prologue

30 3 0
                                    

KIM

"Kim!! Gising na!" rinig kong sigaw ng kaibigan ko. Napaunat naman na ako kaagad at bumangon na.

Right, I just transferred to another school.

Sa dati kong skwelahan, 8 pa start ng class ko. But now, napaaga ng isang oras. Kaya mas maaga na ako ngayong gigising.

Nandito nga pala ako sa dorm. Kasama ng kaibigan kong si Kyler. Dahil matagal ko na rin naman siyang kaibigan, siya na rin ang nagsuggest sa akin to live here. Para mas malapit na mismo sa university.

"Kain na." Sabi niya at nangiti pa. Mukhang excited na rin siya tulad ko. Last time we were classmates was when we were still in 6th grade. Ngayong 2nd year college na ako, nasa iisang eskwelahan na ulit kami at pareho pa ng cours, Engineering.

"Sigurado ka bang mababait ang mga classmates mo?" Tanong ko sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko habang kumakain kami.

"Oo naman. Maingay lang nga kami, pero mababait." Paninigurado niya.

Natapos na kaming kumain kaya nagayos na kami.

Walking distance lang naman ang university dito sa dorm kaya 30 minutes before ng class namin ay lumabas na kami ng dorm. Marami na ring students ang naglalakad patungo sa university.

"Huwag ka mahihiya mamaya sa mga yun ah? Pag kinausap ka, kausapin mo rin." Sabi niya. Tumango naman ako.

And that moment, I saw how big the university is.

Dito na ako magtatapos.

Typical scenario, students are walking while chatting, some are running, and there's me, still wandering my eyes. Sobrang ganda naman dito.

Dream University.

Sinundan ko na lang din si Kyler dahil parehas naman kami ng schedule. And guess what? Third floor pa ang classroom namin. Nako, kung araw araw ganito baka pawis na pawis na ako pagdating sa room.

Pagpasok ko sa classroom ay marami nang tao. Napansin ako ng iba kaya panay ang tingin nila sa akin. Nahihiya na ako.

Napansin kong nagbubulungan sila kaya umiwas na lang ako.

Malipas ang ilang minuto ay narito na ata lahat ng mga classmates namin. Katabi ko ngayon si Kyler pero may ginagawa siya. Naglalaro pa sa cellphone niya.

Dumating na ang adviser ng class at ipapakilala pa ata ako. Ma'am pwede po bang skip nalang 'tong part na to? Hahaha.

"We have a new student, Mr., can you please stand up and introduce yourself." She said. I hesitated to stand up pero wala na akong magagawa, kailangan kong magpakilala kahit na nahihiya ako.

I'm not used to speaking with so many eyes looking at me, pero hinayaan ko nalang. Bibilisan ko nalang ang magsalita.

"Hello. I'm Kim. Nice to meet you." sabi ko at umupo agad. Nakita ko namang natawa si Kyler.

"That's all?" tanong ni ma'am sa akin. Ma'am gusto mo bang magpakita pa ako ng talent ko sa harap? Joke. Kaya tumango nalang ako.

Natapos ang umaga at papunta na kami ni Kyler para kumain ng lunch sa canteen. Pumila na kami agad at kumain pagkatapos. 2 pm pa ang next class namin kaya tumambay muna kami ni Kyler sa bench dito sa grounds.

Nagmasid muna ako sa paligid ko at dumapo ang mga tingin ko sa isang grupo ng estudyante na nagtatawanan. Napakalakas ng mga boses nila kaya tinignan ko sila.

Napatingin yung isa sa akin kaya umiwas ako agad. Baka sabihan pa akong bakit ko sila pinapanood hahaha.

"Naglalaro ka nanaman ng ML?" tanong ko sa kasama ko.

Fastforward...

Tapos na ang class ko ngayong araw at bukas, wala kaming class! Monday, Wednesday, Friday at Saturday lang ang class ko kaya ayos na sa akin yun!

Plano kong gumala bukas dahil matagal na rin akong hindi lumabas. Dahil kasama ko lang din naman tong si Kyler sa dorm, aayain ko na siya!

"Kyler! Gala tayo bukas!" pagaaya ko sakanya.

"Nakakatamad, pero sige. Saan ba?"

"Sa rob lang. Kain tayo tapos laro." Sabi ko.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang magtanong.

"Ler, Wala ka bang mga kaibigan sa school?" tanong ko.

"Meron. Pero nasa ibang course kasi sila kaya minsan lang kami nagkikita kita." Sagot niya.

"Ano mga pangalan nila?"

"Reyster at Winston."

"Ohhh. Anong course nila?"

"Sa Business Ad sila."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa dorm.

Habang nakahiga ako, naisip ko naman ang mga nangyari ngayong araw. Masaya naman ang mga kaklase ko. Mababait nga sila. Kinausap agad ako ng mga iba doon kaninang break time.

Tinawagan ko na muna mga magulang ko bago ako matulog, syempre para magkwento.

"Maa! Paaa!"

"Kumusta ka naman diyan anak? Everything good?" tanong ni Papa.

"Oo naman po. Tsaka masaya po bago kong university! Tapos sobrang lawak pa po!" pagkkwento ko.

"Buti naman. Magpapahinga ka na ba?"

"Opo. Tumawag lang po ako. Kumusta po mga babies ko diyan???" Tanong ko at pinakita agad nina mama yung mga pusa ko. Namimiss ko na sila!

"Maaa! Namimiss ko na silaaa! PakiKiss sila for me!" sabi ko.

Nakita ko namang natakbo na ulit mga pusa ko. Hayy. I miss home.

"O siya! Matulog ka na anak. Love you!"

"Love you twooooo!"

Nagayos lang ako konti at natulog na ako kaagad.

I'm looking forward sa mga darating na araw ko sa university! Sana may mga new friends din ako soon!

[cut]

enchanted • vinci x kimWhere stories live. Discover now