Nagkibit balikat sya at tumingin sa paligid, saka medyo nilapit ang sarili sakin.


"May narinig kasi akong usapan kanina ng mga ibang employees, mukhang narito na ata yung anak ng may-ari dahil may mga nakakita sa kanya, ang ganda daw nya. " mahinang bulong nya.

"Maganda man or hindi, anak pa din ng may ari ng hotel iyon, saka hindi ba sila makapag hintay na makilala ang anak ng may-ari?. " saad ko at umiiling pa.

Bahagyang lumayo na ito at muling nag kibit balikat.


"Ewan ko, parang na excite din kasi ako na makita at makilala sya, sa tingin mo strict ba sya or mabait?. "  nang huhulang tanong nya.

"Tsk! Hindi pa nga natin nakikilala gusto mo na agad husgahan natin?. "  muli kong page susungit sa kanya.


"Haysttt.. Ano ba bro, umamin ka nga, red day mo ba ngayon? Ang sungit mo ang aga-aga tsss.. "  pikon nyang saad.

Muli ko sanang sisikuhin sya ng mabilis syang lumayo sakin at saktong may umakbay naman saming dalawa.


"Good morning bro."  Bating saad ni Noah.

"Ako good pero yang isa, naku wag mo nang asahan na good dahil nag susungit na naman, may regla ata yan ngayon kaya umiwas ka baka malamog dibdib mo kakasiko nyan. " patuloy na pag daldal ni Felix.

"Huh? Regla? Ano pinag sasabi ni Felix, Cal?. "  clueless na tanong ni Noah.


"Mabuti pang bilisan natin para mag palit ng uniform, anytime tatawagin na tayo para mag tipon-tipon. "  saad ko nalang at naunang nag lakad na.




AKIRA POV



Kabadong paikot-ikot ako dito sa bagong opisina ko, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang maraming mga dagang nag hahabulan.



Inikot ko ang opisina ko, hindi tulad ng dating opisina ko, may kalakihan at naayon sa gusto kong design. Hindi ko alam kung bakit ako pinayagan mag trabaho ng parents ko dito sa hotel nila, samantalang noong nakapag tapos ako hindi sila pumayag na mag trabaho ako sa isa sa hotel or ng company, kahit hindi aminin sakin alam kong wala silang tiwala sakin, kaya nag hanap ako ng ibang mapag tatrabahohan na ibang kompanya, noong una inakala ko sa sariling sikap ko kaya may kompanyang mabilis akong tinanggap hindi ko inakala na isa sa may nag mamay-ari ng pinag tatrabahohan ko ay pag mamay-ari ng pamilya nila Cyrus, kaya pala may sarili akong opisina at may magandang position agad ako, noong una halos sumabog ako sa galit dahil pakiramdam ko nawalan ako ng kumpyansa sa sarili ko,  na kaya kong patunayan sa parents ko na makakapag trabaho ako sa mga malalaking kumpanya. Pero sa huli tinanggap ko nalang ang kapalaran ko.


Alam ko sa pag tatrabaho ko dito, ito ang umpisa ng totoong kalbaryo ko, hindi ko alam kung ano ang iniisip sakin ng parents ko or maging ang mga makakasama ko sa trabaho, alam ko naman at tanggap ko na mababa lang ang tingin sakin ng parents ko, kaya sa sa mahigit tatlong taon kong pag tatrabaho bumili ako ng maliit na unit sa condo na para sakin, dahil gusto kong masanay na mag isa nalang at hindi na umaasa sa parents ko. Ayokong dumating ang araw na makakatanggap ako ng mga salitang alam kong masasaktan lang ako, minsan hindi na ako umuuwi sa bahay dahil alam ko din naman na wala pa din mag babago, si yaya pa lang ang nakakaalam na may sarili na akong condo unit, noong una na lungkot ito, pero sa huli tinanggap dahil alam nya ang pangungulila ko sa parents ko.



Tok! Tok! Tok!



Halos mapatalon pa ako sa gulat ng may kumatok sa pinto ng opsina ko.


"Come in!" Saad ko.


Bumukas ang pinto at may pumasok na medyo may edad nang babae, ito marahil ang secretary ko dito. Dahil sa pananamit pa lang nya at sa hawak na tablet.


"Good morning sir, ako si Hannah Falcon, ang iyong secretary. "  magalang na pag papakilala nya.



"Good morning din. "  may ngiting bati ko.



"Nasa conference room na po ang mga employees at nag hihintay na sa inyo para makilala kayo. "  saad nito.


"Okay, please show me the way. "  saad ko.



"Follow me sir."  Saad nito at nag lakad na.


Nag buga muna ako ng malalim na hininga at nag umpisa na din sundan ang secretary ko, ito na ang umpisa ng lahat.


Habang nag lalakad kami isa-isa kong pinag-mamasdan ang mga madadaanan ko para makabisado ko na ang lahat.


Tumigil ang secretary ko sa tapad ng glass door, magalang nitong binuksan ang pinto para sakin, at nag bow pa ito bilang pag aanyaya sakin na pumasok na, pinatili ko ang seryosong mukha ko na pumasok, pag lingon ko sa lahat ng employees sabay sabay silang nag bow sakin.



"Welcome Sir, Akira Denzel Daven!"  Mag kakasabay nilang welcome sakin.



Ngumiti ako sa kanilang lahat at saka tumango.



"Maraming salamat sa mainit na pag welcomed sakin. " 



"Kinagagalak po namin kayong makilala at makasama sa trabaho dito sa hotel, umaasa kami sa inyong pamamalakad ng hotel. "  saad ng isa sa employee.



"Salamat, inagagalak ko din kayong makilala lahat at umaasa din ako sa inyo na pag butihan natin lahat ang pikikisama sa isa't-isa at lalong-lalo na sa mga trabaho natin, Ako mga pala si Akira Denzel Daven ang bagong Executive Housekeeper."  May ngiting pakikipag kilala ko sa kanila.



"Thank you. " pasasalamat ko ng ibigay sakin ng  secretary ko ang folders.


"Nasa folders po ang lahat ng information na kakailanganin na malaman. " saad ng secretary ko.



Tumango ako at isa-isa kong binasa at ang mga nasa mga kanya kanyang position ng mga employees na nasa loob ng conference room.



"Oh my gosh, it's you!!"










I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now