Mas interesado ang mayayamang customers
niya sa tsismis at iskandalo ng kapwa nila
mayayaman. Kung sino ang mistress ni ganito at ni ganoon. Kung kaninong negosyo ang nalugi at umunlad. O di kaya ay gayahin ang buhok ni ganto at ni ganoong celebrity.

Celebrity, pagdiriin niya, sa modernong panahon. Like Kim Basinger's or Princess Diana na ang buhok ay ginagaya ng lahat. Hindi ni Beethoven.

Ang tanging magagawa ng mga musika ng mga ito ay ang pumailanlang sa loob ng malaking shop niya. Centralized ang music-soft and classy. But she would rather have jazz music.

So, ano ang layonin ng tina-tackle ni Miss
Amore? At bakit kailangan pang i-discuss sa klase iyong mga namayapa na?
Let the dead rest in peace, for goodness sake!

And here was another one she couldn't comprehend; Algebra. Math. Trigo. In short figures.

Kung buhay pa si Diophantus, malamang ay
na-assassinate na ito ng mga taong katulad niya. Aba, maraming beses siya nitong binigyan ng sakit ng ulo, as in literal na sakit ng ulo, sa hindi niya maintindihang mga problem solving.

At ano ang gagawin ng Algebra sa buhay
niya? Hindi naman siya maloloko, lalo pagdating sa kuwentahan ng pera. Besides, most of her problems were guys. Kung paano itataboy ang mga manliligaw nang hindi sasama ang loob sa kánya. Natatakot siyang pagkatapos niyang despatsahin ang mga ito ay baka abangan siya sa paglabas ng klase at kidnapin.

Maso-solve ba iyon ng to-the-tenth-power
what-so-ever?
She flared her nose. Definitely not!

Muli ay sinulyapan ni Angeli ang wristwatch.
Ten more minutes and I'm out of here!

Kating-kati na ang kamay niya na galawin ang
pager. Hindi niya alam kung pumasok si Brent, at ni hindi man lang ito nag-page sa kanya ngayong umaga.

"So, I want you to listen very carefully to this
excerpt of Beethoven's Ninth Symphony," ani Miss Amore. May isinalang itong tape sa cassette player na nasa ibabaw ng mesa nito.
She rolled her eyes and gritted her teeth.

Talagang sasagarin ni Miss Amore ang bawat
segundong natitira sa klase nito.
Napapitlag si Angeli nang maramdaman ang
pag-vibrate ng pager sa bulsa ng kanyang palda.

Sinamantala niya ang pagkakataon habang
nakapikit na pinakikinggan ni Miss Amore ang
isinalang nitong tape. Kinuha niya sa bulsa ang pager at ipinasok sa bag na nakapatong sa kanyang armrest. Mula sa loob niyon ay binuksan niya ang message.

Thank, god. Galing kay Brent ang message
Napatingin muna siya kay Miss Amore bago binasa iyon. Safe.

"Hey, doll, sorry hindi ako nakapasok. My
tummy aches so bad, how I wish you're here. I 'l try to call you when you get home. Love you!"

Brent was her boyfriend. They were SICs
popular couple. At alam ni Angeli na hanggang sa sandaling iyon ay marami pa ring girls ang nainggit na siya ang naging girlfriend ni Brent.
Why, Brent was the most popular guy campus; basketball star, last year's JS King Of The
Night. Bukod pa sa pagiging Phil-Am nito, na talaga namang super cute pakinggan sa lahat ng mga girls ang namimilipit nitong Tagalog.

Oh, well, sorry na lang sila. Siya ang type ni
Brent. At hindi naman ito lugi sa kanya. Popular na siya bago pa ito dumating sa SIC.

"Oh, may sakit ang 'doll' ko!" paungol niyang
bulong kay Anne, habang ibinabalik sa bulsa ang pager. Doll-iyon ang tawagan nila sa isa't isa.

