[17] Totoo ang lahat!

Start from the beginning
                                    

"Yo faggot!"

"Pwede ba, wag mo akong mayo-yo dyan! Ang aga-aga binubwiset mo ako!" ibinalik ko ang aking headphones at hindi siya pinansin. Nagulat ako ng bigla nyang hablutin ang aking headphones at itapon sa basurahan na nasa tabi ng isang couch sa di kalayuan.

"Shoot! 3 points!" natutuwa pa siyang pumalakpak habang tinatanaw ang aking headphones na nasa basurahan.

"What the fcuk is up with you? Bakit ba lagi mo na lang akong pinapakielaman! Why do you always butt into my business. Mind your own business pwede ba!" hinawakan ko siya sa magkabilang kwelyo ng kanyang uniform at galit na galit kong inilapit ang mukah ko sa mukha niya. Wala akong pakielam kung babae siya. Bwiset na bwiset na ako sa pakikielam nya sa buhay ko.

"Oh, what? Are you going to kiss me? Are you going to hurt me? Oh my god i'm scared! Someone saved me!" kunwari ay natatakot siya. The heck? parang hindi siya natatakot sa ginawa kong paglapit sa mukha niya, mukhang natutuwa pa nga siya. This crap! >_<

Hindi nagtagal ay pinakawalan ko siya dahil mukhang hindi rin naman siya natatakot. Pupunta na sana ako sa may basurahan upang kuhanin ang aking headphones na tinapon niya kaya lang hinarang niya ang kanyang isang braso.

Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian nya lang ako. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin kasi tinutulungan kita. Hindi yung ako pa ang pinagbubuntunan mo ng galit."

"Ano ba talagang gusto mo?"

 

 

"Simple lang naman eh. Wag kang magpakatanga. Alam mo bang mas nabi-bwiset ako pagnakikita ko kayong dalawa na nakikipagplastikan? Nakaka-irita pero at the same time nakakatuwang panuurin kung paano ang dalawang mag-kaibigan ay nag-aaway para sa isang babae." manghang-mangha niyang sabi. "At saka alam mo bang dapat gumagawa ka na ng galaw ngayon dahil baka pagpinagpabukas mo pa ay sumuko na pati ang kapatid mo.."

Just Can't SayWhere stories live. Discover now