Dahan-dahan ko siya nilingon. "Alam kong maging okay din ako. Maging okay din ang lahat, hindi pa sa ngayon, pero soon. Tsaka kapag pinapanuod ko mga movies mo nakakalimutan ko mga problema. Malaking tulong na 'yon para i-comfort ako, at salamat do'n." Pinipilit ko ang sarili na ngumiti.

Tumango siya at alam kong ni-respeto niya ang decision ko. "Napaka-strong and independent mo. Humanga ako sa 'yo." Dahan-dahan niya hinaplos ang likod ko. "Basta kung kailangan mo ng malapitan, nandito lang ako." Ngumiti siya.

Mayamaya ay dahan-dahan na akong tumayo. "Tian, kailangan ko na pala umalis dahil ilang oras nalang magsisimula na ang klase." Pagpaalam ko at naintindihan naman niya 'yon. "Salamat sa pag-uusap nating ito..." tugon ko at tumango naman siya kaya umalis na ako.


Payapa akong naglalakad ngayon papunta sa Arts & Design Building 1 kung sa'n mahahanap ang classroom namin. Kanina ko pa tinitignan mga pictures namin ni Tian at talagang kinikilig pa rin ako habang zino-zoom ang mga ito.

Dahil sa kakatingin ko ng pictures ay hindi ko na napansin ang daanan, at bigla nalang ako nakabangga. Hindi ko muna tinignan kung sino ang nabangga ko dahil agad akong umupo para pulutin ang nahulog niyang printed picture dahil kasalanan kong nabangga siya.

Hindi ko akalaing uupo din siya para pulutin ang picture niya at hindi sinadyang nagkahaplos ang aming mga kamay dahil sa sabay naming paghawak sa picture. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napanganga ako nang makitang kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.

Natulala ako para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makapagsalita at makakilos dahil sa taglay niyang kagwapohan at napakalakas na karisma. Habang pariho naming hawak ang picture ay dahan-dahan siyang tumayo kaya ganon na din ako.

Nanatili pa rin ako nakatitig sa kalmado at maamo niyang mga mata. Grabe, para siyang prince o mga fictional men sa stories at comics.


Itinigil ko na ang pagkatulala at nagsalita. "S-Sorry, hindi ko sinadyang mabangga ka, nahulog tuloy ang picture mo..." tinignan ko ang pariho naming hawak na picture at picture ito ng isang batang lalaki.

Napapakunot-noo ako dahil habang tumatagal ang pagtitig ko sa picture ay parang namumukhaan ko ang bata. Maigi kong inaalala kung saan ko nakita ang batang ito. Hanggang sa nanlaki na nga ang mga mata ko dahil sigurado akong si Tian Martell ito nong bata pa siya.

Agad kong hinablot sa kamay niya ang picture. "Bakit meron ka nito?" Diretsong tanong ko. "Dahil fan din niya ako." Kalmado siyang sumagot.


Nagdududa pa rin ako sa kanya kaya nagsalubong na ang mga kilay ko. "Oo sabihin nating fan ka nga ni Tian at naniwala ako do'n. Pero bakit meron ka nitong picture na hindi nahanap ng mga fans niya dati? At mukhang pati nga si Tian ay wala nito." Naging malalim ang tingin ko sa kanya.

Binawi niya sa 'kin ang picture. "Baka mas magaling lang talaga ako maghanap sa inyo." Kunot na ang noo niya. "And I don't talk to strangers, I have my privacy to keep on." Nagsimula na siyang lumakad.

Tinignan ko siyang nakalayo na at napanganga ako sa sobrang gulat nang biglang nilapitan siya ng maraming students na naghihiyawan. "Haku, pwede magpa-picture...?" Tanong ng mga ito habang nag iingay sa kilig.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now