Chapter 16: Relationship

16.5K 472 109
                                    

Chapter 16: Relationship



Tumagal ang titig sakin ng Mama ni Bomi bago siya umiwas ng tingin at inayos ang black cap na suot to hide her face as she think that I don't recognize her.




"Skye.."




Napatingin ako kay Bomi dahil tinawag ako nito. Mukhang marami siyang gusto sabihin sakin pero hindi niya alam ano ang sasabihin. She just opened her mouth, no words come out.



Naguguluhan ko lang sila tinignan. Naghihintay sa explanation nila dalawa. Maraming tanong ang gusto ko sabihin sakanila ngunit hindi ko alam ano ang uunahin.




Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan nang biglang may dumating na puting kotse. Lahat kami napatingin dito. Huminto ang kotse sa loob matapos bumuka ang gate. Bumukas ang driver seat at niluwa nito si Kuya Rafael.




He looked at me not long enough to stare because he went at the backseat door of the car. He opened it. Niluwa nito si Ma'am Eli na pabalik balik ang tingin saming tatlo. Mukhang kakagaling lang nito sa trabaho dahil naka formal attire siya.





"Mira?" Ma'am Eli called Bomi's mom.





Umiwas ang Ina ni Bomi at parang iniiwasan ang tingin ni Ma'am Eli. There's something wrong about them. Mukhang may problema silang dalawa. Huli ko nakita ang Mama ni Bomi noong dumating kami ni Maurice. Naabutan ko silang dalawa na mukhang nagtatalo.




Base sa narinig ko kanina mukhang hindi na tungkol sa business ang away nila. It's about their family.





"Skye will you.."Ma'am Eli said and looked at Tita Mira next to me with her serious eyes."Get inside?"





Inabot ng ilang segundo bago ako gumalaw dahil naguguluhan pa parin ako sa mga narinig kanina.




Pumasok ako sa mansion na nag iisip na sino ang tinutukoy ng mama ni Bomi? Anong kinalaman dito ni Ma'am Eli? Ayaw ko sana maki problema sa problema nila pero nakaka curious. Ang tanging tanong sa isip ko ay kung sino ang pamangkin na tinutukoy ni Tita Mira...




Hindi kaya isa sa Del Galiego? Jusko! Imposible naman! Malabo ang iniisip ko. Napailing ako sa iniisip habang humahakbang patungo sa kusina para sabihan si Manang na may ginagawa si Bomi. Mukhang hindi maganda ang mood ni Bomi ng makita ko siya kanina.







Hindi ako tumagal sa kusina. Tumungo ako ng salas para maghintay kila Ma'am Eli pero ang tanging dumating lang ay si Ma'am Eli' wala si Bomi o ang Ina nito. Hindi niya pinatuloy si Tita Mira. Ngayon iniisip ko na hindi maganda ang naging usapan nila kanina. Halata sa mukha ni Ma'am Eli. She look devastated when I saw her looked at me.







Taming The Wild (Del Galiego Series#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang