“Hindi na siya masakit.” sabi ko sa kanya, pero masakit pa talaga. Parang bumaon kasi ‘yung kuko niya.

“Let’s go sa house namin, later?” narinig kong sabi ni Karina. Napangiti naman ako sa idea niya. Maganda ngang pumunta roon kasi matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta doon sa bahay nila.

Miss ko na ‘yung pamangkin niyang Ate Season ang tawag sa akin.

“Nandoon ba si Seulhyun?” tanong ko sa aking girlfriend, tumango naman siya sa akin.

“Sige, bili muna tayo ice cream mamaya. Ibibigay ko kay Seulhyun.” saad ko rito.

“She doesn’t like ice cream.” ani Karina. Hindi ako makapaniwala. Mostly kasi sa mga batang na-eencounter ko ay mahilig sa ice cream.

“Ano pala ang gusto niya?” biglaang tanong ko.

“What time is your class now?” pag-iiba ng usapan ni Karina. Tumingin naman ako sa aking relo at maaga pa naman para sa klase namin.

“3 P.M. pa, Baby.” sagot ko.

“So, anong favorite food ni Seulhyun?” tanong ko ulit.

“Is that your last subject?” tanong ulit nito sa akin. Bakit niya ba iniiba? Don’t tell me nagseselos niya sa pamangkin niya? Haha.

“Baby, nagseselos ka ba?.” tanong ko at tumawa. Wala lang, feeling ko kasi nagseselos siya eh.

“Why?” sagot nito na para bang walang alam.

“Wala, sabi ko ang cute-cute mo.” sabi ko sa kanya at agad na kinurot ang dalawang bahagi ng kanyang pisngi.

Palagi siyang naiinis sa akin kasi palagi kong kinukurot. Paano ba kasi, ang cute-cute niya. Ayan tuloy.

Biglang nag ring ang cellphone niya, kaya naman ay napatigil ito sa kanyang ginagawa.

“Wait, let me answer this call.” tumayo ang aking girlfriend at agad na lumabas ng office niya. Hindi ko siya gets kung bakit sa labas pa niya sagutin, kung pwede namang dito sa loob?

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na agad si Karina. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, o magtatampo o hindi kaya magseselos kung sino man ‘yun?

Ay, bahala na nga.

“Sino ‘yun?” kahit anong bahala ko, hindi ko pa rin talaga maiwasang magtanong.

Bakit ba kasi sa labas kung pwede namang dito sa loob?

”Nothing.” nakangiti nito sagot sa akin, sabay upo sa swivel chair.

Edi okay.

Magsama sila nun kung sino man ‘yun.

CHAROT

“Badtrip ka na naman ba?” tanong sa akin ni Ningning. Kakatapos lang kasi ng Philosophy subject namin, at feeling ko rin ay kanina niya pa ako napapansin na wala ako sa mood.

“Hindi naman.” maikling sagot ko sa aking kaibigan. Ewan ko ba, hindi naman ‘yun big deal talaga pero ewan bigla-bigla nalang ako nawawala sa mood nang dahil lang dun.

“Sinungaling.” ani Ning, “Parehas talaga kayo ng pinsan mo, ano?”

Ayan na naman siya, dinadamay niya na naman ako. Sa tuwing may ginagawang hindi maganda si Giselle sa kanya, pati sa akin kino-connect niya eh.

“Nasa lahi niyo na ‘yan siguro.” kalmado lang akong nakikinig kay Ningning. Hindi naman ako naiinis talaga sa mga sinasabi niya. Bahala na siya d’yan kung ano ang sabihin niya, basta aminado akong hindi kami pareho ni Gi nuh.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now