Ibig sabihin lang no'n tapos na ang break time at may klase na ulit kaya nagsibalikan na ang mga students sa kanila-kanilang room. Nilingon ako ni Sky. "Kailangan ko na bumalik sa klase, maya nalang ulit." Naging mababa na ang tuno ng boses niya na halatang malungkot at umalis na nga siya.

"Babalik na rin ako sa klase. I'm sorry ulit." Napalingon ako kay Haku nang bigla siyang magsalita, ilang sandali pa'y sumeryoso ang mukha niya. "Pero hindi ko mapangakong hindi na mauulit, dahil gagawa pa rin ako ng paraan para—basta aasarin pa rin kita." Biglang tugon niya at parang pinipigilan niya matawa.

Naasar ako sa sinabi niya kaya nagsasalubong ang mga kilay ko, pero tinawanan lang niya ako. Nagulat ako sa pagtawa niya, dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito na parang comfortable na siya sa 'kin.


Ang ngiti sa kanyang labi ay parang nagbigay sa 'kin ng dahilan para kumalma. Bigla ko nalang nakita ang sarili ko na dahan-dahan ngumiti. Namalayan ko 'yon kaya nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumigil sa pag ngiti.

Ano ba 'tong nangyayari? Lutang ba ako? O baka dahil sa simpleng tawa niya kaya ako napangiti? Diputa naman. Walang ibig sabihin 'yon, bumait lang ako sa kanya dahil sa ice cream na binigay niya.

Naging seryoso na ang tingin ko sa kanya at hindi ko siya binigyan ng dahilan para ngitian niya ako. Tumalikod na siya at nagsimulang lumakad. "Ang cute mo pa rin magalit." Rinig kong sabi niya habang nakakalayo na siya sa 'kin.

Nakatingin pa rin ako sa likod niya, at hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa sinabi niya. Pero pinagsantabing bahala ko nalang 'yon at nagpatuloy sa pagkain nitong ice cream na natutunay na.

Nakita kong naghahanda na ang ilang crew sa team namin para sa next scene na gagawin kaya lumapit na rin ako sa kanila para makapagsimula na.



Tanghali na at tumunog na naman ang school bell dahil lunch time na, nagsilabasan na mga students at pumunta sa cafeteria. Habang kami naman ng team ay kakatapos lang namin ng isang scene at nagpahinga muna kami.

Nilapitan ako ni Direk Mike. "Kumain ka na Tian, dahil medyo mahaba-haba 'tong next scene." Nakangiting sabi niya sa 'kin at ngumiti ako pabalik. "Later nalang po Direk busog pa naman ako. Kailangan ko muna i-continue ang pag practice ng guitar dahil hirap pa talaga ako." Sagot ko.

Tumango naman siya at lumapit na siya sa mga crew na nagtipon-tipon sa gitna ng quadrangle at kumakain. Nag message ako kay Sky kung nasaan siya para makapag practice ako ulit. Mayamaya lang ay naka received ako ng reply niya.

nandito ako sa admin building

Pagkatapos ko mabasa ang reply niya ay nagpaalam muna ako kay Direk pero pinakain niya muna ako ng desert nilang salad kaya dali-dali ko 'tong inubos para makaalis na ako.


Nang maubos ko na ang salad ay pinayagan na ako ni Direk at binilisan ko ang paglakad para maabutan ko pa siya do'n. Hindi naman mahirap hanapin ang Admin Building dahil nasa likod lang ito ng sculpture ni Goddess Dian Masalanta na nakapagitna sa entrance area.

Sa labas palang ng Admin Building ay namangha na ako kaya naging dahan-dahan ang hakbang ko dahil tinitignan ko ang ganda nito. Kakaiba ito sa lahat ng building dito sa school dahil ito lang ang gawa sa kahoy na matibay, para tuloy akong nasa nakaraang panahon.

Sinimulan kong humakbang sa hagdan na papasok na sa loob ng building. "Looks like I'm walking in a 90s building." Nakangiting sabi ko.

Nang makapasok na nga ako sa Admin Building ay napapalingon ako sa paligid at talagang speechless ako sa sobrang ganda nito. Hindi man ito masyadong malawak tulad ng ibang buildings dito sa school ay natatanging vintage building naman ito.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang