Muli itong humarap, shaking his thigh. His high
energy infected his audience. The younger audience sang and danced with him. The older ones clapping their hands... swaying their bodies on their seats.

Si Anne ay kasabay ng madla sa pagtili. At
bagaman hindi nakikitili si Veronica, Angeli
guessed that her mother would have screamed too had she been ten years younger. Nakikita niya ang excitement at kasiyahan sa mukha ng ina. And that somehow, alleviate a little of her tension.

Muli ay lumakas ang tili ng crowd dahil
sinisimulan na ni Charles na alisin isa-isa ang
butones ng khaki shirt nito, teasing the crowd with glimpses of his flesh.

The crowd screamed, urging him to take off his
shirt. And off he did. Inihagis iyon sa mga tao na hindi malaman kung paano mag-aagawan.

Kung halos lahat ng mga babaeng audience
inaasahan nga na makakakita sila ng isang hubad na katawan ay nagkamali ang mga ito. Sa loob ng shirt ay isa pa uling sleeveless T-shirt na kakulay ng balat.

He grinned, he sang, he danced, he shook his
thighs. The audience just mad about him. Kung paanong ganoon din sa bawat concert na gawin nito sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Two more rock songs followed. What followed
next was a another of his hit. Natahimik ang crowd. It was a Spanish love song. At ang paraan nito ng pagkanta ay tila ba inaabot nito ang puso ng bawat isa... touching... loving.

Bawat babae sa audience, anuman ang edad,
tila nakadarama na ito ang pinatutungkulan ni
Charles ng inaawit. He wove an undeniable magic.

The song was elusive, tender. At dahil kinanta sa Español, ang lengguwaheng pangalawa na sa lahat ng mga Pilipino, nakadagdag iyon sa misteryosong bighani.

"He's... he's-oh, I'm running out of adjectives!"
mahinang bulalas ni Anne, siniko siya.

Hindi kayang umusal ng salita ni Angeli.
Tahimik siyang nakaupo, kinatatakotan niya ang kahit na gumalaw at baka kapag ginawa niya iyon ay malalaman ni Anne, ng mommy niya, ang nadarama niya sa sandaling iyon.

All these years, ngayon lamang lumutang ang
lahat ng damdaming minsan man ay hindi niya inakalang nakatago sa dibdib niya. Seeing Charles again, the pain of losing him that night and the morning after returned, tenfold. Sumisigid ang sakit sa buto niya, until her whole body became one pulsing tormenting ache.

Matapos ang limang sunod-sunod na pag-awit ay nagkaroon ng intermission. Ibang kilalang performers ang humalili.

Unti-unti ang pagpapakawala ng paghinga ni
Angeli. Hindi niya alam kung gaano niya katagal pinigil ang paghinga. Iyon na ang pagkakataon upang tumayo siya at magpaalam na mauna nang umuwi. Kung magtatagal pa siya roon ay natatakot siyang ipagkanulo siya ng sariling damdamin. Hindi niya iyon maaamin sa harap ng ina at ng kaibigan.

"You're unbelievable!" bulong ni Anne sa
kanya. "Para kang tuod. Hindi ko matiyak kung
effect iyan ng pagkamangha o hindi ka nag-i-
enjoy..."

"I am enjoying, Anne," sagot niya. Nagtatakang
nakuha niyang magsalita nang ganoon ka kalmante. "And since-"

"Are you all right, hija?" nag-aalalang tanong
ni Veronica at hinawakan ang kamay niya. "Nanlalamig ka. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?"

Inilahad na ng mommy niya ang mismong gusto niyang gawin. Subalit agad ang pag-ahon ng guilt sa dibdib niya nang titigan ang ina.

Veronica was enjoying. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang nasiyahan ang ina. She even sang with the audience, nakisabay sa pag-awit ni Charles. At nakapagtatakang alam nitong sundan ang Spanish lovesong na kinanta ni Charles.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now