"Miss Hererra?" Dumagundong ang tinig na
iyon sa buong klase.

Patay! Noon lang niya napansin na nakahinto
na pala sa pagtugtog ang nakasalang na tape.
Awtomatiko siyang napatayo.

"What... was the question, Ma'am?" Dalangin
niyang sana ay hindi siya nahuli nito.

"Wala pa akong tanong, Miss Hererra." Tinig pa
lang ay gusto nang manlambot ang mga tuhod ni Angeli. "Now, here's the question. How Beethoven was able to compose this symphony, despite the fact that he was deaf?" She gave her a quizzical look.

A heavy silence fell the room. Maririnig kahit
na may bumagsak na karayom.

How nga ba? She swallowed an imaginary lump on her throat.

"We're waiting, Miss Hererra," ani Miss Amore
na sa mukha ay kinakikitaan na ng pagkainip. She was tapping her foot lightly on the stone flooring.

She faced the whole class. Gave them her
famous asset-her Mona Lisa smile. "Uhm...
well, I believe that Sir Beethoven was born to be a musician. And that God, gave him that special gift despite the fact that he was deaf..." She paused dramaticaly for effect and again, to smile.

Then she continued. "And I also believe that
every one of us has our own gift, given by God, and it's just waiting to be discovered. That's all, ma'am."

Hindi napigilan ng mga classmate niya na
magpalakpakan sa kanyang sagot. Alin na lang sa dalawa? Tama ang sagot niya o kakampi niya ang buong klase?

"Thank you... thank you," aniya habang panay
ang bow-left and right-at wave ng kamay na tila candidate sa Miss Universe.

"Kalokohan!" anang tinig na pumaibabaw sa
gitna ng mga cheering.

What? Sandaling nahinto si Angeli. Sa kanya
ba ipinatutukoy iyon? Mabilis siyang lumingon
sa likuran.

There was an awed hush in the classroom.
At lahat, pati na si Miss Amore ay napalingon sa likurang row.

"Mr. Montalban," anang guro, smiling sweetly
at Charles. "Enlighten us, please."

"Beethoven wasn't born deaf," ani Charles Montalban, ni hindi man lang tumatayo sa
pagkakaupo. Long, sinewy legs in faded (sobra pa sa faded) blue jeans stretched in front of him, "so he knew what notes and instruments sounded like. At tulad din ng iba pang mga composers, kinakabisado nila sa isipan ang tunog ng bawat mga nota-before they wrote it down. Also, he would put his head on the piano when he played. Kabisado na niya kung ano ang bawat nota sa pamamagitan ng mga vibrations."

Napataas ang isang kilay ni Miss Amore. Nasa
mukha ang kasiyahan. "Very good, Mr. Montalban! Very good. You got an additional five points in your card."

Iyon lang at bumalik na ito sa table. Tinanggal sa pagkaka-plug ang cassette player. Ibig sabihin ay tapos na ang klase. "Test on Monday," anunsiyo nito bago walang-lingong lumabas ng classroom.

And that was that. Naiwang nakatayo pa rin si
Angeli. "I don't belive this!" She raised her hands in the air. Pagkatapos ay napaupo siya.

Anne gave her a round-eyed look of sympathy.
Kalokohan. Umuulit sa kanyang isipan ang
sinabing iyon ni Charles.

That Jerk! Pinahiya niya ako. And in front of
the whole class, aniya sa sarili habang umaahon ang pagkamuhi rito.

Nilingon niya ito. Deretso ang tingin nito
sa kawalan. He was tapping his pen against his
notebook. Puno ng kompiyansa sa sarili. At bago ito tumayo ay humarap ito sa kanya. Kahit naka-shades ito ay alam niyang sa kanya nakatingin.

He grinned mockingly. At pagkatapos ay isang
salute ang ibinigay sa kanya bago ito lumabas ng classroom.

She won't forget this. Never ever!

SWEETHEART 12: Charles' AngelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora