng
boyfriend. I thought you were cheap, kayo ni Anne Subalit napatunayan kong hindi and I have learned to love you truly, Angeli," he said sincerely. "And I'm willing to give you my name."

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now