Chapter 39 : The Truth

8.3K 214 5
                                    


Madison's POV--

I open my eyes when I felt no pain. Nagulat ako nung makita kong nakabulagta na yung lalaking babaril sa akin sa sahig. Inilipat ko ang tingin ko.

Oh, kaya pala. May isang lalaking nakangisi ngayon sa harapan ko.

"Bakit ka nakangiti? Wag mong sabihin na masaya kang babarilin niya ako."

"No. I felt angry with that. But somehow, I want to thank him for calling you Mrs. Lancaster." Yeah, he's Michael Bryle Lancaster.

"Tsk. Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na. Feeling ko mga nasa 30's na ako."

"Hahaha!"

"Tumigil ka nga! Bakit ka nandito?"

"Let's say, I know what's running in your mind," he smirked.

"So alam mo yung plano ko?"

"Yeah. That's why I'm here. I can't let you fight alone."

Nailang tuloy ako. Alam niya pala plano ko kahit sinabi kong hindi ako sasama rito. I felt guilty.

"I'm sorry. ._."

"*chuckles* It's ok."

"Nga pala Bryle, may kasama ako pero hindi ko siya kilala. Nakamask siya eh."

"Hmm, I know her. Come on."

Pinuntahan namin yung room kung nasaan sina daddy. Pero nasa pinto pa lang kami, nakita kong nandun na yung si Ate mysterious... pati si Mr. Griffin, kasama sina Dad na nakagapos.

"Hayop ka Griffin! Bakit mo ba to ginagawa?! Walang silang kasalanan sa pagbagsak ng kompanya mo at pagkamatay ng asawa mo!" Wait. I know that voice...

Lumingon ako nung naramdaman kong may kumuhit sa akin. "Wait here. Lilipat lang ako dun sa kabila, may gagawin ako," bulong niya sa akin. I just nodded.

"Sinungaling! Pinatay nila ang mahal kong asawa. Walang awa nilang pinatay ang asawa ko! Nagmakaawa siya sa kanila ngunit hindi nila pinakinggan! At hindi pa sila nakuntento non, pati ang kompanyang pinaghirapan naming palaguin ng ilang taon bigla nilang pinabagsak. Ngayon, sabihin mong wala silang kasalanan."

"Mali ka ng inaakala!" Ngayon ko lang napansin, may tama pala ng baril si Ate sa binti.

Lumingon ako ulit when I felt someone blows my right ear.





Teka, kung hindi ako nagkakamali, siya si Angelo(Chapter 2). Anong ginagawa niya rito?

"Angelo."

"Long time no see, babe," and he smirked. Hinawakan niya ang kanang braso ko at kinaladkad papunta sa gitna ng kwarto, kung nasaan sina Ate at Mr. Griffin. Nagulat naman sina Dad, na mas lalong nagpumiglas sa pagkakagapos, at si Ate. "M-madi." Narinig ko na naman ang boses niya. Hindi nga ako nagkakamali...

"Hey, Dad. Look who I've found, my love my life."



-,-

o.o

"D-dad?"

"You heard it right, babe."

"Angelo, she's Daniella Miller, isa sa mga anak ni Daniel Miller," sabi nung Mr. Griffin na tatay niya pala.

"I know. Alam kong galit ka sa pamilya nila. Pero ipaubaya mo na sa akin tong si Daniella, pwede ba?"

"Sure."

"T-teka-aw!" Magrereklamo pa sana si ate ngunit binaril lang siya ni Mr. Griffin sa kaliwang braso. Tsk.

Nalipat ang atensyon ko kay Angelo ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. "Akin ka lang. *smirk*"

Uhh, yuck?



Palapit siya ng palapit sa akin.. Kyahh!! Nasaan na ba si Bryle?!

Wahh! Konti na lang!

"BRYLE!"

*bang*

Nakahinga ako ng maluwag ng napaupo siya sa sakit hanggang sa mawalan ng malay. Patay na kaya siya?

"Angelo!" sigaw nung tatay niya at tumakbo papunta sa kanya.

Sinamaan ko naman ng tingin si Bryle. Kung hindi ko pa tinawag pangalan niya, hindi niya rin ako ililigtas? Tsk. At tignan niyo ba naman pinagtawan lang ako. Tss.

"Mga anak!" si Dad yun. Tinanggal na ni Bryle ang mga nakatali sa kanila.

Tumakbo naman ako papunta kay Ate. "Ate Dani!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Tama, siya si Ate ko. Danishiel Nicole Miller.

"Madison..." Tinanggal niya ang suot niyang Mask. "Ate, akala namin patay ka na."

"No. Pinalabas ko lang yon dahil may kailangan akong tapusin na misyon, ang misyon na iligtas ang pamilya natin. Hindi ko naman inakala na madadamay ka rito at ikaw pa pala ang magliligtas sa pamilya natin." Niyakap ko ulit siya.





"Wala talaga kayong awa! Pati anak ko dinamay niyo!" ay hindi pa pala tapos.

"Ikaw ang wala awa! Binigyan mo ng banta ang pamilya namin ilang taon na rin! Gaya ng sinabi ko, mali ka ng inaakala. Hindi sina Dad o ang mafia group nila ang pumatay sa asawa mo. Hindi rin ang pamilya namin ang nagpabagsak sa kompanya niyo...







...Kundi ang panganay na anak mo. Pinalabas niya na ang Mafia nina Dad ang pumatay sa asawa mo. Pinalabas niya na ang pamilya namin ang nagpabagsak sa kompanya niyo."

"H-hindi totoo yan..."



*bogsh*

Biglang bumukas ang pinto. Sina Alex yun ah. At may kasama rin silang isa pang lalaki na hawak hawak nila. May pagkakahawig sila ni Angelo, wafu rin.

"I heard that," sabi ni Bryle. Hmm? Mind reader?







"Boss! Nandito na yung isa pang pinapahanap niyo. Yandro Griffin. Panganay na anak ni Yofiel Griffin."

Ah siya pala.



"Y-yandro."

"Hello, Dad," sabay ngiti niya pa.

"Paano mo nagawa yon?"

"It's simply because, I want you to die."

Grabe ha.

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Alex at bumunot ng baril sa bulsa niya. Tsk.

"Wag mong gawin yan. Tatay mo pa rin siya," sabat ko.

"Wag kang makialam rito!"

"At bakit hindi?!" Nagulat siya sa pagsigaw ko. Bwisit kasi. Itinutok niya sa akin ang baril kaya tinutukan ko rin siya. Paunahan na lang.



*bang*



O.O



Nagulat kami na ang sarili niyang tatay ang mismong bumaril sa kanya.







*************************


Gangster + Mafia Boss = Love ? (EDITING for better story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon