chapter one

13 2 0
                                    

VINCI

"Vinci! Nagreview ka ba?" Aba ayos to ah? Kakarating ko lang, yan na naman ang tanong?

"Hindi kita marinig. Nakamute ka ata?" pagbibiro ko.

"Bwiset ka. Hahahaha. Anyways, may pinaphotocopy na activity. Kunin mo nalang kay pres." sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Bilang isang nursing student, hindi na bago sa amin ang may exam every week. Hindi lang exam, pero marami ring mga requirements na dapat ipasa on time.

Dahil nga second semester na, magdduty na kami sa hospital. Every Thursdays and Fridays lang naman. Tapos klase for the rest of the week pero next month pa naman.

Dahil nga nasabi ng isang kaklase ko kanina kung nagreview na ako, eto na ang ginagawa ko ngayon.

"Vinci! May practice daw ng basketball mamaya for incoming intrams." Sabi ni Jeromy, pero ang itawag nalang daw sakanya, Jiro. Kaibigan at kasama ko siya sa basketball team, at ng isa ko pang kaibigan na si Marcus.

"Pagkatapos agad ng class?" tanong ko. Tumango naman siya at bumalik sa pagre-review.

Natapos na ang klase ko ngayong araw, kahit 2 pm pa lang. Nagpunta naman na kami agad nina Jiro at Marcus sa court at nadatnan na namin ang mga kasama naming higher years.

First year pa lamang noon ay sumali na ako. Well, marunong din naman ako magbasketball. Dito ko na rin naging kaibigan sina Jiro.

"Narito na ang future mvp!" biro ng mga kuya namin. Umiling na lang ako.

Dati, akala ko makakaabala sa akin ang pagbbasketball, lalo na at nursing student ako. Pero kaya ko namang iprioritize ang mga kailangang gawin. Sinabihan pa ako ni Mom na baka hindi ako makapagfocus sa studies ko, pero sinigurado kong hindi ko iyon pababayaan.

Other than basketball, kaya ko ring maggitara.. at kumanta. Pero walang nakakaalam ng mga iyon, bukod sa family ko. Hahaha.

Nagmeeting na muna ang aming team, at nagpractice ng isang oras mahigit. Three weeks from now, intrams na.

"Vin! Kain muna tayo street foods!" pagaaya ni Marcus. Dahil gutom na rin naman ako, gusto ko na ring magmeryenda.

"Kumusta pala exam kanina?" tanong ko sakanilang dalawa ni Jiro.

"Muntik ko nang di masagutan lahat, Hahahaha." natatawang sabi ni Jiro.

"Kaya nga. Pero buti na lang nareview ko yun kagabi!" Sabi naman ni Marcus.

Nagkkwentuhan lang kami habang kumakain kami. Thebest pa rin talaga to after practice!

"Wala naman daw tayong practice bukas ano?" tanong ni Marcus.

"Oo. Sa Thursday pa." sagot ko naman.

Bago pa magdilim ang kalangitan ay napagpasyahan na naming umuwi. Commute lang naman kaming tatlo.

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko ang nakatatandang ate ko na nagluluto. Si ate Vanessa.

"Aga mo ata ngayon vinci?" tanong niya.

"Hello ate! Oo, tsaka nagpractice pa kami ng basketball kanina." sabi ko.

"Intrams na ba?"

"Hindi pa naman po. 3 weeks from now pa yung intrams." sabi ko naman.

"O siya, magpalit ka na. Pauwi na rin sina Dad tsaka kain na tayo." Sabi niya kaya pumunta agad ako sa kwarto ko para magpalit.

"Kuya!! Can you help me with this?" Rinig kong sigaw ng aking nakababatang kapatid na si Valentina.

"Wait Val! I'll just change my clothes."

"Sure po!"

Dumeretso agad ako sa kwarto nito at nakitang nakahawak sa laruan niyang nasira ata.

"What happened?"

"Kuya, nahulog ko po that's why it's broken... can you help me fix it po?"

"Alright. But first, let's go downstairs, Mom and Dad are already there so let's eat our dinner first and then we'll fix this. Is that okay?"

"Sure kuya! Thank you!" sabi niya and she kissed me on my cheeks. Ang cute talaga ng baby girl ko.

"Let's go?" Inilahad ko naman ang kamay ko at kinuha niya ito. Bumaba na rin kami at pumunta sa hapagkainan.

"Hi baby girl! How was your school today?" tanong ni Mom kay Val.

"Ayos naman po mom! Tsaka look oh! I have many stars!" Sabi ni Val at ipinakita ang kamay niya kina Mom.

"Nice! That's our baby!" sabi naman ni Dad.

"How about you, son? Kumusta ang student nurse namin?" Tanong ni Dad sa akin.

"Fine naman po dad! As always, class and exams! Hahaha. Tapos nagstart na kami magpractice for intrams." Sabi ko.

"That's nice! Magpahinga agad mamaya ha?" Sabi ni Mom at tumango naman ako.

"Of course, kumusta ang soon to be doctor natin?" Nakakalokong sabi ni Mom na tinutukoy si ate.

"Maa! Nakakapressure! Hahaha. Pero everything's going well naman po." sagot ni ate.

"Si Alex pala? Kailan ulit pupunta dito?" tanong ni Dad. Kuya Alex is ate's Boyfriend.

"Baka bukas daw Dad." Sagot naman ni ate.

What I like about my family is that we are open with each other. Gaya ng pagkumusta nila sa amin, they always feel us at home. They never pressured us or something and that is what I am very grateful for. We can do what we want, but we have to prioritize our studies first.

After ng dinner namin, bumalik na ako sa kwarto ko pagkatapos ko ayusin ang laruan ni Val.

Nakita kong ang daming notifications sa phone ko. Sina Jiro at Marcus lang naman ang laman nito. Hahaha.

Bigla naman silang napatawag sa group chat namin.

"Guys! Laro tayo!" pagaaya ni Marcus.

"Tapos mo na requirements mo?" sabi naman ni Jiro.

"Ako pa? Syempre naman!" sabi ni Marcus. Natawa nalang ako sa dalawa habang naguusap sila.

"Vinci! Arat laro!" sabi nila.

"Kayo na lang muna. Inaantok na ako. Hahaha" sagot ko.

"Okay!! RG tayo ah!" sabi ni Jiro at pagkatapos binaba ang tawag.

Matapos ko mag ayos ay humiga na ako.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit parang mas naexcite ako sa paparating na intrams. O sa isip ko lang yun?

[cut]

enchanted • vinci x kimWhere stories live. Discover now