Four Disaster - Prologue

8 0 0
                                        

Prologue

Nakaupo lang si Melanie sa bench ng sikat na park sa kanila. Naroon sya sa isang lake park sa isang lugar sa Baras. Hindi sya madalas sa lugar na iyon pero doon sila madalas magpunta ng nobyo nya.

Ipinaligid nya ang mata nya sa buong paligid at nakakatuwang panoorin ang mga taong naglalakad kasabay ng takip-silim. Ilang minuto nalang ay lulubog na ang araw at dahil doon ay mas lalong nararamdaman nya ang lungkot.

Ang magaling nyang nobyo ay iniwan na sya dahil lang hindi nya maibigay ang gusto nito. Mabuti nalang at nakipaghiwalay na ito sa kanya ngayon palang dahil wala na syang pagsisisihan kapag mas tumagal pa ang relasyon nilang dalawa at kapag ibinigay na nya ang gusto nito.

Habang naglalakad ang mga tao ay sya ring pagpatak ng luha ni Melanie. Gustohin man nyang magwala ngayon doon pero wala naman syang ibang magagawa dahil ginusto nya din naman ang bagay na iyon.

Tumayo sya sa bench na kinauupuan nya at nagpunta sa may side walk ng park at dahan-dahang naglakad.

Hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng paa nya pero alam nyang hindi naman sya dapat mag-alala dahil wala namang nangyayaring masama sa lugar na iyon kapag kasama nya ang nobyo nya noon.

Pagdating nya sa may bandang dulo ng lawa ay nakita nya ang tubig doon. Hindi mo makita ang ilalim nito, tandang malalim ito.

Mabilis syang umalis sa tabi ng lawa dahil nararamdaman nyang naiiyak nanaman sya. Pinunasan nya ang luha nya gamit ang kamay nya at pilit na pinapatigil ang sarili nya sa pag-iyak pero hindi talaga matigil ang luha nya ngayon. Tila nag-uunahan ang mga ito at parang ayaw pang tumigil.

Bawat sandali na kasama nya ang kasintahan nya noon ay bumabalik sa ala-ala nya ngayon. Lahat ng pagsabi nitong Iloveyou. Lahat ng Imissyou.

Lahat ng mga magagandang bagay na ipinaramdam at ipinaranas nito sa kanya ay naaalala nya lahat. Kung tutuosin ay hindi naman ito naging masamang kasintahan. Nagiging ganito lang ito kapag hindi nasusunod ang gusto.

Nasa ganong posisyon si Melanie ng bigla nalang may mag-abot sa kanya ng panyo. Kaagad nyang itinaas ang paningin nya sa taong nag-aalok sa kanya nito at biglang natulala dahil sa gwapo at kakisigan ng lalaking ito.

Tinanggap iyon ni Melanie at kaagad pinunasan ang luha nya. Ayaw nya talagang may nakakakita sa kanya kapag umiiyak sya.

"Are you okay, miss?" Tanong ng lalaki.

"I'm fine. Thanks." Sabi ni Melanie at inaabot sa lalaki ang panyo nito.

"No, you can keep it." Tanggi ng lalaki. Sumama naman ang muhka ni Melanie.

"Kuya, wala naman akong sakit sa balat. Luha lang naman ang pinunasan ko." Nakangusong sabi ni Melanie. Mahina namang natawa ang lalaki.

"You should keep it. Muhka kasing kailangang-kailangan mo yan." Sabi pa nung lalaki. Kinagat naman ni Melanie ang labi nya para pigilan ang sarili nyang mapangiti.

"S-Sige. Sabi mo, eh." Sabi ni Melanie at pinigilan ang kilig nya. Naupo ang lalaki sa tabi nya at marahan namang umusog papalayo si Melanie.

"I always see you here with your boyfriend." Panimula nito. Dahil doon ay muling sumama ang timpla nya. Parang maiyak nanaman tuloy sya. "Bakit wala sya ngayon kasama mo?" Tanong pa nito.

Four DisasterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora